Chapter 15: FIRST KISS

442 74 0
                                    

Catiana POV

Nagising ako at ang una kong nakita ay ang maputing silid. Where am I? Napabangon ako sa pagkakahiga kasabay ng paglingon lingon ko sa paligid pero wala akong makitang ni isang katao tao. Ngayon ko lang rin namalayan na nasa hospital pala ako at nasa iisang silid ako kung saan ay ako lang mag isa.

Aalis na sana ako sa pagkakaupo sa hospital bed ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang taong ngayon ko lang ulit nakita matapos makalipas ang talong taon. Ang taong nandun para damayan ako noon ng masaktan ako ng dahil kay Liam.

Si Oliver.

Dali dali itong lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Hey, you okay? Are you feeling better now?" Nag aalalang tanong nito at napatango naman ako.

"It's been nice to see you again, Catiana." nakangiti nitong sabi. Nagtataka naman akong nagtanong sa kanya.

"Uh, Oliver. Bakit nga pala ako nandito?" Nagtatakang tanong ko sa kanya kaya agad naman siyang sumagot.

"I saw you yesterday at the parking lot. You were lying there and unconscious, so I brought you here." pagsasabi nito dahilan para maalala ko ang nangyari kahapon. Napapikit ako ng mariin dahil nanaman sa sakit na nararamdaman ko sa hindi nila pagpapaniwala sakin.

When I look to Oliver's face, I can see pity in his eyes. Napangiti naman ako ng mapait kasabay ng pagtulo ng luha ko kaya ibinaba ko naman ang paningin ko. I don't want him seeing me crying.

Hindi niya naman ako dapat kaawaan eh.

Pero hindi nga ba dapat? Kasi kahit ako naaawa na sa sarili ko.

"Why are you still chasing him if you're hurting a lot?" Bigla nitong tanong. Napaangat naman ako ng tingin sa kanya kasabay ng pagpunas ko ng mga luha ko.

"Ganun naman kapag mahal mo yung isang tao hindi ba? As long as you love them, you'll stay by their side no matter what." Saad ko sa kanya dahilan para mapabuntong hininga siya.

"Cat, you have to learn how to let go. May hangganan naman yan eh. Why do you keep on chasing him kung meron namang taong handang magmahal sayo? Handang magmahal sayo kahit nasasaktan na ito? You deserve so much better, Cat." hindi parin nagbabago si Oliver. He's still the same Oliver I've known years ago sana ganun din sila Eleanor.

"Nandito naman ako, I will love you, because I love you. Noon pa, Cat." Nagulat man pero binigyan ko lang ito ng matamis na ngiti.

Ang swerte ng babaeng mamahalin ni Oliver at mamahalin siya.

Kung kaya ko lang Oliver, kung kaya ko lang magmahal ng iba, ginawa ko na. Kung kaya ko lang ay baka minahal na kita, ngunit hindi ganun kadali yun.

Magsasalita na sana ako ng bigla ako nitong naunahan.

"It's okay, you don't need to force yourself, Cat. Kahit papaano ay may respeto naman ako sayo." I feel bad for him. Naiintidihan ko si Oliver kasi yun mismo ang naramdaman ko kay Liam kapag palagi na lang itong Delancy.

"Halata naman kasi sa mukha mo na ni katiting na pagtingin o pagmamahal mo sa akin ay wala." I want to hug him and comfort him. After all he just confess, ngunit kahit wala akong sinabi ay alam na nito na rejected ito.

Hinawakan ko ito sa kanyang pisngi bago nginitian.

"Mahahanap mo rin yung para sayo, Oliver. Yung mas better sa akin, yung mas magaling at yung mas mamahalin mo." Hinawakan nito ang kamay ko na nasa pisngi nito.

"Then I'll wait for that girl to come. But, Cat? I will always be here for you. Pwede kang tumakbo papunta sa akin. Okay?" Ngumiti lang ako at hindi na nagsalita pa. Ilang minuto pang namalagi ang katahimikan ng may napansin akong may hawak hawak ito kaya nagtanong ako.

Too little, Too late (Tragic Series #1) Where stories live. Discover now