Chapter 7: GIRLFRIEND

462 105 3
                                    

Catiana's POV

It's Friday at ito na nga ang pinakahinihintay ng lahat, ang ball event dito sa SU. Kalahati pa lang kami ng school year ngayon pero magkakaroon na ng ball kasi ito ang nakasanayan at patakaran na rin ng school. Iba naman kasi ang prom sa ball event, ang prom ay magaganap sa nalalapit na graduation namin sa highschool.

Si Mommy na ang naghanap ng susuotin ko para sa ball at kumuha rin siya ng make up artist. Sabi ko ayaw ko na kasi I want my make up look simple lang but she insisted. Hindi naman kasi ako sanay mag make up.

It's already 5pm at 6pm mag sstart ang ball, tapos na akong make up'an at isusuot na lang ang aking dress.

"Oh my god! You look so gorgeous in that blue dress sweetheart." saad ni Mommy ng matapos ko ng suotin ang dress. Sumulpot naman si Daddy sa pintuan ng aking kwarto at pumalakpak.

"That's my daughter! I am sure you are the most beautiful girl on that ball tonight." saad nito at nilapitan ako para yakapin kaya sumali rin si Mommy. Napangiti naman ako dahil sa saya. They are just very supportive and I can't even say a word to it.

"Thank you Mom, Dad. Thank you for being supportive and loving parents." saad ko tsaka ngumiti ng malawak sa kanila.

Nagkalas na kami ng yakap sa isa't isa kaya nagsalita na si Mommy.

"Wala paba si Liam? Baka ma late na kayo." Saad nito para mapawi ang ngiti ko kaya nagtaka naman sila.

"Ah, hindi kasi ako ngayon masusundo ni Liam." dismayadong saad ko sa kanila bago yumuko.

"Hey, sweetie, it's okay. Papahatid na lang namin ikaw kay Manong Roger." saad ni Mommy. Manong Roger is one of our driver. Meron din kasing personal driver si Daddy at Mommy but sometimes Daddy chose to drive himself.

"Is everything alright paba between you and Liam anak?" Tanong ni Daddy sakin kaya napabaling ako sa kanya. Ngumiti naman ako at tumango ng bahagya.

"Everything's okay Dad. We're both doing good." pagsisinungaling ko. Alam ko naman na sa aming dalawa ay siya lang itong okay. Kasi ako? Ito, convincing myself that I'm okay even if I'm not. Seeing the man you love, loving someone is more ever than shit.

"Basta anak, nandito lang kami ng Mommy mo, okay?" Napangiti naman ako ng malawak sa sinabi ni Daddy.

***


Nandito na ako sa labas ng hotel kung saan ang venue ng ball pero hindi parin ako lumalabas ng kotse dahil kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. Liam told me year's ago when we are in eight grade na ako daw ang gusto niyang isayaw sa ball, excited naman ako pero hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.

Mga ilang minuto pa bago ko naisipang lumabas ng kotse at nagpaalam na kay Manong Roger. Sinabi ko rin sa kanya na mamayang 10pm niya ako sunduin muli.

Nang pumasok na ako ng hotel ay agad akong pumunta ng venue, habang naglalakad papunta doon ay hindi maiwasan ng iba na mapatingin sakin kaya nakaramdam ako ng hiya.

"She looks elegant"

"Ang ganda niya!"

"Oy, chicks."

"Her Royal Blue dress suits her. Sana ganyan din yung binili ni Mom sakin!"

"Who is she? She's gorgeous naman!"

"Mas maganda parin naman ako!"

Rinig kong komento ng mga ito sakin. Ang iba sa kanila ay estudyante rin ng SU para umattend ng ball pero yung iba naman ay staff at visitors ng hotel.

Too little, Too late (Tragic Series #1) Onde as histórias ganham vida. Descobre agora