Chapter 2: Car broke down

0 0 0
                                    

Patuloy naming binaybay ang kadiliman ng kalsada. Tahimik pa rin sa loob ng sasakyan at sa tingin ko ay mag-aapat na oras na rin matapos kaming magstop-over, bahagya akong naka-iidlip pasaglit-saglit pero mabilis din naman na nagigising. Hanggang sa bigla na lang may malakas na tunog at parang hinihilang bakal ang narinig ko bago tuluyang tumigil ang sinasakyan namin. Sa sobrang kaba ay napapikit na lang ako at laking gulat ko ng nakita kong nakaharang ang braso ng lalaking katabi ko sa akin at ang isa ay nakatuon sa likod ng nasa harapan n'yang upuan, pinigilan n'ya ba akong mapasubsob o nagkataon lang na pinigilan n'ya ang sarili n'yang mapasubsob kaya humawak s'ya sa may gilid? Hayst grabe girl para akong nasa pelikula, may kurot sa puso akong naramdaman ng mga oras na 'yon nang mapansin n'ya akong nakatitig sa kanya ay saka lang s'ya kumilos para tanggalin iyon.

Nagising ang lahat at talagang na shock ang bawat isa, nagtanong agad ang ilan naming mga kasama kung anong nangyari at bigla kaming tumigil.
"Pasensya na po! Na-flatan yata tayo, saglit lamang ho—" lalabas sana si Tatay Matt matapos sabihin iyon nang maalala nito ang mga sakay n'ya.
"Nako! ay wala ho ba gang nasaktan sa inyo?" dugtong niya at kaagad na binuksan ang ilaw sa likod ng van at nilingon n'ya rin ang katabi n'yang babae.
Tumugon ang lahat na ayos lang naman sila at nagulat lang sa mga nangyari. Matapos iyon ay bumaba na si Tatay Matt upang i-check ang gulong ng sasakyan.

Napakadilim sa parteng iyon ng lugar kung saan kami nasiraan parang bundok na ang binabaybay namin ng mga oras na iyon. Iginala ko ang paningin at talagang halos wala akong makita bukod sa ilang mga sinag ng ilaw na may kalayuan sa amin.

Bigla akong napa-iktad sa pagkaka-upo nang sumilip at kumatok si Tatay Matt sa bintana, napahawak ako sa dibdib ko na para bang tatalon ang puso ko, napatingin naman ang lahat sa 'akin dahil sa gulat.

"Girl ano ba 'yan, you're so OA ha. Papatayin mo rin ba kami sa takot?" Agad na sabi nung babae na nakatayo sa likod ng sasakyan nung dumating ako kanina bago kami umalis. Panay ang hingi ko ng pasensya at nakaligtaan ko nang pagbuksan ng pinto si Tatay Matt kaya't yung katabi kong lalaki ang nagbukas no'n.

"Lapat na lapat ho ang gulong natin sa likod, p'wede po ba na bumaba muna kayo at aayusin ko lang ho, papalitan lang ho saglit ng gulong." Wika ni Tatay Matt sa amin.

"Oh my Gosh! Is it safe here?" (Saad ni Ate Girl na med'yo may attitude)

"Gaano po katagal iyan?" (tanong nung babae sa unahan)

"Tulungan ko na kayo Tang." (yung isang lalaki sa likod)

"Don't have any knowledge in that, kaya n'yo na iyan." wika nung isang lalaking nakasalamin sa may likod ko.

Halos magkakasabay na salita ito ng mga nasa loob bago bumaba.  Kaya't hindi agad nakasagot si Tatay Matt.

"Hey Clumsy! Get out of the car." bulong sa akin ng kalapit kong lalaki na bahagyang nagpa-init sa aking pisngi nang maramdaman ko ang hininga n'ya sa may leeg ko. Hindi ko na s'ya nilingon at natataranta akong bumaba at pumunta sa may bandang unahan ng sasakyan dahil may ilaw doon.

Isa-isang nagbabaan ang lahat, yung isang nag-alok ng tulong kay Tatay Matt ay agad pumunta sa may gulong at inilawan ito , dalawang lalaki pa ang pumunta doon at wari'y magbibigay din ng tulong.
"Tang! May bumaon po pala sa gulong oh!" Saad nito habang tinitingnan kung anong bagay iyon.
"Can I see it?" Tanong nung lalaking nakasalamin.
Ipinakita naman ito sa kanya at para bang sinusuri n'ya itong mabuti.
"Mang Matt, check this out it's kinda weird, looks like an ancient weapon or something." Dugtong pa ng nakasalaming lalaki habang iniaabot kay Tatay Matt ang bagay na iyon.

Naglapitan naman kami para makita din ito, s'yempre because of curiosity di'ba at habang tinitingnan namin iyon ay biglang lumakas ang ihip ng hangin at napakalamig nito, tumunog ang makakapal na sanga ng punongkahoy at mga dahon.

"eeeeee.... creepy." wika ni ate girl na alam n'yo na at bigla pang napahawak sa braso nung kalapit n'yang lalaki na matangkad at medyo maputi.

"hala grabe. ano yan?." saad pa nung isang babaeng kasama namin

Patulis ang magkabilang dulo nito na parehong may talim at parang sa bandang gitna hinahawakan. Para din itong gawa sa  buto o malaking ngipin.

"Nako e, huwag ho kayong mag-alala safe ho dito at talagang ito ho ang dinadaanan papunta sa Sacred Mountain baka ho nailaglag laang ng kung sinong may ari iyan kanina." Agad na wika ni Tatay Matt ng maramdaman ang tensyon ng bawat isa.

Nakita kong kumunot ang noo ng lalaking nakasalamin.
"Pero kung nalaglag iyan pa—" sambit nito na pinutol nung lalaking may dalang gitara kanina at umiling-iling at nakita kong tiningnan n'ya ang iba pa naming mga kasama lalo ang mga babae, tumahimik ito at sumandal sa gilid ng sasakyan.

"Sige at a-ayusin nalang po muna, wala pong lalayo sa sasakyan d'yan lang ho kayo sa may unahan para may ilaw." Wika ni Tatay Matt at nagpuntahan kami sa unahan. Apat na lalaki ang naiwan doon, yung nakasalamin, yung kalapit ko, yung mataba ang pisngi at yung may gitara.

"Huy! lalaking nakasalamin wala kang matutulong d'yan kung sasandal ka lang sa sasakyan." saad nung babaeng katabi n'ya sa upuan

"None of your business." maiksing tugon naman nito

"Suupladooo." Saad muli ng babae at umismid.

Napatingin naman ako sa babaeng kanina ay kalapit ni Tatay Matt sa unahan, tahimik lang ito na nakikinig sa music, sa kanya ako tumabi at tiningnan ang parte ng gubat kung saan s'ya parang nakatingin.  Bahagya akong pinanindigan ng balahibo ng mapansing napaka-dilim nga sa paligid, naramdaman ko rin na parang may mga matang nakamasid samin, unti-unti kong naririnig ang mahihinang kaluskos ng mga dahon at sanga , ang maiingay na panggabi na insekto at ang simoy ng hangin na parang bumubulong. Pinapakiramdaman ko na pala ang buong paligid ng hindi ko namamalayan kaya't gulat na gulat ako nang tapikin ako ni Ate girl na alam n'yo na.

"Hey!  What the fuck are you doing?" Napapangiting wika nito.

"Istorbo ka te, nagrerelax s'ya e. Haha" Dugtong nung isang babaeng kumausap doon sa nakasalamin. Bahagyang nagtawanan yung dalawa samantala itong si ateng naka-earphone ay wala pa ring kibo gayon din yung isa pa naming kasamang babae na parang mahinhin, tahimik lang at med'yo maamo ang mukha.

"Hi Girls!" Saad ng lalaking mukang half foreign nang makalapit sa amin.

"Hello Kuya!" (Yung babaeng kumausap sa nakasalamin)

Wala naman akong kibo at napatingin lang sa kanya yung dalawa naman na tahimik ay hindi rin kumibo, napansin ko naman na tumayo sa likod ni Ate mo girl na alam n'yo na yung matangkad na lalaki na may itsura nga rin.

"Narinig n'yo ba yon?" Biglang tanong nitong lalaking kasama namin na hindi rin gaanong nagsasalita.

"Pwede bang tumahimik kayo— 'wag n'yo ng pansinin 'yang mga nakikita o naririnig nyo." Sabi nitong babaeng naka-earphone at tumingin doon sa nagsalita.

"I think I saw something—" hindi pa man tapos ang sasabihin ay pinutol na iyon ng lalaking matangkad nang sabihin n'yang:
"Pre, 'wag na. Baka magkatakutan lang tayo. May mga babaeng kasama." Matapos sabihin iyon ay tumingin ito kay ate mo girl na alam n'yo na. Like hello, hindi lang s'ya ang babae kami rin, sa isip isip ko.

Nakita kong lumapit yung lalaking mukang half foreign sa lalaking nakakita daw ng kung ano. May itinuro s'yang isang parte sa napakadilim na gubat at sa ka-engotan ko ay tumingin din ako sa itinuro n'ya, nang wala akong makita doon ay hindi ako nakuntento kaya't iginala ko pa ang mga mata ko hanggang sa mapansin kong may tila mga mata din na nakatingin sa gawi namin, napakunot pa ako ng noo, parang mata ito ng kung ano maaaring hayop ito dahil para itong umiilaw, pero mapupula ang mga iyon, med'yo malabo ang imahe n'ya pero alam ko na bulto ito ng kung ano.

Vacay with a Twist Where stories live. Discover now