Kabanata 7

12 0 0
                                    




____________________

VII - Unveil

____________________


I pinched my arm to stop myself from smiling. Pero namanhid din yata ako dahil doon.

Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na kami sa subdivision namin.

"You can drop me off here," sabi ko para hindi pa ako makaabala pa sa kanya. Lalakarin ko nalang ang daan papunta sa bahay kahit na medyo may kalayuan iyon sa entrance gate ng subdivision. It is now only drizzling so I should be fine.

Instead of doing what I said, he gave an identification card to the guard on duty. It was swiped into the system to monitor persons coming in and out of the area.

"Where's your house?" tanong niya nang tuluyan kaming makapasok sa loob.

"Diretso lang," sabi ko. Nang dapat na liliko ay tinuro ko rin ang direksiyon hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay.

"Thank you ulit." I smiled at him. Nilingon ko ang bahay namin bago bumaling muli sa kanya. "Uhm, I don't know if I should invite you inside...or..."

"It's okay. I have to go."

Hindi ko alam kung bakit hindi okay para sa akin ang sagot niya.

"Saglit lang," sabi ko bago mabilis na pumasok sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa kusina.

Agad akong kumuha ng disposable containers. Nilagyan ang mga iyon ng pastries na ginawa ko kahapon para sa party namin kanina. French macarons, gingerbread cookies, chocolate chip cookies, and brownies. Wala na akong oras para maghanap ng box o mas maayos na paperbag na paglalagyan. Kaya naman, inilagay ko nalang lahat sa isang malaking brown paper bag.

Binilisan ko ulit ang pagpunta sa labas. Natanaw kong nandoon pa rin ang sasakyan at hindi pa umaalis.

"Here," hinihingal kong sabi. "My thank you offering for driving me home safely."

Tumingin muna siya sa akin bago inabot ang inilahad kong pastries.

His hands brushed mine when he got them for the first time. I felt electrified by the touch. Natigilan ako saglit pero nakabawi naman agad. Mabuti nalang at hindi niya napansin iyon.

I stepped back after he got the pastries.

"Ingat," simple kong sabi at hindi napigilang ngumiti.

"Thank you, Margruite," he said, looking at me before fixing his gaze on the road. A few seconds passed, he drove his car away.

Nang makapasok muli sa bahay ay siya naman ang pagbaba ni Ahira sa hagdan.

"Sino iyong naghatid sa'yo?" kuryosong tanong niya.

Kumuha ako ng isang baso sa paminggalan at nilagyan iyon ng malamig na tubig mula sa water dispenser bago sinagot ang kapatid.

"Jeroboam."

Bakas ang gulat sa mukha ng kapatid ko pero hindi siya nagtanong kung bakit si Jeroboam ang naghatid sa akin. Maybe she knows I am with Jemima earlier and that his brother fetched her.

"You did not invite him in?"

Tumingin ako sa kapatid ko at umiling. "Mommy won't like it."

Ahira just shrugged.

Wala man si Mommy at Daddy ngayon dito, binabalitaan pa rin naman siya ng mga kasambahay namin. And, both our parents strictly told us not to invite guys over, unless they are our cousins or unless we are directly supervised by the househelps.

Athaliah's Redemption (Ortega Series 1)Where stories live. Discover now