CHAPTER 16

209 2 0
                                    

The christmas ball came and I'm very excited about it. Kinuhaan ako ni Mommy ng makeup artist. Sobrang ganda rin ng gown na binili niya para sa'kin.

“Pak na pak, sobrang ganda naman ng batang 'yan.”sabi ni Lester, ang baklang nag makeup sa'kin.

Kahit nahihiya ay ngumiti nalang ako ng tipid dito. I looked at my reflection in the mirror. I'm not getting ahead of myself, but I really look dashing tonight.

Sinunod niyang ayusin ang buhok ko, inipon niya ang magkabilang gilid ng buhok ko sa gitna at pinakulot ang mga natitirang nakalaglag.

Pagkatapos ng masinsinang pag-aayos sa akin ay nagbihis na ako ng gown. Kulay lilak ito at nagmukha akong prinsesa ng maisuot ko ito.

I wore an purple heels and a pair of earrings. Sinuot ko rin ang kwentas na nakaimprent ang pangalan ko at binitbit ang pouch ko na purple rin.

Nakarating ako sa hotel kung saan gaganapin ang ball namin. Agad akong nakaagaw ng atensiyon noong pumasok ako sa loob. Madami na ang mga studyante na naroon kaya medyo nahiya ako.

Agad na may humila sakin at sina Hera 'yon. “Hoy tangina, ganda mo!”sabi ni Hera habang nakatingin sa'kin.

She's also look stunning with her red gown. “Shut up Ms. Lavence, you're way more prettier than me.”sabi ko at pabirong inirapan siya.

Natawa lang ito at hinawi ang nakakulot niyang buhok. “Matagal nakong maganda 'no, pangit mo maging kaibigan ngayon mo lang na-appreciate”sabi niya na ikinatawa namin.

Nag-usap muna kami bago umupo sa upuan namin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at inilibot ko ang paningin para makita si Xavier.

Mukhang hindi pa ito nakarating, dismayado ako noong hindi ko siya mahagilap. Mali 'to, at hindi ko na siya dapat pang isipin.

“Hindi ka yata mapakali, but good news ayan na ang hinahanap mo.”bulong ni Cleo at tumingin sa direksyon ng entrance.

Tama siya andoon si Xavier at papasok, halos maduling lahat ng babae dahil sa kakisigan nito. Idag-dag pa ang naka brushed up niyang buhok na ngayon lang niya ginawa.

Agad na nagwala ang dibdib ko ng magatama ang mata namin. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita kong ngumiti ito ng maliit at naglakad palapit sa mesa nila.

“Hindi talaga ako nagkamali sakanila. Ang popogi talaga, laglag panty ko sa pa-entrance ni kuya e.”sabi ni Hera na nakatingin din kay Xavier.

“Shut up Lavence, kay Mira lang 'yon. Hindi kayo bagay kasi dugyot ka!”sabi ni Cleo dito.

“Talaga ba Espalante? Sa pagkakaalala ko sinabihan mo 'kong maganda noong isang araw, ano ha?”
nanghahamong saad ni Hera pero umirap lang si Cleo.

“Pero infairness pogi talaga ang fafa. Kung may pudai lang ako, hahayaan ko talaga siyang warakin ako ng bonggang-bongga.”biglang saad ni Cleo na ikinaubo ko.

Abay itong baklitang 'to, meron din naman palang pagnanasa. Kung hindi ko lang kaibigan 'to hinampas ko na 'yong bunganga niya. Ang dudumi magsalita.

“Kadiri naman! Hindi sila papatol sayo for sure, kahit maging babae kapa!”biglang sabat ni Nhea.

“Nanetong si Sedava, kala mo hindi patay na patay sa pinsan.”sabi ni Cleo pero inirapan lang din siya ni Nhea.

“Before I forgot, Ken was here. And I heard sila na 'ata kaya siya nakabuntot.”ani Cleo.

“Sinong hindi bubuntot? Ang ganda kaya ni Kashalea. Kung nakita niyo lang siguro siya kanina, feel ko crush ko siya ng slight.”sabi ni Hera na ikinasimangot namin.

Agreement With The Bad Boy (MORGAN SERIES 1)Where stories live. Discover now