ANG PAGHIHINTAY

45 1 0
                                    

Hindi man naging maganda aking nakaraan,
Marami man akong mga bagay na pinagsisihan,
Ang lahat ng ito'y natuldukan
Mula nung ika'y nangakong ako ang iyong kinabukasan

Dahil dito'y palaging laman ng isip ay ikaw
At ang ngalan mo'y kilala na ng mga bulalakaw
Pati na rin mga kantang pinakikingga'y inihahambing sa'yo,
Wala mang kasiguraduhan sa liham na inihatid mo

Dito nga nagsimula ang aking paghihintay
At ako'y maghihintay at maghihintay
Sapagkat ako na ri'y sigurado,
Na sa iyong pagbabalik, handa na muling umibig ang puso

Dugo Ang Tinta (poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon