Kabanata 19

16 0 0
                                    


____________________

XIX - Tayo

____________________

"Kumusta?" I asked Ahira when I was at the first step of the staircase.

Kararating niya lang kanina dito sa Florence. Dahil nakatulog ako ay hindi ko siya nasundo at nasalubong agad.

She looked at me for a long time without saying anything.

"Your sister is asking you, Ahira Merrela," sabi ni Mommy.

Tipid na ngumiti si Ahira sa akin.

"Sorry. I'm just really tired," she said. "Magpapahinga na po ako sa kwarto."

Napatingin siya muli sa akin bago nilagpasan ako at tinungo ang kwarto naming dalawa.

My brows furrowed. Ahira is never like this. May problema ba siya?

Gusto ko siyang sundan para sana tanungin pero baka nga talagang pagod siya. Hinayaan ko na lang muna siyang magpahinga. Bumaba naman siya para sa dinner namin at mukhang maayos na ang pakiramdam.

"How's London?" I asked as she was blowdrying her hair.

Kahit na natanong naman siya kanina sa dinner at nagkwento, gusto ko pa ring tanungin siya na kami lang.

"Ayos lang. College really sucks one's whole being. Kaya kailangang palaging matibay ang loob," sagot naman niya at inihinto na ang hair dryer nang matapos siya. Ngayon ay nagsusuklay na.

"How's Manila?" she asked in return.

"Ayos lang rin. Mainit pa rin. As for acads, I think I chose the wrong strand though."

"Hmm... how about your love life?"

Napabaling agad ako sa kanya. She was leisurely combing her hair while staring at the vanity mirror.

"I don't have one."

Tumawa nga lang siya at inilapag ang suklay sa vanity table bago tumingin sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay.

"You did not text or call him?"

Umiling ako.

"Chat or mail then?"

Kunot-noo ko siyang tinitigan. "Wala. Bakit iyan ang mga tanong mo?"

I sat on the edge of the bed from standing up. Siya naman ngayon ang pumalit sa pwesto ko kanina nang nakatayo.

"Really? So lahat ng pagkikita ninyo, nagkataon lang?"

Napalunok ako. Ahira definitely knows something. Only one person knows about Jeroboam and me. Si Deuel. Pero hindi naman sila magkakilala yata ni Ahira. And, it is unlike Deuel to just tell someone about matters not his own concern.

"What are you saying?"

"Don't lie to me, Margruite. That is the least thing I want from you right now... Nagkikita ba kayo ni Jedan?"

I did not answer her. I just stared at her for a long time. Ganoon rin siya sa akin.

Tumango-tango siya bago kinuha ang phone niya. May kinalikot siya doon bago muling tumingin sa akin. She turned her phone on speaker. Doon ko lang natanto na may tinatawagan siya.

"Sino iyan?" tanong ko kahit na may hinala na ako kung sino ang tinatawagan niya. She showed me her phone's screen and I immediately saw Jeroboam's name! Tinatawagan siya ni Ahira sa Messenger!

Akma kong kukunin ang phone mula sa kanya pero inilayo niya iyon. She put it on speaker when Jeroboam answered.

"Kayo na ba ng kapatid ko?" agarang tanong ni Ahira na hindi man lang bumati.

Athaliah's Redemption (Ortega Series 1)Where stories live. Discover now