CHAPTER 34

675 21 5
                                    

Noong nakitang lumabas si Xavier ay sinundan ko ito. Alam ko kung anong klase ng ugali ang meron siya. Hindi niya iyon gagamutin kung walang gagamot.

Hindi ko siya mahagilap kahit noong lumabas ako ng building. Noong pumunta ako sa bandang likuran ay nakita ko siyang nagyoyosi. Tumutulo ang dugo sa kamay niya at tila wala naman siyang pakialam.

“Wala kang balak gamutin 'yan?”tanong ko kaya napatingin siya sa'kin.

Biglang nag iba ang awra nito sa tila inis na inis siya sa presensya ko. Hindi niya ako sinagot kaya lumapit ako sa pwesto niya. Agad niya akong sinamaan ng tingin ng hablutin ko iyong kamay niyang may sugat.

“Let's get inside, let's clean this.”sabi ko pero nakatingin lang siya sa'kin.

“Stop looking at me like that. Tara na!”sabi ko at hinila siya papasok ng hotel.

Nanghingi ako ng gamot na pwedeng ilagay sa sugat niya. Hinugasan ko ito sa lababo at pinaupo siya sa isang monoblock doon.

Agad kong kinuha ang bulak at nilagyan ng alcohol. Unti-unti ko iyong nilagay sa sugat niya. He didn't even flinch like he's very used to it. I remember noong highschool ay palaging siyang laman ng clinic at guidance.

“Ano ba kasing pumasok diyan sa kokote mo at binasag mo iyong baso?”tanong ko habang ginagamot ang sugat niya. Malaki ang hiwa no'n kaya siguro maraming dugo ang lumalabas.

Hindi siya sumagot kaya napatingin ako sakan'ya. Tutok na tutok siya sa'kin habang nilalandas niya ang dila sa ibabang labi. Napatigil ako sandali at napanguso. Hindi niya pinapansin ang mga sinasabi ko.

Kumuha siya ng tissue sa aid kit kaya nagtataka ko siyang tinignan. Nanlaki ang mata ko ng bigla niya akong hilahin paupo sa kandungan niya. Unti-unti niyang inangat ang kamay ay dahan-dahang pinunasan ang pisnge ko.

Nagtataka ko lang siyang tinignan habang ginagawa niya iyon.

“There you go, malinis na ulit.”sabi niya at tumingin sa'kin.

Hinawakan niya ang bewang ko at unti-unti akong inangat. Nakatingin lang ako sakan'ya ng iniligpit niya ang mga ginamit namin. Noong matapos ay hinila niya na ako palabas doon.

Naglakad kami pabalik sa area kung saan dinaos ang reunion. Hawak niya parin ang kamay ko hanggang makarating kami roon.

“Bumalik kana sa loob, uuwi na'ko.”
sabi niya at tumalikod na sa pwesto ko.

Ginawa ko ang sinabi nito. Bumalik ako sa loob at pumunta sa pwesto ng mga kabigan ko na tapos na yatang sumayaw.

“Where have you been?”tanong agad ni Relcy pagkapasok ko.

“Nag pahangin lang.”sabi ko at umupo sa tabi niya.

The party continues. Noong mag alas dos ng madaling araw ay lasing na lahat. Medyo masakit narin ang ulo ko dahil sa alcohol. Hindi ko na kayang mag maneho kaya dito nalang kami sa hotel matutulog. Mag kasama kami ni Relcy sa isang kwarto at iyong iba naman ay umuwi na kasama ang mga asawa nila.

PASADO alas onse na ng hapon nang magising ako. Mataas na ang araw sa labas. Kagaya noong nakaraan ay sobrang sakit ng ulo ko dahil sa hangover.

Tulog pa si Relcy noong magising ako kaya nag cr muna ako roon. Pagkalabas ko ay gising na siya at nakaupo sa kama.

“Puta sakit ng ulo ko!”saad niya at hinimas ang ulo.

“Ikaw ba naman lumaklak ng isang bote ng alak, sasakit talaga ulo mo no'n.”sabi ko kaya sumimangot siya.

Nag paalam na'ko na mauuna ng umuwi. Hahanapin ko pa si Esme, hindi ko siya mahagilap kagabi pa.

Lumabas na'ko ng hotel at agad kong tinawagan si Esmeralda kung nasaan naba siya. Inaantok pa ang boses nito habang sinasagot ang tawag.

Agreement With The Bad Boy (MORGAN SERIES 1)Where stories live. Discover now