Kabanata 8

15.1K 291 20
                                    

Kabanata 8

“THIS one, Aira Mae!” nakangiting sabi ni Tita Amelia at pinakita sa akin ang isang red halter backless chain sleeveless dress.

It was a signature dress.

“It suits you!”

Kinuha ko ito sa kanya at tiningnan. It’s sexy and elegant. Tumango ako kay Tita.

“I’m fine with this, Tita. Ang ganda po.”

She giggled and smiled at me. “I knew it! Suotin mo ’to kapag magde-date kayo ng anak ko o sa anniversary niyo,” aniya, bakas sa boses nito ang kasiyahan.

Tumikhim ako at nahihiyang tumango. Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako papuntang cashier.

“35,000 pesos, Ma’am.”

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Umiling ako kay Tita Amelia nang ibigay niya ang black card niya sa cashier. Oh godness! It’s too much!

“Tita..”

“It’s fine, Mae.” She smiled. “It’s my gift for you. Because of you, my Amiel is happy.”

Tumango na lang ako at hindi na sumagot. Tita Amelia and I decided to go to the nearest restaurant to take our lunch. It’s already one o’clock in the afternoon at hindi pa kami nakakapag-lunch.

“Here are your orders, Ma’am.” The waiter smiled at us. “Enjoy the food and if you need anything, please don’t hesitate to call us.”

Sabay kaming tumango ni Tita. We did pray first before eating, like our usual routine whenever we eat. Every time na kumakain ako sa bahay man o restaurant, nagdadasal talaga ako bago kumain. Mama’s doing it too, in fact, nakuha ko ’yon sa kanya. I remember my mother saying,

“H’wag na h’wag mong kalimutang magpasalamat sa Diyos sa mga blessing na binibigay Niya sa ’yo, mapamalaki man o maliit.”

Isa iyon sa paalala niya sa akin na kahit kailan man ay hindi ko nakalimutan.

“Do you go here often?” Tita Amelia asked.

“Not really, Tita. Mas gusto ko po kasi ang pagkain na niluluto sa bahay,” I replied.

She nodded and smiled. “My son loves it too. I remembered back then... when he was in his college days, ayaw na ayaw niya ang mga pagkain na galing sa mga restaurant. Kahit anong pagkain pa ’yan, basta galing labas? Ayaw niya.” Bahagya akong natawa nang ngumuso si Tita. “Gustung-gusto niya na nilulutuan siya ng pagkain. Wala akong hihilingin sa mapapangasawa ng anak ko kung hindi ang mahalin siya at alagaan. Ikaw ba, Mae, anong gusto mo?"

Napaayos ako ng tayo sa tanong ni Tita Amelia. Ano nga ba ang gusto ko? Honestly, hindi ko na rin alam kung ano’ng gusto ko. Hindi naman kasi ako nag-isip ng kung anu-ano no’ng naging kami ni Arjay. Ang sabi ko no’n ay wala na akong hihilinging iba. Hindi na ako mag-aasam ng ibang bagay. Wala akong pakialam kung galing ba sa labas ang kakainin ko basta kasama ko si Arjay kumain... okay na ako ro’n.

Ang importante sa akin ay yong ’mahal namin ang isa’t isa at makasama ko si Arjay.
But after what he did to me, hindi ko na alam kung ano ang gusto ko. I’m afraid to set a standard... because I’m afraid to lose it again.

“Ano ba ang mga gusto mo sa lalaki?” I blinked twice as I heard Tita Amelia's question.

“Ang gusto ko lang po ay ’yong mamahalin ako ng buong-buo. Hindi ako lolokohin at hindi ako sasaktan dahil sawang-sawa na po akong maloko at masaktan.”

My BestFriend's Boyfriend (Published under SP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon