CHAPTER 13

464 32 7
                                    

PARANG dalawang segundo lang na lumipas ang sabado at linggo dahil pagmulat ko'y lunes na naman. Ngayon na ang special event ng university.

The Grand Ball Day.


Napagdesisyunan kong umattend dahil sayang lang ang binili kong dress kung hindi ko magagamit. Alas singko nang hapon magaganap ang event at ilang oras na lang ang natitira para ayusin ang aking sarili.

Lumabas si Eros kasama ang mga barkada niya kaya mag-isa ako ngayon sa bahay. Sinubokan kong kontakin si Mila para papuntahin dito sa bahay pero busy raw ito sa kanila.

Alas tres na nang hapon kaya naligo na ako para hindi ma-late. Pagkatapos kong maligo ay inayos ko na rin ang susuotin ko at ang aking mukha.

Tumingin ako sa salamin para lang makita ang kabuohan ko. Namamayat na pala ako pero hindi naman gaano. Siguro kakapuyat ko ito.

Dumako ang aking paningin sa make up set na nakalagay sa desk ko. Pinahiram ito sa akin ni Mila kahit hindi naman talaga ako marunong gumamit nito.

Wala na rin akong pera para maghanap pa ng makeup artist. I don't have a choice but to do it in my own.

Nag-search ako sa youtube ng tutorial at maraming lumabas. Hindi ko alam kung alin ang panonoorin. Clinick ko ang unang lumabas.

Nagsimula itong maglagay ng foundation habang ako naman ay dali-daling sinunod ang ginagawa ng babaeng nasa video tutorial.

Ang huli kong nilagay ay ang lipstick na kulay pink. Kaunti lang ang nilagay ko dahil ayoko naman masyadong makapal.

Tapos na akong mag makeup at hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko. Basta sinunod ko ang nasa tutorial. It is what it is.

Biglang tumunog ang phone kong nakacharge. Nag-chat si Mila.



Where are you na? We're all here na.



Agad akong nagreply.

Otw na.




Dali-dali kong hinugot ang nakasaksak na charger at pinasok sa aking maliit na bag ang cellphone ko.

Pagkalabas ko sa bahay ay sumakay na lamang ako sa tricycle baka kasi maubos lang ang oras ko kakaantay ng bus.

Mabilis na nakarating ang tricycle sa university namin. 


“Kuya, para po.”

Sa Gate pa lang ay makikita na agad ang malaking tarpaulin nang event na mangyayare ngayon.

May mga nakikita akong papasok pa lang nang gate habang nakasuot ng mga magagarang dress. They all look pretty stunning. Ang iba sa kanila ay nakilala ko dahil lagi kong nakikita sa kabilang section.

Kinakabahan akong nagtungo ng social hall. Malayo pa lang ay rinig ko na ang boses ng mga tao. Nagsisimula na nga ang event. Nakakahiya, late na naman ako.

Mabuti na lang hindi lang ako ang late.

Pagkapasok ko ng social hall ay tumambad sa akin ang mga palamuti na nagbigay ganda ng paligid. Marami ring table ang naka-set sa gitna, nasa gilid naman ang food area.

Napakarami nang tao sa loob at hindi ko mahagilap ang mga classmates ko. Maging sina Mila, Eya at Lesley. Nasaan ba sila?

“Good evening ladies and gentlemen.”

Napatingin ang lahat sa stage.


“I'm Mariel Castillo, your MC for tonight!”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 13 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Embrace Of Night Where stories live. Discover now