PAMAMAALAM AT PAGPAPATAWAD

40 1 0
                                    

Hindi man masabi ng mainam laman ng kalooban,
"Sawakas" ang salitang matagal nang inaasam,
Sapagkat akin nang ititiklop nakalipas na kabana't mga liham
Akin nang tatanggapin mga aral ng nakaraan

Pamamaalam sa isa't-isa'y siyang nauna,
Dahil walang kasing sakit ang mga oras ng mag-isa
Ang pagbitaw mula sayo'y ikalalaya,
Bagkus dito nahanap ang sariling mahalaga

At ngayon nga'y narito't nagpapatawad,
Sa'yo, sa atin, at sa sarili'y ilalahad
Patatawarin kita't patatawarin mo rin ako,
Sa aking pagbitaw, sa iyong pagsuko

Dugo Ang Tinta (poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon