CHAPTER 13

197 1 0
                                    

Mabilis lumipas ang araw hanggang sumapit ang buwan ng disyembre. Malapit na ang Christmas ball ng school.

Everyone are preparing for the ball. The venue is going to be held in one of the most luxurious hotel, so the supreme students started decorating the whole area.

"Hold your partners waist, faster!"
utos ng mentor namin. Sasayaw kami sa ball at bawat isa ay may kapareha.

"Kayo rin girls, hold their shoulders." sinunod ko ang utos nito. Pinatong ko ang kamay ko sa balikat ni Xavier.

"What?"taas kilay kong tanong dahil nakatingin ito sa'kin.

"I'm hungry!"parang batang usal nito.

Xavier and I became friends. We end the agreement, but I continued what his mom said. Make him fall, that words... ang hirap parin hanggang ngayon.

"Taposin na natin 'to, nagugutom narin kaya ako."sabi ko na mas kinahaba ng nguso niya. Cute sana kaso suplado.

"Fuck, I'm out bahala ka kakain na'ko!"sabi nito at tumalikod at naglakad papalayo.

Binabawi ko na ang sinabi ko. Hi na pala siya cute, pero 'yong suplado hindi ko babawiin. Mukha siyang matandang masungit, matandang gwapong masungit.

"Mr. Morgan! Where are you going?"sigaw ng mentor pero hindi niya ito pinansin. Ang bastos talaga!

Natapos ang practice at pumunta narin akong cafe dahil gutom din ako. Umupo ako sa tabi ni Xavier na mukhang malalim ang iniisip.

"What are you thinking?"tanong ko ng makaupo.

"It's none of your business!"inirapan ko lang siya napaka-suplado, Well dati pa naman.

"Do you want to go with me?"sabi niya at tumingin sa'kin.

Nagtataka ko siyang tinignan. "Saan naman? May practice pa kaya."sabi ko at bumalik sa pagkain.

Agad naman umikot ang mata nito. "Bukas nalang ulit 'yang practice na'yan, baka gusto niyang matanggal sa trabaho."mainit ang ulong saad niya.

I scoffed in disbelief. "Seriously? You're being unbelievable!"hindi makapaniwalang saad ko.

"Yes, unbelievably handsome."sabi niya at kumindat sa'kin.

Agad naman akong nagreact sa ginawa niya. "Ewan ko sayo, pangit talaga ng trip mo."natatawang saad ko. "Saan ba tayo pupunta?"I asked him.

"So... sasama ka?"tanong niya naman.

"Kung matino naman 'yang pupuntahan okay lang, saan ba kasi pupunta?"tanong ko.

"Diyan-diyan lang naman tayo sa tabi-tabi."hindi makapaniwalang tinignan ko siya.

"Dadalhin mo'ko sa tabi-tabi lang? Seryuso ba 'yan?"sarkastikong saad ko.

Agad itong napangiwi sa sinabi ko. "Stop overreacting. It's not like we're gonna have sex or something."mas lalo akong napanganga sa sinabi nito.

"Xavier, respeto naman sa pagkain. Ang bastos ng bibig mo!"nafufrustrate na saad ko.

Mas sasakit pa 'ata ang ulo ko sakan'ya kaysa sa defense na magaganap sa January.

"Can you just finish your food and come with me without mocking?"
naiinis na saad niya.

Mabilis kong inubos ang pagkain, dahil pinagmamadali ako nitong nasa harapan ko. Grabe napaka gentle dog naman.

Pagkatapos kumain ay agad niya akong hinila papunta sa lugar na hindi ko alam.

"Saan ba talaga tayo?"kanina pa kami naglalakad sa likod ng school. Pagod na pagod na'ko!

Agreement With The Bad Boy (MORGAN SERIES 1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ