DUGO ANG TINTA

221 8 0
                                    

Sa pagsusulat mga tulang galing sa puso,
Tintang gamit ay dugo
Sapagkat ito'y tunay at 'di biro
Sakit at lungkot sa pluma ay nakahalo

Gaya sa lagna ni Supremo sa Katipunan,
Sinseridad bawat salita'y mararamdaman
Mga talata'y para sa pag-ibig na 'di naipaglaban,
At sa mga saknong hatid sa mga sinukuan

Mababalikan mga alaalang 'di mabura
Kalaliman sa sugat ng nakaraan ay makikita
Kung gaano ang kirot sa mga naging pasya,
Ganun din kapait itong mga talata

----------------------
IG: meshezabelmary

;))

Dugo Ang Tinta (poems)Where stories live. Discover now