PROLOGUE

1.3K 98 12
                                    

NAGULAT ang lahat nang ibagsak kami ni Sir sa long quiz. Isa sa mga kaklase ko ay nahuli na may kodigo kaya nadamay kaming lahat.

“Ang tanga mo, Wena!” sigaw ni Francine habang dinuduro si Wena.

Agad naman pinigilan ng mga lalaki si Francine nang akma nitong sasabunotan si Wena.

Tumayo naman si Wena, “Girl, what? ako lang ba ang nag che-cheat?” depensa niya.

“Tanga ka kasi, nagpahuli ka!” sigaw ni Yana, isa sa mga kaibigan ni Francine.

Bigla naman pumagitna si Rachelle, ang aming class president, “Tumigil na nga kayo!” saway niya.

Sa wakas ay tumigil na rin ang tensyon sa loob ng room, ang oa kasi nila. Wala naman na kasing mangyayare kahit magpatayan pa sila, bagsak na kaming lahat sa long quiz.

Kawawa tuloy kaming mga nag-aaral nang mabuti tapos madadamay sa katangahan nila. Napabuntong hininga na lang ako nang dumating ang sunod naming subject teacher na bumigay lang ng lectures at activities sabay alis.

Naisipan kong gawin ang activity sa library dahil sa ingay ng mga kaklase ko. Kahit kailan talaga walang katahimikan sa room namin.

Dumaan muna ako sa cafeteria para mag-lunch, since may baon naman akong kanin ay bumili na lang akong ulam. 

Pumwesto ako sa may gilid kung saan tahimik ang paligid ngunit rinig na rinig ko pa rin ang mga bulongan kahit malayo.

“Omg! 'Yan na sila!” biglang sigaw ng isang babae na hindi ko alam kung saan galing.

“Ang pogi nila!”

“Ang pogi mo, Charles!”

As usual, kapag daraan ang mga feeling pogi na varsity player ng school. Kaya pala nagkakagulo ang mga babae ay dahil pumasok sila.

Halos mabaliw ang mga babae habang nakatingin sa varsity boys also known as vboyz na naglalakad patungong counter.

Lalong lumakas ang sigawan ng mga babae nang umupo ito malapit sa kanila at nagsimulang kumain. Napatingin sa gawi ko si Tristan, ang leader kuno ng vboyz kaya nagkunwari akong nagtitipa sa'king phone.

Awkward.


Pinagpatuloy ko na lang kumain dahil gusto ko nang makaalis sa lugar na ito. Tatayo na sana ako nang may biglang umupo sa harapan ko. And to my surprise... It was him.


Tristan.


Napakunot noo naman ako. Ano naman kaya gagawin ng lalaki na ito sa harapan ko? I've heard he's a bully kaya mas mabuting iwasan ang lalaking ito.

Tatalikod na sana ako nang pigilan niya ako gamit ang kaniyang kanang kamay. I was shocked at the moment kaya hindi ako nakapag salita. Maging ang mga estudyante sa aming paligid ay nagulat sa nangyare.

“What!?”

“Omg, who's that girl? She's so lucky!”

“Kung ako 'yan, hindi ako maliligo nang isang buwan!”

“Grabe ka, teh.”

Bumalik lang ako sa reyalidad nang kinalas niya ang kamay na nakahawak sa akin.

“Vanessa, right?”

He knows my name? Paano niya naman kaya nalaman ang pangalan ko gayong hindi naman ako famous sa school na 'to.

Embrace Of Night Where stories live. Discover now