HULING YAKAP

161 12 0
                                    

Isang metro lamang ang layo mula sa'yo
Hindi matanggap mga salitang binibitawan mo
Anong mali't 'di ka na masaya sa piling ko
Kay bilis ng panahon at ngayo'y nasa dulo

Bago ka tumalikod ay saglit,
Wala mang ni isang letra sa bibig nasambit
Sapat na mga matang ipinapahiwatig ay sakit,
Isang huling yakap lang na mahigpit

Hindi ganito ang pakiramdam sa tuwing ika'y nahahagkan
Lamig ng mga braso mo'y nararamdaman
At sa unti-unti mong pagbitaw palayo, ako'y naiwan
'Di ka na lumingon, tapos na ang laban

Dugo Ang Tinta (poems)On viuen les histories. Descobreix ara