Chapter 25: DREAM NO MORE

1.5K 63 1
                                    

Catiana's POV

It's been months since dinala nanaman ako sa hospital dahil sa pagkawalan ko ng malay.

My parents already know about my condition. Yaya Sisa was in the province to visit her family but she quickly get back here when my parents told her about my condition. She was also shocked and scared when she found out that I am sick.

I talked to my parents at sinabi ko sa kanila na sana sa aming pamilya lang muna ito at wala ng iba pang makakaalam.

Lalo na siya.

Sa mga buwang nagdaan ay mas naging malala ang kalagayan ko. Liam always visiting our house to see me and talk to me, he even brought an ice cream for me sabi ni Heidi pero ni hindi ako lumalabas ng kwarto ko. Ayokong makausap siya, baka bibigay lang ako.

At kapag nangyari yun ay siguradong maging malapit nanaman kami sa isa't isa at yun ang ayoko. Ayokong maging malapit kami sa isa't isa kung mawawala lang rin naman ako sa susunod.

We can't tell kung kailan.

My parents tried to tell me that their going to do everything just to save me pero ako na itong nawawalan ng pag asa. Habang inaatake ako at hindi makahinga, yun ang pinaka nakakatakot na pangyayaring naranasan ko sa buong buhay ko. Dahil naramdaman ko kung paano mag agaw buhay. Kung mabubuhay kapa ba o mamamatay na.

At yung mas masakit? Yung habang inaatake ako ay naiisip ko ang mga taong mahal ko sa buhay na maiiwan ko balang araw.

Gusto ko pang mabuhay eh. Kasi bakit ako? Bakit ako yung naghihirap ng ganito?

Hindi ako pinayagan nila Mommy na pumunta ng school ngayon pero nagpumilit ako. Pinapatawag kasi ako ni Professor Mendoza dahil gusto niya akong makausap.

Truth is, marami na akong absences dahil minsan may ginagawa akong treatments o pumupunta kami ng hospital kaya hindi na ako magtataka kung bakit ako nito pinatawag. Hindi na rin ako nakakapag focus sa pag aaral.

Pero ang tanong. Magiging doctor pa ba ako na kahit sarili ko nga hindi ko matulungan? The fact that my dream is to become a doctor, yet I can't even help or treat my own self. How lame.

Sinamahan ako ni Heidi dahil ayaw rin ako nitong iwan, sinabi kong kaya ko naman ang sarili ko pero hindi talaga siya nagpaawat.

"Are you sure you're okay?" Siguro pang ikalimang tanong na nito sakin ni Heidi.

"I'm okay. Okay?" Sagot ko sa kanya ng makababa na kami ng sasakyan. Nakita kong mukhang hindi pa ito kumbinsido pero hinayaan ko na lang.

Nagtungo na kami agad sa office para kausapin ko si Professor Mendoza. Umiwan na si Heidi sa labas kaya ako na lang ang pumasok. Agad na hinanap ng paningin ko si Professor Mendoza at hindi naman ako nabigo ng makita ko ito sa kanyang desk.

Dahan dahang lumapit ako doon bago kinuha ang kanyang atensyon.

"Go-Good morning Professor Mendoza." pagkuha ko ng atensyon nito, busy ito sa kakatingin sa mga papers pero ng marinig nito ang pangalan niya ay nag angat ito ng tingin at nakita ako.

Napangiti ito bago inaya akong maupo sa harapan ng mesa nito.

"Glad that you're here Ms. Parker." saad nito. May pinakita itong mga papel sakin.

"Let me straight to the point. What's wrong Ms. Parker? I've noticed that you have a lot of absences at marami ka ng na missed na exams and outputs. Is there something wrong happening with you?" Tanong nito sakin, napalunok ako dahil hindi agad ako nakasagot.

"Look Ms. Parker. You choose Med school and as you remember you need to take this seriously and you have the chance to be the Summa Cum Laude but I think that's not gonna happen anymore." inaasahan ko naman na ito.

Too little, Too late (Tragic Series #1) Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu