CHAPTER 35

614 28 8
                                    

Masama ang tingin na itinatapon ni Xavier sa'kin noong makalabas kami sa building. Mukha siyang nagtitimpi na parang manununtok na.

“What the hell is your problem this time?”I raised my brow on him.

“Don't talk to him again. I know that kind of man. Hindi ko naging kapatid si Keirson para hindi malamang may masama siyang binabalak!”sabi niya kaya umawang ang labi ko.

“What the fuck? As in fuck you!”I want to punch this man straight on his face. But punching him in the jaw I think will hurt the most.

“I wanted to say gladly, but I'll take that as a warning.”sabi pa nito kaya napatampal ako sa noo ko.

“Nakakainis ka, you know?”ubos na ang pasensya ko at konti nalang masasapak ko na siya.

Maayos naman kami kanina kaya hindi ko alam kung anong demonyo o kung sinong demonyo ang sumapi sakan'ya.

“Just go home already, ipapahatid kita sa driver namin. Bukas ka nalang bumalik sa office.”sabi niya at tinalikuran na ako.

He texted me to wait and I did what he wants. Noong makarating ang driver ay sa bahay ako nila mama nagpahatid.

Pumasok lang ako sa gate at dumiretso sa sala. I don't know kung narito si mama o Ivan. Minsan lang kasi ako nagagawi rito.

“Ma'am!”gulat na saad ng katulong.

“Si Mama po?”tanong ko.

“Nasa trabaho po ma'am, si Sir Ivan po nasa taas.”sabi niya at bumalik na sa sala.

Pumunta ako sa taas at kinatok ang kwarto ni Ivan. I think he's working or doing something. Aabalahin ko muna siya ngayon dahil minsan lang naman ito.

“Ivan are you there?”tawag ko sa loob.

“Baby? Do you need something?”sagot niya sa loob.

Narinig ko ang papalapit niyang yabag sa pinto at bumungad sa'kin ang kapatid kong naka white t-shirt lang at pants.

“Ivan samahan mo'ko, busy kaba?”
tanong ko sakan'ya.

“Saan tayo?”tanong niya at humilig sa hamba ng pintuan.

“Mall? Shopping?”sabi ko at matamis siyang nginitian.

“Why are you suddenly being a baby?”sabi niya at natatawang ginulo ang buhok ko.

Grabe naman maka baby 'to. Akala mo naman mas matanda siya sa'kin ng ilang taon. One minute nga lang iyong agwat naming dalawa eh.

“Bihis kana nga! Ang pangit mo talaga!”sabi ko na ikinatawa.

Pumasok siya sa loob ng closet niya kaya nauna na'kong bumaba. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig dahil nauuhaw ako sa sagutan namin ni Xavier kanina.

Mga trenta minutos din ang pag-aantay ko bago bumaba si Ivan. Basa ang buhok nito dahil sa pagligo. Nakasuot na siya ng mint green na polo na nakatupi hanggang siko. Naka black pants din siya at white sneakers.

“Sasabay ka sa'kin?”tanong niya agad.

“Yes. Sino magda-drive?”tanong ko sakan'ya.

“I'll drive. I love you, but I love my porsche also.”sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Tumawa lang ito at lumabas na ng bahay. Sumunod naman ako sakan'ya hanggang parking lot ng bahay. Agad kaming sumakay sa loob at nagmaneho na siya.

“Anong bibilhin mo sa mall?”tanong niya habang nagmamaneho.

“I'll buy some groceries and stuff in our house. Ikaw may gusto kang puntahan?”tanong ko pero umiling lang siya.

Noong nakarating kami sa mall ay agad kaming dumiretso sa bilihan ng mga kitchen materials. Napansin ko kasi na walang masyadong gamit sa bahay namin. Bibilhin ko lang para magamit ni Esme dahil wala siyang oras sa ganito.

Agreement With The Bad Boy (MORGAN SERIES 1)Where stories live. Discover now