MULTO NG NAKARAAN

169 7 0
                                    

Eksaktong alas-dos ng madaling araw na naman
Sa bangungot ikaw pari'y laman
Lamig sa buong silid nararamdaman
Puot at lungkot hatid ng nakaraan

Binabalik-balikan masasayang sandali,
Pati na rin mga huling wikang sinabi
At kasabay mga luha't paghikbi,
Dama ang tahan ng unan at kumot sa sarili

Mula sa mga mahal kita't paalam,
'Di mawala-wala sa isipan bawat paramdam
Kilabot at pagtayo ng balahibo sana'y alam,
Sagot sa mga bakit pa rin ay inaasam

Dugo Ang Tinta (poems)Where stories live. Discover now