Kabanata 8

13 0 0
                                    


____________________

VIII - Dark

____________________

I was analyzing my feelings on our way home. Kahit nang nasa bahay na at kasama si Ahira ay nasa nararamdaman ang isip ko. Tinutusok-tusok ko lamang ang pagkain at nilalaro iyon, walang masyadong gana para kumain.

"May sakit ka ba?"

I lazily looked at my sister. Nakatuon rin ang pansin niya sa akin habang kumakain siya.

"Nagpakilala naman na ang nagbibigay sa'yo ng rosas at tsokolate ah. Si Benjamin lang pala."

I groaned. Nakarating agad sa kanya ang balita.

"I'm just not in the mood." Ibinagsak ko ang mga mata sa pagkain sa plato ko at huminto na rin sa paglaro noon.

"Obviously. I would not be asking if you are not." I can immediately sense her rolling her eyes at me. "Bakit? Disappointed ka ba? May inaasahan kang iba?"

Agad na kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "What do you mean?"

"Well, you seem dismayed. My guess is you are expecting another person to be behind those things being given to you for the past months. Pero, ibang tao pala."

She got the first one a bit right. Hindi naman ako dismayado...o baka nga talagang dismayado lang ako dahil hindi man lang ako nilingon kanina ni Jeroboam. Pero dapat ay maganda ang dating noon sa akin para sa ganoon ay mas mapapadali ang paglimot ko sa nararamdaman ko sa kanya.

I never expected him to be behind the roses and chocolates as well. I don't think he is that kind of guy. At, hindi naman niya ako gusto para gawin iyon.

"Seems like you know a lot about emotions," I spat as I lazily leaned on the chair. "Are you dating someone?" diretsahan kong tanong.

She lifted a brow at me. "Dahil lang marunong bumasa ng emosyon, nagdi-date na agad? Sino ba iyang crush mo at ganyan ka ngayon?"

"I don't have a crush," mariin kong sabi.

She mimicked my words teasingly. "'Yan mismo ang sinasabi ng taong may crush."

"Even if I do have a crush, you would not know who." Because I won't let anyone know I have a crush on Jeroboam. Lalong lalo na ang pamilya ko.

Nagkibit ng balikat si Ahira. "Bakit mo inayawan si Benjamin?"

Tumayo ako at hindi na inabalang ipagpatuloy ang pagkain dahil hindi lang rin naman ako kumain noon. "He's not worth my time."

"Why don't you try going out. Hindi naman agad bilang magnobyo pero bilang magkaibigan."

I laughed. I cannot imagine my sister as open as she is now. "You want me to date? Buti nalang at wala si Mommy kung hindi ay baka ano pa ang aabutin mo sa kanya."

"Just saying," si Ahira. "Malay mo siya pala, hindi mo lang alam."

Umiling ako. I don't know but I feel so sure that he is not the one.

Classes are okay for the next few days. Kaya lang ay hindi tumigil si Benjamin kahit na inayawan ko siya noong Valentines. He became vocal about his feelings. Kung dati ay patago ang pagbibigay niya ng rosas o tsokolate, ngayon ay siya na mismo ang nagbibigay noon.

Bago ang klase ay nagpapakita siya at nagbibigay ng kung anong regalo. Kapag naman lunch break ay nakikisama siya sa amin sa pagkain pero umaalis naman kaagad kapag pinapaalis ko.

"Just one date, Athaliah."

Tinitigan ko si Benjamin. Nasa parking lot kami ngayon at pauwi na sana nang hinarang niya kami nina Jemima at Addessa.

Athaliah's Redemption (Ortega Series 1)Where stories live. Discover now