Chapter 26: PLEASE STAY

1.5K 61 3
                                    

Catiana's POV

As time goes by, mas marami na akong symptoms na nararamdaman and those symptoms are fatal. Hindi ko man aminin pero natatakot na talaga ako sa kahahantungan ng buhay ko.

I mean, bakit ko pa ba kasi nararanasan ang nakakatakot na mga karamdaman na iyon? Hindi ba pwedeng mamatay na lang ako ng deritso? Yung wala ng maraming pasakit at paghihirap sana.

Kasi...natatakot na ako dahil nakakatakot.

Pero mas nakakatakot ang iwanan ang mga mahal ko sa buhay.

Hindi parin si Liam tumitigil kakahabol sakin. Kahit ayoko siyang kausapin ay nagpumilit talaga siya. He even used Ate Lia to get to me. Days ago kasi, Ate Lia said that she wanted to talk to me pero kalaunan ay si Liam ang nadatnan ko at hindi siya.

Mom and Dad also convincing me na kausapin na siya dahil sa naaawa na ito sa kaniya sa kakataboy ko. Heidi also talked to me na siguro nga dapat ko na talaga siyang kausapin.

Kaya ito ako ngayon, nagdadalawang isip na kung kakausapin ko ba siya o hindi.

He's in our house right now, I bet nasa living room iyon naghihintay kung may Catiana bang baba mula sa itaas.

Heidi's not here in my room, probably she's downstairs having a conversation with Liam.

Palagi kasi itong pumupunta ng bahay at everytime na hindi ako nagpapakita o kinakausap siya ay si Heidi na lang ang nag eentertain sa kanya.

Naalala ko kasi ang sinabi sakin ni Mom and Dad that I need to make it up to Liam. Ayusin daw namin ang dapat ayusin bago mahuli ang lahat.

Kaso natatakot ako na baka mahalata niya na parang may mali sakin, ayokong malaman niyang may sakit ako.

The symptoms that I've been feeling are now even worse. The doctor said na habang tumatagal ay lalala daw ito. Yes, I am doing some treatments pero hindi ito sapat. If I undergo heart transplant it'll cause abnormal heartbeats also, and if not, there's a possibility for me to be in a Sudden Cardiac Death. But, time is my greatest enemy. Hindi ganun kadali yun dahil heart transplant is a difficult intensive process.

But... I'm really desperate to live my life that's why I'm planning to undergo heart transplant.

I know it's scary but I need to.

All I just need is time. More time.

Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng pinto ko at narinig ko ang boses ni Yaya Sisa kaya agad akong nagtungo ng pintuan para pagbuksan ito.

Ngumiti ito ng maliit sakin bago nagsalita.

"Wala ka ba talagang planong kausapin si Liam? Ako'y naaawa na sa binata kakabalik dito para makausap ka lang." nalulungkot na saad nito. I looked at Yaya Sisa and gave her a smile.

"Wag ka pong mag alala Yaya, kakausapin ko na po siya." sambit ko at ngumiti ng bahagya. Lumapit naman ito sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Mabuti kung ganun, ayusin niyong dalawa ang dapat ayusin bago pa mahuli ang lahat." saad nito bago kumalas sa pagkakayakap. Nginitian ko siyang muli bago nag umpisa ng maglakad papalabas ng kwarto ko papuntang living room.

Nakita ko doon si Heidi at Liam nakaupo sa couch habang may pinag uusapan. Hindi na muna ako lumapit sa kanila ng masyado at nakinig muna sa kanilang pinag usapan.

"Show her what you felt for her, express your feelings for her before it's too late." rinig kong saad ni Heidi.

"What do you mean it's too late?" Kuryusong saad ni Liam, kinabahan naman ako bigla dahil baka sabihin nito kay Liam ang kalagayan ko.

Too little, Too late (Tragic Series #1) Where stories live. Discover now