Kabanata 4

12 0 0
                                    

____________________

IV - Wrong

____________________

Agad na bumaba ang kapatid ko mula sa pick-up, ganoon din si Manasseh. Magkasabay silang tumungo sa mga lalaki. Pati ang iba kong mga pinsan ay nagsilapitan na rin roon maliban na lamang sa amin ni Aegeus at si Alastair na nasa loob.

Nag-usap sina Manasseh at Osborne. Si Ahira naman ay kinakausap si Jeroboam.

"Bakit kayo nandito?" si Ahira.

"We're supposed to attend a friend's wedding," sagot ni Jeroboam.

"Sa mga Gamboa ba?" si Manasseh. Tumango si Jeroboam.

"You can't fix this easily. Kailangan ng mekaniko," sabi ni Ephraim na tumitingin sa sira ng sasakyan kasama ni Osborne.

"You should ride with us," alok ni Ahira bago bumaling kay Manasseh. "Okay lang ba Kuya?"

Tumango si Manasseh. "Don't worry about the car. It's safe here."

Nang papunta na sila sa direksiyon ng pick-up ay isa-isang pinakilala ni Ahira ang mga pinsan ko.

"You know my sister already, that is Aegeus, at sa loob ng sasakyan ay si Alastair," sabi ni Ahira habang isa-isang tinuro kaming mga naiwan.

Bumaling siya sa banda ko. Tinitigan ko lamang siya ng ilang saglit bago tumingin sa kalsada.

"Isa sa loob at dalawa sa likod," sabi ni Manasseh.

Sumama sa loob si Osborne habang si Jeroboam at ang isa pa nilang kasama ay sa likod kasama namin. Tumingin sa akin iyong lalaki at ngumiti.

"Ano palang pangalan niya?" tanong nito sa kapatid ko. Bakit hindi nalang niya ako diretsong tinanong? Tss.

"Ay oo nga pala," sabi ni Ahira nang mapagtantong kapatid lang ang pagpapakilala niya sa akin kanina. "Athaliah."

Ngumiti sa akin ang lalaki. "Ammiel." Maglalahad na sana siya ng kamay nang tumikhim si Aegeus.

"Hindi na kailangang maghawak ng kamay."

Humagikgik kami nina Agot at Ahira. Aegeus is the most silent among us but he's the most protective among our guy cousins, lalo na kay Agot na mismong kapatid niya.

"Ang OA mo Kuya," si Agot. "Wave nalang kayo sa isa't isa, Athaliah," panunukso niya na ginawa naman namin ni Ammiel para asarin si Aegeus.

Napatawa kami ulit.

"Sinong kaibigan n'yo sa ikakasal? Bride or groom?" tanong ni Agot.

"Bride. Kaklase namin noong high school," sagot ni Ammiel. "Doon din ba ang punta ninyo?"

Umiling si Agot. "Hindi namin sila masyadong kilala pero naimbitahan naman ang pamilya. Hindi ko lang alam kung dadalo ang mga magulang namin."

Dadalo sila. Iyon ang alam ko dahil narinig kong pinag-usapan iyon kahapon nina Auntie Rosalinda.

Makalipas ang higit sa sampung minuto ay narating namin ang isang barangay. Huminto ang sasakyan sa may tapat ng isang sari-sari kung saan may mga taong nakatambay.

Naunang bumaba sa sasakyan si Osborne na sinundan naman ng pagtalon mula sa likod ng pick-up ng dalawang kasama niya.

"Kinuha ng kaibigan ninyo ang numero ko para kung wala kayong masakyan mamaya ay sumabay nalang ulit kayo sa amin," sabi ni Manasseh pagkatapos sabihin ang mga importanteng direksiyon sa kanila.

"Sa taas lang ang simbahan at nakikita naman agad ang reception ng kasal kaya hindi kayo maliligaw," si Ephraim.

Nagpasalamat sila sa mga pinsan ko bago tumalikod para pumunta na sa sinasabing simbahan. Nagpaiwan saglit si Jeroboam at tumingin kay Ahira.

Athaliah's Redemption (Ortega Series 1)Where stories live. Discover now