Kabanata 5

15.7K 292 76
                                    

Kabanata 5

“I MISS you...” he said in his cracked voice.

“I miss you so much.”

I wanted to push him but I didn’t have the strength to do so. Gusto ko siyang itulak pero ‘di ko magawa dahil may parte sa akin na gusto ko ito. I don’t want to lie anymore...

I miss him so much, too. Na-miss ko ang maalagang Arjay. Na-miss ko siya nang sobra pero hanggang do’n na lang ’yon.

Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa sobrang katangahan.

Ano’ng nangyari, Aira? Hindi ba’y wala na? ‘Di ba ay naka-move-on ka na? It’s been ten freaking years, Aira! Wake up! Baka nakakalimutan mo na ipinagpalit ka niya kay Cherry? Sa kaibigan mo! Ano ’to? Pagkatapos ka niyang lokohin, ipagpalit at iwan ay babalik siya na parang hindi ka niya sinaktan? Stop being stupid, Aira Mae!

Agad akong napahiwalay kay Arjay nang may tumikhim. Suminghap ako at pinunasan ang mga luha sa aking pisngi.

“Uh, excuse me, Doc. Hinahanap na po kayo ni Mr. Santiago,” I heard Sarah’s voice.

“I need to go.”

“Ai, can we talk?”

Nagbuntonghininga ako at nagsalita muli, “Excuse me.” Iyon lang at tumalikod na ako pero bago pa ako makahakbang ay niyakap niya na ako mula sa aking likuran.

“I’m begging you, Ai. Let’s talk...” 
I sobbed while hearing his voice.

T*ng-ina naman, Arjay. Ako na nga iyong niloko niyo ‘tapos ikaw pa ang may ganang umakto nang ganito?

“Aira, please...” he pleaded between his sobs.

Tinanggal ko ang mga braso niya na nakayakap sa akin at tumango.

“Okay, let’s talk,” sabi ko at naglakad na palayo... palayo sa kanya.

“Doc, are you okay? Gusto niyo po bang i-cancel ko na lang ang meeting niyo with Mr. Santiago?” nag-aalalang tanong ni Sarah.

Umiling ako. Nakakahiya. Kanina pa siya naghihintay pagkatapos ay ika-cancel lang.

Napaka-unprofessional ko naman kung gano’n. I can’t cancel the meeting dahil gusto ko ring makita si Amiel.

“No, I’m okay,” sabi ko at iniwan siya.

“Oh! Finally, you’re here!” pabirong bungad ni Mr. Santiago.

Bigla naman akong nahiya dahil do’n.


“Kanina ka pa ba? I’m sorry. May nakausap kasi ako kaya... kaya natagalan.”

Tumango siya, naglakad palapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Ngumiti ako sa kanya.

“Flowers for my beautiful doctor.” He smiled. Binigay niya sa akin ang isang  bouquet ng rose. Nakangiti ko naman itong tinanggap.

He’s so sweet.

“Thank you, my Engineer,” nakangusong sabi ko.

Tumawa siya at kinurot ang pisngi ko.
“How’s your flight?” tanong niya at umupo sa tabi ko. “Jetlag?”

Umiling ako. “It’s was good naman and yes, kung wala lang sigurong event ngayon dito ay natulog na ako sa kwarto ko,” saad ko dahil grabe ang jetlag ko.

“Ikaw? Kumusta ka at yong firm?” tanong ko pabalik. “Oh wait! Si Tita, how is she?” I asked all of a sudden.

“I’m good and the firm is doing good, too. Si Mommy, as usual lagi kang tinatanong sa akin. Kung kailan ka raw niya makikita. She really loves you, Mae.”

My BestFriend's Boyfriend (Published under SP)Where stories live. Discover now