Chapter 19: DELANCY IS A MONSTER?

586 66 1
                                    

Catiana's POV

"Punta ka Birthday Tita Michelle?" Tanong sakin ni Heidi. Pinanindigan niya talaga ang pagtatagalog niya. Mukha siyang bata eh.

Napabuntong hininga naman ako. Actually hindi ko alam dahil hindi ko pa kayang makita si Liam. For sure nandun din si Delancy.

I look at Heidi and I just shrugged. I don't know. Kasalukuyang nandito kami sa living room nag uusap.

It's been one week since I passed out doon sa bathroom ng kwarto ko. Pagkagising ko that time ay nasa hospital na ako. Heidi saw me lying on the tiles of the bathroom unconscious, kaya napaalarma daw siya nun at dali dali akong dinala sa hospital. Yaya Sisa knows it pero pinakiusapan ko talaga siya na huwag sabihin kela Mommy. Baka mag alala lang sila.

Pagkagising ko ay agad din naman akong umalis dun sa hospital, kumontra man si Heidi pero nagpumilit parin akong umalis doon. Ni hindi nga alam ng doctor na umalis ako.

Wala pa akong kinakausap na doctor regarding sa nararamdaman ko, I've noticed that these past few months simula ng umuwi kami rito ay may kakaiba na akong nararamdamang hindi maganda sa kalusugan ko. Lalo na sa dibdib ko, parang madalas na itong sumasakit sa hindi ko malamang dahilan.

Maybe I need to see a doctor.

Saad ko sa isipan ko. Tama nga, siguro sa susunod na araw.

"Hindi ko alam Heidi, titingnan ko mamaya." saad ko dito, napapout naman siya bago nagsalita.

"Punta tayo! I want to see that Delancy!" Saad nito, napatingin naman ako sa kanya na napapailing iling.

Mukhang mas nanggigil pa siya kay Delancy keysa sakin ah?

***

"Hurry up! We're going to be late!" Sigaw sakin ni Heidi mula sa labas ng kwarto ko. Napabuntong hininga naman ako, sa totoo lang wala talaga akong planong pumunta ng Birthday ni Tita Michelle kaso baka isipin nun kung bakit hindi ako pumunta, isa pa, baka kung magtampo yun. Tsaka pinilit rin ako ng wagas ni Heidi kaya wala akong choice.

So, here I am. Sinalubong si Heidi sa labas ng kwarto ko na naka cross arms.

"Excited ka?" Napaikot lang ito ng mata at umuna ng bumaba, pagkatapos ay nagpaalam kami kay Yaya Sisa para umalis na.

Hinatid kami ni Mang Roger sa bahay nila Liam kasama si Heidi. Sa bahay nila ang venue but it surely be a big event. Malaki ang kanilang mansion tsaka malaki rin ang kanilang garden at sa bandang gilid nun ay ang pool nila. Their house is literally big. Palagi ako noon doon pero parang hindi parin ako sanay.

Mom and Dad can't come because they have some business to attend to, kaya dalawa lang kami ni Heidi.

Sure rin ako na nandun rin sina Eleanor at Leo, sa totoo lang gusto ko na talagang makausap si Eleanor. I want to explain my side. Pero ang tanong, nakikinig ba yun sakin?

At kami ni Liam? Hindi pa kami nagkausap muli since ng pag amin ko sa kanya sa nararamdaman ko. I'm too shy to face him and at the same time ay naiinis din ako sa kanya.

It's passed one pm ng makarating kami sa kanilang mansion and as I expect marami ngang nakaparadang sasakyan sa labas at pagkabungad namin ay maraming bisita rito. Some of them are businessman and woman, ang iba ay mga relatives nila at yung iba naman ay friends nina Ate Lia at Kuya Lee.

Simula ng umuwi ako rito ay hindi ko pa muling nakausap sina Tita Michelle kaya hindi ko alam kung nagbago ba ang paningin nila sakin o hindi, besides nandiyan naman na si Delancy.

"Dami tao, saan na impakta?" Nagulat ako sa isinaad ni Heidi. Impakta? Saan niya naman natutunan yun?

"Where did you learn that? Yung impakta?" Kuryusong tanong ko dito habang pinanglakihan siya ng mata.

Too little, Too late (Tragic Series #1) On viuen les histories. Descobreix ara