CHAPTER 2

711 54 11
                                    

NAGISING ako dahil sa lakas ng alarm clock ko. Tinatamad akong bumangon at pumunta ng banyo para maghilamos.

Pagkalabas ko ng banyo ay tulog na tulog pa si Eros sa kuwarto niya kaya inihanda ko na lang ang agahan. Nagluto ako ng itlog at longganisa.

Pagkatapos kong magluto ay inayos ko ang nagkalat na mga notebook ni Eros na nasa lamesa. Napansin ko ang mga sketch niya na ako at ang mama namin.

Ang gaganda!

“Ate naman... ”

Biglang sumulpot sa likuran ko si Eros. Pumupungay pa ang mga mata nito na halatang galing sa mahimbing na tulog.

Si Eros ang nag iisa kong kapatid na lalaki, first year high school na ito. Siya lang ang kasama ko rito sa bahay dahil ang aming ina ay nasa ibang bansa nagtatrabaho matapos ang pagkamatay ng aming ama.

Napatingin ako kay Eros na inaayos ang kanyang mga gamit. Ayoko nang may mawala pa sa pamilya ko, hindi ko talaga kakayanin.

“Ate, nakita mo ba yung isang notebook ko na kulay puti?” tanong niya.

Umiling ako, “Kumain ka na, wala ka ba pasok?”

“Wala pero may gagawin kaming group activities.”

“Sige basta 'wag kang magpapagabi ng uwi ha.”

Tumango lang ito at nagsimulang kumain. Sinabayan ko na rin ito kumain kasi baka ma-late pa ako. Pagkatapos namin kumain ay naunang lumabas si Eros.

“Alis na po ako, ate!”

“Sige, ingat ha!”

Pagkatapos kong mag ayos ng sarili ay lumabas na rin ako ng bahay at nag antay ng bus na sasakayan. Maaga pa naman kaya paniguradong hindi pa ako late.

Habang nag aantay ng bus ay binuksan ko ang aking phone para makapag-browse sa facebook. Nag message sa akin si Eya.

Freya Mendoza:

Where na you? start na ng reporting!

Kahapon pa pala 'tong message since hindi ako nakapag online kahapon dahil wala ako sa mood. Naalala ko na naman tuloy ang nangyare kahapon. Damn, that bastard, ang lakas ng trip.

Muntik pang humiwalay ang kaluluha ko nang biglang may kumalabit sa aking  likuran.

“Teh, palimos po.”

Akala ko kung ano na. Napatingin ako sa batang lalaki, ang dungis nito at nakakaawa kaya binigyan kong limang piso at pandesal na binili ko sa bakery kanina.

Saktong may tumigil ng bus at nag-uunahan ang mga pasahero pumasok. Pagpasok kong bus ay puno na sa unahan at gitna.

Napatingin ako sa hulihan, may isa pang space, napansin ko ang lalaking nasa hulihan, naka hoodie ito at itim na mask. Hindi naman sa mukhang holdaper or snatcher, ang attractive nga at nakaka-curios dahil sa kanyang mask na natatabunan ang kanyang ilong at labi.

Siguro mamamatay na siya at ayaw niyang i-share ang carbon dioxide sa ibang tao kasi baka makahawa sa sakit niya.

Naupo ako sa tabi ng lalaki at amoy na amoy ko ang matapang nitong pabango. Amoy pa lang ay mamahalin na.

Tumigil na ang sinasakyan naming bus at saktong alas siete na nang umaga. Hinarang pa ako ng lady guard bago makapasok dahil hindi ko pala naisuot ang id ko.

Mabuti na lang talaga nasa bag ko ang ID at hindi ko nakalimutan. Hindi kasi papapasukin 'pag hindi naka complete uniform.

“Vanessa!”

Embrace Of Night Where stories live. Discover now