CHAPTER 32

575 15 2
                                    

Pasado alas dose ng tanghali na ng magising ako. Sobrang sakit ng ulo ko kaya muli akong napapikit. Pisteng alak iyan, hindi na talaga ako uulit kahit kailan.

Naghilamos at toothbrush ako at bumaba rin agad. Medyo nanibago pa'ko kanina pag gising ko dahil wala ako sa unit.

Bumungad sa'kin ang tatlo na tila masakit din ang ulo dahil sa alak. Ayan! Mga lasinggera kasi, kala mo mauubusan ng alak.

"Ipag-paalam niyo nalang ako kay Ivon, meron pa akong trabaho."saad ni Relcy at umuna ng umuwi.

"Me too, just tell Mom I already go home. Baka hinahanap na'ko ng baby ko."sabi naman ni Ivy at lumabas na.

I think I need to go narin. Baka nanggigigil na si Elias sa'kin dahil hindi ako nag paalam kagabi.

"Hintayin natin si Mrs. Ivon, kailangan ko naring umuwi."sabi ko na ikinatango naman niya.

"I have a work too, baka hindi ako makapag focus dahil masakit ang ulo ko."sabi niya pa.

Nag antay pa kami ng minuto bago bumaba si Mrs. Ivon. Agad siyang napangiti ng makita ako.

"Umuwi na po si Relcy at Ivy,
Ma'am."sabi ko kaya napanguso siya.

"It's mommy or mama, Mira. Nanay mo'ko at hindi boss."sabi niya kaya nahihiya akong ngumiti.

"Sorry po, Ma."sabi ko at nginitian siya.

"Uuwi narin ba kayo?"tanong niya at tumingin sa amin ni Esme.

"We have a work rin po, Ma'am, at marami pa hong trabaho sa kompanya."sabi naman ni Esme.

"Okay, take care the both of you."sabi pa niya kaya tumango nalang ni Esme.

"We need to go po. Thank you po!"
sabi ko at yumuko ng kaunti.

"Bumalik ka ulit dito ha? Ayokong ma-miss ka sa loob ng limang taon ulit."sabi niya kaya umiling ako.

"Bibisita po kami ulit, thank you po ulit."sabi ko at ngumiti.

Umalis na kami ni Esme at inihatid ko siya sa bahay namin nila mommy. Ako naman ay dumiretso sa unit namin ni Elias. Kanina pa siya tawag nang tawag. Plano nanaman yata pumunta sa kompanya ni Xavier para makita ang babae.

Kung anong iwas ko kasing makita ang pagmumukha ni Xavier, gano'n niya naman kagustong makita si Aera. If we were a primary color, we won't blend.

"At saan ka galing?"kaagad na bungad niya noong makapasok ako. Kailan pa siya nagkapake kung saan ako pumupunta?

"Wow ha? Asawa ba kita?"sabi ko at inirapan siya.

"Fix your self, pupunta ulit tayo sa kompanya ni Mr. Morgan."sabi niya kaya binalingan ko siya ng inis na tingin.

"Seriously? Balak mo araw-arawin ang pag punta do'n? Balikan mo nalang si Aera para wala kanang problema."sabi ko kaya siya naman ngayon ang umirap.

"She won't take me back that easily."sabi niya pa. Hindi ko nalang ito pinansin at naligo sa kwarto ko.

Bodycon dress at pumps lang ang suot ko dahil tamad akong mag hanap ng damit. Syempre pumunta na naman kami sa kompanya ni Xavier.

"Why don't you just apply here? Konti nalang iisipin na ni Xavier na gusto nating mag trabaho rito."sabi ko habang papasok kami sa building.

"Xavier? Close kayo?"nang-aasar na saad niya kaya nakatikim siya ng sapak sa braso.

"Tumahimik ka kung ayaw mong isumbong kita kay, Aera."agad na sumama ang hilatsa ng mukha nito.

"Sumbongera!"isip batang saad niya.

Diretso lang kaming pumasok sa loob hanggang makarating kami sa opisina ni Xavier. Pagkapasok namin ay agad sumalubong sa'min ang tahimik na opisina nito.

Agreement With The Bad Boy (MORGAN SERIES 1)Where stories live. Discover now