Kabanata 18

14 0 0
                                    

____________________

XVIII - Love

____________________

*SPG ahead. Read at your own risk.


I was just looking at the door.

Hinintay ko pa ng ilang minuto para tingnan kung babalik pa siya. I was counting seconds in my head until it turned to minutes.

I closed my eyes tightly as I slapped myself, wishing that I would wake up from my irrationality.

Napahiga ako sa kama nang tuluyan at nakatingin nalang sa kisame. I don't know which to concentrate on among the many things running inside my head.

Hindi ko na napansing tumutulo na pala ang ilang luha sa aking mga mata.

Agad kong pinalis iyon at sinubukang matulog nalang. Ewan ko nga lang. Bakit parang wala nang epekto ang nainom ko kanina? I should already be sleepy but I am still wide awake.

Mahigit isang oras din yata akong nakapikit lang at nakahiga, hindi pa rin dinadalaw ng antok.

I sighed deeply and decided to just take a shower. I thought it was a good idea to soothe whatever I am feeling right now. Nagtagal ako sa bath tub at inisip pa rin ang ginawa kanina.

I feel so disappointed with myself. Ako pa na isang babae ang pumipilit.

Fuck!

Jeroboam must be feeling the same way too. Baka ano na ang tingin niya sa akin.

Napabuntong-hininga nalang ulit ako habang nilalaro ang mga bulang tumatakip sa katawan kong nakababad sa tubig. I was already mentally making a speech for myself. Maraming mga salita ang naglalaro sa isipan ko kung paano ko siya kakausapin... kung ano ang sasabihin ko.

Baka nagpatuloy pa ako sa ginagawa kung hindi ko narinig ang malalakas na katok sa pintuan.

Agad kong inabot ang tuwalya at dali-daling pinunasan ang buhok at katawan. Nang hindi humihinto ang pagkatok ay kinuha ko ang roba at isinusuot habang palabas ng banyo.

I opened the door and saw Assunta.

Dire-diretso siyang pumasok sa loob. Muntik pa akong matumba dahil sa lakas ng pagbangga niya sa akin.

"What the hell is your problem?!" hindi ko mapigilang magalit.

She did not answer me. Instead, she looked around the room. Pati ang banyo at maliit na walk-in closet ay tiningnan niya.

Ano na naman ba ang kailangan nito?

"Stop flirting with my boyfriend!" inis na sabi niya sa akin at tiningnan ang lamesa. She immediately got something from there. Hindi ko nga lang nakita kung ano. Mas itinuon ko ang pansin sa kanyang sinabi.

Natawa ako sa inis.

Pagsasabihan ko pa sana siya pero mabilis siyang naglakad paalis.

Hindi nga lang ako nagpatinag. Sinundan ko siya palabas.

"What did that fucking boy give you that you're this head over heels towards him?" galit na tanong ko.

She opened her suite's door and got inside. Susundan ko rin sana kaya lang ay mas nauna siya sa pagsara ng pintuan. I almost bumped my head on it.

I groaned in frustration.

Kinatok ko iyong pintuan nang malakas. Napagod nga lang ako agad kaya humina iyon.

"Come on, Assunta!" I said. "We're not done talking!"

I want to clear things with her. Gusto kong sabihin na namin sa isa't isa kung ano man ang gusto naming sabihin. I don't want to continue this friendship if it just means we're faking it. I don't even know if there is such friendship to talk about.

Athaliah's Redemption (Ortega Series 1)Where stories live. Discover now