CHAPTER 3

638 46 9
                                    

NAGLALAKAD ako ngayon patungong locker room para ilagay ang mga gamit ko. Nagtungo na rin ako sa comfort room para magpalit ng jogging pants at t-shirt dahil p.e ang schedule namin ngayong hapon.

Napatigil ako sa paglalakad nang may narinig akong bulongan sa loob ng cr. Pumwesto ako sa gilid ng pintuan.

“You're right, Sis!”

“Kunwari tahimik lang pero may tinatago pa lang kalandian.”

Pamilyar ang kanilang boses. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nila o pinagchi-chismisan. Pumasok na ako ng cr at saktong palabas na rin sina Francine at Arianna na tama ang hinala ko.

Walang araw talaga na wala itong bina-backstab o nilalait na tao. Tinaasan pa ako ng kilay ni Francine sabay ngiti. Yung ngiti niyang parang pang baliw.

Mabilis akong nagpalit ng damit at laking gulat ko nang makitang sarado na ang pintuan. Sinubukan kong ipihit pero ayaw bumukas.

It's locked!

Oh my—anong nangyare bakit naka-lock ito?!

Dumagundong ang kaba sa'king dibdib, hindi pa nagsisimula ang p.e pinagpapawisan na agad ako.

That witches! Alam kong sila ang naglock nitong pinto. How dare they locked me here.

Napagtanto ko rin na hindi ko dala ang cellphone ko dahil nasa bag ko ito na nakalagay sa locker. Argh, 'pag minamalas nga naman.

Nakakatakot pa naman teacher namin sa p.e dahil sobrang strikto nito pagdating sa attendance.

Sinubukan ko ulit ipihit ang pinto nang ilang beses pero ayaw pa rin. Kahit pa sumigaw ako ay wala rin mangyayare dahil wala naman makakarinig sa'kin sa mga oras na 'to. No choice kundi mag-antay na may mag cr para mabuksan ang pintuan.

Late na talaga ako, nakakainis sobra. Napakasalbahe talaga ng ugali ng Francine na 'yun. Ano bang problema niya sa'kin para i-lock niya ako rito sa cr. Oo nga pala, kinulang kasi sila sa bakuna.

Lumipas ang sampong minuto, siguro, ngunit wala pa rin bumubukas ng cr. Kinakabahan na ako dahil baka abutin ako nang gabi rito. Pahirapan pa naman magcommute sa gabi dahil sa traffic.

Hanggang sa lumipas pa ang limang minuto, siguro, at sa wakas ay bumukas na ang pinto at pumasok ang babaeng janitor na may dalang map. Takang-taka ito habang nakatingin sa akin.

“May nag-lock po kasi sa'kin.”

Tumango-tango ito at nagsimulang magmap ng sahig. Lumabas na ako ng cr at una kong nakita ang wall clock. 1:30 na nang hapon, that means...

Kalahating oras pala ako sa loob ng restroom!

Nagmamadali akong nagtungo sa locker room para kunin ang mga gamit ko. Saktong nakita ko si Lesley na kumukuha rin ng gamit niya sa locker.

“Uy, Les!” Medyo nagulat pa ito dahil sa biglaan kong pagsulpot mula sa likuran niya.

“Van! 'kala ko kung sino, an'yare? bakit 'di ka pumasok kanina sa p.e, nag groupings pa naman.” Mahabang litaniya ni Lesley.

“Eh pa'no, may nag-lock sa'kin sa restroom.”

“Nag-lock? Sino naman gagawa niyan sa'yo?”

“I don't know, never mind.”

“Anyway, may practice tayo ngayon kaya wala ng pasok,” aniya habang sinusuklay ang buhok.

Embrace Of Night Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ