Chapter 5: TE AMO, MEJOR AMIGO

487 116 3
                                    

Catiana's POV

It was so tiring! Lot of schoolworks to do, unfinished business at maghahanda rin ang lahat para sa paparating na ball event dito sa SU.

It's been two months since nakilala namin sila Delancy. Bongga diba? It means two months na rin kaming magkasama sa iisang room dahil sa iisang subject na research.

Sa two months na yun ay naging close sina Delancy at Liam, habang naging malapit naman kami ni Oliver sa isa't isa. Well, he's smart naman pala even though palaging natutulog sa klase. He's nice and caring kaya hindi naman siya mahirap pakisamahan.

Dalawang buwan ko na ring tinitiis itong nararamdaman ko, yung jealousy towards Liam and Delancy na nararamdaman ko ay hindi madaling ikontrol.

May beses na ngang hindi ko pinansin si Liam dahil sa inis ko sa kanya. Malapit na talaga sila sa isa't isa at meron na rin akong clue kung saan ito papunta pero ayoko paring isipin.

Kasi nasasaktan lang ako.

It's hard to process lalo na na palaging pumupunta si Liam sa bahay para lang kausapin ako tungkol kay Delancy. Palagi niya sakin tinatanong if ano ba daw gusto ng mga babae at anong klaseng lalaki ang nagugustuhan ng mga ito.

Sinasagot ko rin naman ang kanyang mga tanong pero wala talaga akong gana kapag palagi na lang si Delancy ang topic.

Syempre, sino ba naman ang may gusto nun diba? Na kapag ang taong gusto mo ay may gustong iba tapos siya pa ang topic. Tsk.

It's weekend kaya walang pasok and today is Kuya Lee's birthday, he's Liam's older brother kaya papunta ako ngayon doon. Well, iniexpect ko na rin namang nandun din sila Eleanor at Leo.

I'm just wearing a simple dress na nasa tuhod ang haba nito at medyo fit ito sakin. Simple lang, kasi dinner lang naman yun eh.

Tita Michelle plans that it will be a big event for Kuya Lee's birthday but Kuya Lee insisted to make it simple. Yung dinner lang daw at basta lahat ng importanteng tao nandun. Let's say, family dinner lang yung pupuntahan ko kasi wala naman daw silang ibang bisita maliban sa amin at ang kanilang pamilya.

Pinapunta rin nila sila Mom and Dad but sad to say they can't come because they are out of town to do some business. Instead, they give me their gift for Kuya Lee to hand it to him.

Nagpahatid ako sa driver namin para pumunta na sa bahay nila Liam, nasa kabilang village lang sila ng subdivision pero malayo layo ito ng kaunti.

After some minutes ay nakadating na ako sa labas ng bahay nila and as always ay bumungad sa akin ang malaking mansion.

Hindi na ako naghintay pa at pumasok na, pagkapasok ko sa living room ay bumungad doon sakin si Ate Lia. She's Liam's older sister. Tatlo silang magkapatid at si Liam ang bunso.

"Finally! You're here, I've missed you Cat." Saad nito bago ako niyakap. Ilang months rin kasi kaming hindi nagkita kasi umalis ito ng Pilipinas para pumunta ng US to do their business there at kakabalik niya lang last week.

"Same here, Ate." Saad ko din sa kanya. Nabaling naman ang atensyon ko sa Dining ng makita kong lumabas doon sina Eleanor at Leo. See? Sinasabi ko na ngang nandito na sila. Grabe nauna pa sila sakin ah.

"Oh? Ba't ngayon ka lang?" Tanong sakin ni Eleanor ng makita ako nito. Pinaikutan ko lang siya ng mata kaya natawa naman siya.

We stayed in the living room at hindi nagtagal ay bumaba na si Kuya Lee ng nakangiti. Binati ko naman siya at ibinigay ang regalo ni Mom and Dad sa kanya.

"Happy birthday, Kuya. Ito nga pala, pinapaabot ni Mommy at Daddy, too bad hindi sila makakapunta." saad ko dito tsaka nag kiss sa kanyang pisngi.

"No, no, it's okay. Just tell Tita and Tito na thank you dito." Saad nito na may ngiti sa labi kaya tumango naman ako. Hindi nagtagal ay nagpakita rin si Liam. This man! Arghh. Why is he so handsome? Naiiyak ako, ito nanaman ang nakakamatay niyang ngiti.

Too little, Too late (Tragic Series #1) Where stories live. Discover now