KAY SOL

117 3 0
                                    

Mahal kong sol, ako si Luna
Ikaw ang araw na siyang nagbibigay ng pag-asa
Dala mo'y liwanag na nagniningning sa umaga
Paborito ang iyong kulay kahel senyales na ika'y palubog na,
Salamat mahal, dahil sayo ako'y makakahinga

Sa gabing mag-isa't kay dilim,
Ito pa rin aking hiling
Kung gaano tayo mapagbigay sa iba, nais kong sabihin,
Na sana, kahit konting panahon, isipin naman natin
Mali bang ipagdamot pag-iibigang atin?

Saksi ang sansinukob, pati na rin mga kasamang bituin sa gabi,
Rinig nila pananabik at mga hikbi
At pati mga ulap, aking kakampi
Dala nila'y ulan tinatakpan aking ilaw, itatago sa tabi
Itinadhana nga ba ng bathalang hari?

Dugo Ang Tinta (poems)Where stories live. Discover now