Chapter 20: FRAMED UP

1.4K 67 1
                                    

Catiana POV

"Oh god! Anong nangyari kay Delancy?" Kinakabahan at gulat na tanong ni Tita Michelle ng makita niyang buhat buhat ito ni Liam papalabas ng mansion. Agad itong sinundan ni Mike at Leo para samahan at dali daling pinaandar ang sasakyan. Nakita kong si Liam ang nagmaneho habang sina Mike at Leo naman ay sinamahan sa likuran ng sasakyan si Delancy.

"We should follow them." nanginginig na saad ko. Hindi rin maawat sa pagtulo ng dugo ang nasugatan kong braso.

Tiningnan ako ng natitirang tao sa mansion bago tinanong.

"What happened?" Tanong ni Kuya Lee pero hindi ako nakasagot kaya ang ginawa na lang nila ay lumabas na rin para paandarin ang sasakyan para sundan sila Liam.

Pagkakita ko kay Eleanor ay masama itong nakatingin sakin. Mukhang ako yata ang sinisisi niya?

Inaya na ako ni Ate Lia na sa kanyang sasakyan na lang kami sumakay kasama si Heidi habang si Eleanor naman ay kela Tito Lander na sumabay. Hindi na sumama si Tita Michelle at makikibalita na lang daw ito.

Habang nasa biyahe ay hindi nila mapigilang tanungin ako.

"Cat, what exactly happened? Bakit may sugat si Delancy at mukhang malabo pa?" Tanong nito, hinawakan ko ang nanginginig kong kamay bago pilit na nagsalita.

"Si-sinaksak niya ang sa-sarili niya Ate." saad ko dito, agad na napahinto sa pagmamaneho si Ate Lia at may kalakasan ang kanyang pagpreno dahilan para magulat kami.

"What?! Why did she do that to herself?" Hindi makapaniwalang saad ni Ate Lia. Naramdaman kong kanina pa tahimik sa likuran si Heidi kaya tiningnan ko ito at nakita kong nakatingin ito sa braso ko na may sugat.

"You're bleeding Catiana." saad nito dahilan para mapatingin si Ate Lia sakin at doon niya nakita ang sugat ko sa braso.

"Oh god! Kailangan ka rin palang madala sa hospital." hysterical na saad nito bago ulit pinaandar ang sasakyan.

While we're heading to the hospital, I can't avoid to blame myself for what happened to Delancy. Kung hindi ko na lang siya pinatulan sa pagkakasabunot niya sakin ay siguro hindi na umabot pa sa ganito.

Hindi ko rin maiwasang kabahan na baka may mangyaring masama sa kanya.

Seeing Liam having that look on me earlier seems that he's accusing me for what happened to Delancy at ganun din si Eleanor.

Napabuntong hininga na lang ako.

Minutes later ay nakarating na kami sa hospital at nandun na rin sila Tito Lander. Nakita kong nakaupo si Liam sa isa sa mga bench ng hospital at nakatingin lang ito sa kawalan.

"Dad, where's Delancy?" Bungad agad ni Ate Lia Kay Tito Lander at nakuha nito ang atensyon ni Liam dahilan para mapunta rito ang atensyon niya samin. Sakin.

Galit itong tumayo at pinuntahan ako bago hinawakan ang dalawa kong braso ng mahigpit. Nakikita kong namumula sa galit ang kanyang mga mata.

"What did you do to Delancy?!" Galit nitong sigaw sa harapan ko. Naestatwa naman ako dahil sa takot sa pagsigaw niya sakin. At the same time ay nasasaktan dahil pag aakusa niya sakin.

"Liam, wala akong ka-kasalanan, hi-hindi ko siya sinak--" naputol ang sasabihin ko ng bigla itong sumigaw.

"Cut that bullshit, Cat! Bakit mo pa tinatanggi? I saw it with my own two eyes! You're the one who's holding that fucking knife habang si Delancy ay nasa sahig na at sugatan!" Galit nitong sigaw sakin. Napaatras ako ng kaunti dahil sa takot na nararamdaman dahil sa pagsigaw nito sakin. He's never been like this to me. He's never been this mad.

Too little, Too late (Tragic Series #1) Where stories live. Discover now