CHAPTER 21

216 4 0
                                    

Napansin niya 'ata na medyo nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Nagulat lang talaga ako kasi first time kong gawin 'to.

“No it's not! It's just surprising.”sabi ko at nginitian siya.

Ngumiti rin siya pabalik at nagsimula na kaming maglakad. Marami ang nag mamasid samin. Alam kong kami ang pinag-uusapan ng mga 'to. Umiirap pa nga 'yong iba kapag nagagawi ang mata nila sa mga kamay namin. Ano inggit? Edi pumikit!

Habang papalapit sa building namin ay kumunot ang noo ko sa babaeng nakatingin samin. Kita ko ang pag-irap niya pero nakangiti paring lumapit samin.

“Hi Xavier!”bati ni Felice ng makarating sa harap namin.

Bago ko pa makalimutan ay dito pala nag-aaral ang babae. Walang araw na hindi ko siya nakikitang hindi lumalapit kay Xavier. Wala naman na sakin 'yon dahil bukod sa mag kaibigan ay mag kaklase rin sila.

“Hi Felice! Why are you still here? Hindi pa nagsisimula'yong klase?”tanong ng lalaki.

“Hindi pa naman! Actually I was waiting you to arrive. May ipapaturo sana ako kung okay lang?”medyo nahihiyang saad ng babae.

He looked at me, I know he's asking for my permission. I just smiled and nods at him.

“Okay… uhm let's just see each other later. Ihahatid ko muna girlfriend ko.”sabi niya kaya napakagat ako sa sariling labi.

Girlfriend? Ang sarap naman palang pakinggan. Naiiling ko siyang inirapan kaya medyo napatawa siya.

“We gotta go, Felice.”sabi niya at nag paalam na sa babae.

Ngingitian ko pa sana siya ng bigla niya akong irapan at tumalikod. Anong problema ng babaeng 'yon? Hindi ko naman siya inaano ah!

Inihatid na ako ni Xavier sa classroom namin at umalis narin dahil may klase rin siya.

“Edi sana lahat inihahatid.”parinig ni Zaraiah ng makapasok ako.

Hindi ko nga kaklase ang madal-dal na si Hera pero siya naman ang sumunod. Hindi na siguro tatahimik 'yong buhay ko kapag hindi ako nagkakaroon ng kaibigang madal-dal.

Hindi ko na siya pinansin at umupo nalang sa upuan namin. Pumasok naman ang guro namin at may announcement ito.

“Ilang months nalang magmo-move na kayo sa last year niyo.”panimula nito at tinignan kami isa-isa.

“Have you heard about being an exchange student before?”tanong ni ma'am kaya't agad na umingay ang buong classroom.

Exchange student? That was my dream before. Gustong-gusto kong pumunta sa ibang bansa para magsulat ng mga journal, article, o kung ano-ano pa.

“Silent!”sabi niya na agad namang sinunod ng mga kaklase ko.

“Hindi open ang opportunity na ganito para sa iba. We're not forcing you, but we're also encouraging you to join.”sabi nito kaya medyo na-excite ako.

“Nabalitaan niyo na 'yong about sa immersion? Doon niyo gagawin 'yon sa ibang bansa kong sakaling matanggap o mapili ang ginawa niyo.”sabi pa ni ma'am samin.

“The form is open to those students who's willing to join this publication. Apat ang pipiliin na pumunta sa ibang bansa para gawing exchange students.”dag-dag pa niya at tumigil ang tingin sakin.

“If you're aiming for a good career…”sabi niya at isa-isa kaming tinignan.

“This is the right time to show your best.”sabi pa nito.

Kahit sa sumunod na klase ay wala akong maintindihan dahil 'yon parin ang iniisip ko.

“Ano gusto mo sumali?”tanong ni Zaraiah sakin.

Agreement With The Bad Boy (MORGAN SERIES 1)Where stories live. Discover now