SPECIAL CHAPTER

510 23 0
                                    

Busy ako ngayon sa paghahanda para sa birthday ni kuya Xerson. Ang kukulit kasi nitong mga kapatid niya at gusto talagang ipagluto ang pinakamamahal nilang kuya.

“Mommy do you think kuya will like a letter as a gift?”tanong ng walong taong si Xyrie at umupo sa harap ko.

“Of course kuya would love it.”sagot ko naman dito.

“How about an explosion box, Mom? You think kuya will like it.”tanong naman ng kakambal niyang si Xydie

“Yes baby, kuya loves everything you gave him.”saad ko at binalingan ang bunso sa tabi ko.

“How about you Xaccaella? What would you like to give on kuya?”
tanong ko at hinalikan ang pisnge ng dalawang taong gulang kong anak.

“Yots of kish mommy (Lots of kiss mommy)”sagot ng anak ko at humagikhik. Ang cute naman ng baby ko.

I cooked all of Xerson's favorite dish. Uuwi iyon mamayang gabi, walang pasok pero may practice siya ng football. Ang bilis lang ng panahon. Ang panganay ko ay labing anim na. Parang dati ay cute na cute pa siya.

“Daddy!”sigaw ng dalawa noong pumasok ang tatay nila sa kusina.

“What are you cooking, hmm?”tanong niya at humalik sa sentido ko.

“I'm cooking Xerson's favorite foods. Alam mo naman iyang anak mo ay mas ganado kapag mga paborito niya iyong nakahanda.”sabi ko sakan'ya.

“Daddy look, I made a explosion box for kuya.”saad ni Xydie at pinakita sa daddy niya ang ginawa.

“Wow this is good baby, kuya will love it.”sabi naman ni Xavier at hinalikan ang anak sa pisnge.

“Dad my letter are beautiful too right? I want to write for kuya kasi para mas memorable.”saad naman ni Xyrie at pinabasa sa daddy niya ang sulat.

“Wow ang sweet naman ng baby girl namin.”aniya at hinalikan din ang anak sa pisnge.

“And my baby. What is your gift to kuya?”tanong niya at binuhat ang anak.

“Kish po dedi.”cute na cute na saad ni Xaccaella.

Pinanggigilan ni Xavier ang pisnge ng anak na todo naman ang hagikhik.

Noong mag alas singko ng gabi ay naghanda na kami dahil pauwi na ang panganay.

“Happy birthday!”sigaw namin noong pumasok si Xerson ng pinto.

“Thank you Mom, Dad. And of course my babies.”saad niya at pinisil ang pisnge ng mga kapatid.

Nagsimula na kaming kumain at nagsimula ng dumaldal ang kambal.

“Open mine first, kuya. I'm your favorite siblings kaya open mine first.”sabi ni Xyrie sa kuya niya na agad namang ikinasimangot ng kakambal niya.

“It's me kaya! You should be Xaccaella's  favorite because you're both girls. And I should be kuya's favorite because we're both cool.”naiiling nalang ang kuya nila sa dalawa.

“You're all kuya's favorite naman, kaya sabay ko nalang bubuksan mamaya okay?”tanong ng kuya nila na agad naman nilang sinang-ayunan. Love na love talaga nila si kuya nila.

Nagkulitan pa ang magkakapatid bago napagdesisyunang matulog na. Inaantok narin kasi ang kambal at pagod ang kuya nila galing training.

“Xerson come here!”tawag ko sakan'ya.

“Po?”tanong naman nito.

“Here's our gift for you. You're daddy think you need this.”saad ko at inabot sakan'ya ang mga gift check worth of fifteen thousand sa isang book store

“Oh my god! Thank you so much, Mom. Tell Daddy thank you too. I love you guys very much.”sabi niya at yumakap sa'kin.

“Ang baby namin ay big boy na. Baka mamaya may girlfriend na ha?”tanong ko na ikinatawa nito.

“I'm more focused on my studies and sports, Mom. I don't have time for that thing.”napanguso ako sa sinabi nito. Masyado talaga niyang sineseryuso ang pag-aaral.

“Uuwi kaba bukas sa mommy mo?”tanong ko rito.

“Baka po, hinahanap din po ako ng mga kapatid ko do'n eh.”sabi niya at napakamot sa likod ng ulo.

Masaya akong nakahanap din si Felice ng lalaking para sakan'ya. May pamilya narin siya at dalawang anak sa asawa niya.

“Matulog kana, aakyatin ko na ang daddy mo.”sabi ko at tinapik ang balikat niya.

Umakyat narin ako sa kwarto namin at natutulog na ang bunso ko roon sa room niya. Pumasok naman ako sa kwarto namin ni Xavier na hanggang ngayon ay nagbabasa parin.

“Mahal matulog kana. Ilang araw kanang nagbabasa ha? Ano ba iyang binabasa mo?”tanong ko.

“It's about business sort of. But come here, let's sleep, or make a new baby. What do you think?”tanong niya at nginisihan ako.

Agad naman akong lumapit sakan'ya at hinalikan siya sa labi.

“Bukas nalang iyan mahal, pahinga muna tayo.”sabi ko at muling hinalikan ang labi niya.

“Okay Misis ko, I love you.”sabi niya at niyakap ako.

“I love you more, Mister ko.”sabi ko rin at pumikit na.

I never dreamed of being a mom before because I was too focused on my studies. Hindi ko alam na ganito pala kasaya ang maging ilaw ng tahanan. Ngayon ay naiintindihan ko na kung gaano ako kamahal ng mga magulang ko. Dahil bilang magulang ay walang katumbas na halaga ang pagmamahal mo sa asawa't anak mo.

It feels heaven that you have an own family that you can call yours. This all not gonna happen if I didn't sign an agreement with a bad boy. And signing it was the most amazing thing happened to me.

I Elmizera Guinovea Sandejas Morgan, signing off as an bad boy target.









Nakakaiyak at end na! Maraming salamat sa mga readers na kinilig, nagalit, at umiyak. I owed you this guys. Signing off na si Xavier at Mira. And let's welcome Javier and Relcy naman.

Agreement With The Bad Boy (MORGAN SERIES 1)Where stories live. Discover now