CHAPTER 25

261 3 0
                                    

TW⚠️: violence

Hindi nagpakita si Xavier buong umaga sa'kin. Kahit text at tawag ay wala akong natanggap kaya nag-aalala nako. Noong sumapit ang gabi ay may text akong natanggap at pinapapunta ako roon sa bahay nila.

I took a quick shower before wearing my clothes. I have a car, but I still have no time to practice driving it. Hinatid ako ni kuya Kulas sa mansion ng mga Morgan at umalis din siya pagkatapos.

Binati pa ako ng mga katulong at pumasok na doon sa dining. Ang sabi nila manang ay nandoon na raw sila. Noong pumasok ako ay kumunot ang noo ko ng makitang maraming tao roon. At ipinagtataka ko pa ay bakit naroon si Felice?

“Love? What are you doing here?”tanong ni Xavier at nilapitan ako.

“You texted me aren't you?”
nagtatakang tanong ko.

“I did not text you, Mira. Umuwi na tayo at ihahatid na kita.”sabi niya pa at hihilahin na sana ako palabas ng tawagin siya ni Tito.

“Let her join us, Xavier. Kahit ngayon lang umayos ka naman.”sabi ni tito kaya kumunot ang noo ko. May problema ba sila ng daddy niya?

“Sit down, Mira!”saad nito at seryuso akong tinignan. Ngumiti naman ako at umupo sa tabi ng inuupuan ni Xavier.

Nanginginig ang kamay ko dahil bukod sa amin ay may iba pang tao sa mesa. Habang si Felice ay nakangisi habang nakatingin sa'kin. Problema niya sa'kin? Mukha siyang tanga habang mag-isang nakangisi.

“As part of my partnership with Mr. Zamora. Him and I decided to engaged his daughter, and my son.”saad ni tito. Teka sinong anak at sinong ikakasal?

“My third heir is going to marry Mr. Zamora's unica ija!”finality is hinted in his voice.

Bigla akong napatingin kay Xavier ng marinig ang sinabi ng daddy niya. What does it mean? Anong ibig sabihin na ikakasal siya sa iba?

“Love please, let's go home. Stop hearing his awful words. Let's go please.”Xavier pleaded.

“You heard my words, Mira? My son Xavier is getting married soon. You two should separate ways already. Our business with your company was also finished. I think we help that company enough to rebuild it again.”malamig na saad ni tito.

Anong ibig niyang sabihin. Anong akala niya sa kompanya ni mommy, charity? Seryuso ba siya sa mga sinasabi niya ngayon?

“Pumasok muna kayo sa loob mga kumpare, kumare. May pag-uusapan lang kami nitong basura ng anak ko.”saad pa ng lalaki. Agad kong kinagat ang ibabang labi para magpigil ng iyak. Ano ba kasing nangyayari?

Noong makapasok lahat ng bisita nila sa loob ay lumapit siya sa pwesto namin.

“You two should break up!”malamig na saad ni tito. “hindi ka nababagay sa anak ko.”dugtong pa nito.

“Stop it, dad! Mira, love please... let's go.”saad ni Xavier at hinila ako pero hindi ako makagalaw.

“Hindi ka nababagay sa kahit isa sa mga anak ko! What are we going to do in that small and cheap company of your mom? Leave my son kid. You two just waisting each other's time.”sabi pa niya kaya tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko.

“Huwag kang makinig sakan'ya. Hindi kita iiwan, Mira. Wala akong pake sa kompanya niya. Halika kana! Huwag kang makinig sakan'ya.”saad ni Xavier at hinila ako palabas ng bahay.

“Love please... Stop crying. Walang kwenta iyong sinabi niya. Please baby don't let that old hag poison your mind.”sabi niya at niyakap ako. Mas lalo akong umiyak at gumanti ng yakap sakan'ya.

Hindi naman siguro totoo iyon ano? Our company is not cheap. Nabubuhay kami ng maayos dahil doon.

“Xavier hindi naman iyon totoo 'no? Hindi 'yon totoo 'di ba?”umiiyak na tanong ko kay Xavier.

Agreement With The Bad Boy (MORGAN SERIES 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora