Chapter 4: BEST FRIENDS

531 124 7
                                    

Catiana's POV

Yesterday was definitely not a good day, after I find out that Delancy was the girl that Liam likes was terrible.

I still can't believe on what Liam told me yesterday. Ang masaklap pa ay makakasama namin ito sa research subject namin. Hell? Edi mas madali silang maging close?

I don't want to act like this because I feel like, I kinda sound like I'm one of those antagonists of the story. But heck, I can't help it.

Kasalukuyang nandirito ako sa aking kwarto humihiga. It's 5am but still tinatamad akong bumangon. Today is another day to witness how Liam like that girl. Ito yung ayoko eh.

Mga ilang minuto pa akong nag stay sa higaan ko ng pumasok si Yaya Sisa sa kwarto ko.

"Ay nakong bata ka, bakit hindi kapa bumangon diyan at mag almusal na? Diba may pasok kapa?" Usal ni Yaya habang binubuksan ang mga kurtina.

"Tinatamad po ako Yaya eh." walang ganang sabi ko. Agad namang pumunta si Yaya sakin tsaka hinawakan ang noo ko na para bang may lagnat ako.

"Bakit? Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" Nag aalalang tanong nito. Ang OA ni Yaya ah?

Napailing iling naman ako.

"Wala po, tinatamad lang talaga ako." saad ko dito. Pumamewang naman siya.

"Aba'y bakit naman? Hindi ka papasok ng klase? Ikaw na bata ka, nag uumpisa ka ng tamadin sa pag aaral." Saad nito dahilan para napatampal ako ng noo. Paano ko ba makumbinsi ang matandang to?

"Yaya, hindi naman po sa ganun." sagot ko dito na sana hindi na lang dapat.

"Yun naman pala, oh siya bumangon kana diyan at mag almusal. Nandun na yung Mommy at Daddy mo." wala na rin na akong magawa. Alam kong hindi rin ako tatantanan ni Yaya Sisa.

Bumaba na ako para pumunta ng Dining at tama nga si Yaya, nandun na sila Mommy at Daddy nag aalmusal. Si Daddy na sumisimsim sa kanyang kape habang si Mommy naman ay sumusubo.

"Hey sweetie, mabuti naman at gising kana. Umupo kana at para makapag agahan kana, may pasok kapa." saad ni Mommy sakin at tumango naman ako.

"How's your sleep, sweetheart?" Tanong sakin ni Daddy kaya napabaling ako sa kanya at ngumiti ng pilit.

"Okay lang po." maikling saad ko bago sumandok ng pagkain.

"Are you okay?" Nag aalalang tanong ni Mommy. Hindi na ako nagsalita at tumango na lang.

"I think, you're not. Is there something bothering you?" Tanong nanaman ni Mommy. Ito yung ayoko eh, kasi alam kong hindi ako nila tatantanan hanggang sa wala silang makuhang sagot mula sakin na gusto nilang marinig.

"I'm fine, okay?" Pangungumbinsi ko sa kanila pero hindi parin gumana. They really know me well.

"Catiana Parker. Let me ask you again, is there any problem?" Ito yung ayoko kay Mommy kasi sobra pa kung magalit kay Daddy. Spoiled kasi ako ni Daddy eh.

Pero wait? Sasabihin ko ba sa kanila?

"Nag away ba kayo ni Liam?" Tanong ni Daddy para mapatingin ako sa kanya. And the stare that I just gave him, answers his question.

"Oh well, hindi naman kami nag away." Saad ko at sumagot naman si Mommy.

"Pero si Liam yung reason kung bakit ka ganyan?" Hindi ako nakasagot sa tanong ni Mommy pero batid ko namang alam niya na rin na si Liam nga.

"Is there anything you want to tell us Catiana?" Tanong nanaman nito. Bumuntong hininga naman ako at umayos ng upo.

"Uhm ano kasi." pambibitin ko. Sasabihin ko na ba talaga sa kanila?

Too little, Too late (Tragic Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon