Itim, dilaw, pula,
'Di man batid ngayon kulay ng suot mong kamiseta
Kung mahuhulaan man ito ng tama,
Magsisilbi itong senyales na sa hinaharap ay akin kaTignan mo nga naman,
Sa dinami-dami ng puwede mong daanan
Tila sumasang-ayon ang kalawakan,
Sumasabay ba naman sa aking kalokohanMagbibilang ako, pagkasabi ko ng tatlo,
Lalabas ka mula diyan sa puting pinto
Kaba ang namutawi sa katawan at kay bilis pintig ng puso
Lumabas kang nakangiti na siyang kumukumpleto sa araw ko
At eksakto ito sa nasabing numeroSa pagtiklop ko sa huling pahina ng talaarawang akin,
Tanong sa mundo'y bakit ako hinayaang paasahin
Tama naman lahat ng hula, bakit wala siya ngayon sa'kin
Nagkataon lang ba lahat sa nakaraan?
Kung oo ang sagot, uulan
At sa pagtago ko muli nito, patuloy pang naguguluhan
Nagbago lahat nang marinig kidlat at kulog mula sa madilim na kalangitan
BẠN ĐANG ĐỌC
Dugo Ang Tinta (poems)
Thơ CaKung ang mga grupo ng salita'y nagiging talata, taludtod sa mga saknong na tugma, ang mga tulang nanatiling 'di nababanggit sayo'y nakakabuo ng antolohiya. At sa pagsusulat nito'y dugo ang aking tinta.