ANG HINDI PAGSANG-AYON NG TADHANA

176 7 0
                                    

Masaya bawat kabanata sa umpisa
Hatid sa isa't-isa'y ngiti't ligaya
At 'di man sigurado kahahantungan ng istorya,
Sa bawat tutol ng nakararami'y ipaglalaban ka

Sa ating paglalakbay balakid ay lalagpasan natin,
Ngunit palayo ng palayo'y 'di na kayang tiisin
Mahal kita subalit kailangan na nating tanggapin,
Ang destinasyo'y 'di atin

Marahil ang pulang tali sa hinliliit ay 'di konektado
Kapalaran ay sa iba nakaplano
Masakit ma'y 'di na tayo mahihirapan sa takbo
'Di sang-ayon ang tadhana sa ating kwento



Dugo Ang Tinta (poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon