Chapter 2: GROUP

686 150 5
                                    

Catiana's POV

Sarap pa sanang matulog eh, kaso dumating na si Miss para ianunsyo kung sino ba yung mga ka miyembro namin.

Okay lang, at least mukha naman ni Liam ang una kong nakita diba?

Really Catiana? Coming from you? Unbelievable.

"Okay, settle down everyone" saad ni Miss pagkapasok niya.

"First of all, once you get your number, please proceed sa room na the same sa nakalagay na number na mabubunutan niyo dito. There are ten rooms, in each room ay may nakalagay na number." Saad ni Miss at may pinakitang box na sa tingin ko ay dun nakalagay ang mga numbers.

"Okay, you may now start." saad nito at isa isa naman kaming bumunot doon sa box.

Nang matapos na kaming lahat sa pagkuha ng sari sariling number namin ay agad naman naming tiningnan ito.

"Number four ako!"

"Anong number ka?"

"Yes! Magkasama tayo!"

"Halaaa! Hindi tayo magkapareho ng number."

Sari saring komento ng mga kaklase namin.

Pagkatingin ko ng numerong nabunot ko ay number three ito. Three? May three kaya sa amin dito?

Agad namang lumapit sakin si Liam at tinanong ako kung ano bang number yung nabunot ko.

"Ah, sayo muna." sagot ko sa kanya.

"Daya naman! Ako yung unang nagtanong eh." pagmamaktol nito na parang bata.

"Liam, ano number mo?" Tanong sa kanya ni Leo.

"Number three pare!" Nagulat ako sa isinagot nito kay Leo. Number three siya? Kung ganun, eh magkasama kami?

Tiningnan ko si Eleanor na hindi pa rin nito tinitingnan ang kanyang numerong nabunot.

"Hey, may problema ba? Bakit hindi mo pa tinitingnan?" Takang tanong ko sa kanya. Parang kinakabahan pa siya.

"Baka kasi hindi tayo magkasama eh." seriously?

"Dali na, tingnan mo na." pagpupumilit ko dito.

"Ikaw ba? Anong number ka?" Tanong nito sakin at agad ko namang sinabi sa kanya yung number ko, pagkatapos ay tiningnan niya yung sa kanya at nagulat ako ng tumalon talon ito.

"Ah! Number three din ako." Saad nito kaya napatawa na lang ako.

"Number three ka din? Tsk, siguro sinadya mo yan nu?" Sambit ni Leo para bigyan niya ito ng nakamamatay na tingin.

"Bakit? Number three ka din ba?" Tanong ni Eleanor dito at tumango naman si Leo at sinabing pareho sila ni Liam kaya mas lalong tumalon talon ito at parang...natatae? Why is Eleanor acting like this? Tsk. Iisipin ko talagang may gusto siya kay Leo eh.

"Hey, anong number mo?" Tanong ulit ni Liam sakin kaya napabaling ako sa kanya at nakita kong nakangiti nanaman ito kaya feel ko bumilis ang tibok ng puso ko whenever I see him smile.

"A-ah, number three." wala sa sariling saad ko kaya nagulat akong inakbayan ako nito.

"Yes! That's great. Magkasama tayo!" Saad nito tsaka tiningnan sila Leo at Eleanor na nagbabangayan.
"Tayong apat!" Pahabol nitong saad.

Napangiti naman ako habang siya ay nakaakbay parin sakin. Kinikilig ka teh?

Nakita kong lumabas si Miss para sagutin ang tawag nito sa kanyang cellphone. Maya maya ay bumalik rin ito at pumwesto sa gitna kung saan ang kanyang table.

Too little, Too late (Tragic Series #1) Where stories live. Discover now