Chapter 10: The beginning of the End

0 0 0
                                    

Gulat na gulat ang lahat sa ginawa ni Josh, agad pumagitna si Jay at Ram sa dalawang lalaki ng akmang gaganti si Nathan nang makatayo ito sa pagkakabagsak, mabuti nalang din at nahawakan s'ya ni Ely, nagpunta si Aimee, Eerie at Maye sa tabi ko at bigla kaming nakarining ng isang napakalakas na sigaw mula sa gitna ng gubat.

"Tang-ina!" Napamura si Jay at napalingon kay Aimee.
"Tara par, tingnan natin andon sila Jerry." Dali-daling pag-aakit ni Ram kay Jay.
"Saglit, flashlight." wika ni Jay at dinampot agad ang flashlight sa bag na pinaglagyan ng beer.
"Hoy mga gago kayo wag na kayong magsuntukan!" pahabol ni Ram at inihabilin kay Ely ang dalawa.
"Tila nagbabagong anyo na ang bundok." Misteryosong wika ni Aimee habang nakahawak kay Eerie na tahimik pa rin at parang gulat na gulat pa rin sa nangyari kanina.
"Ano bang ibig mong sabihin?" tanong ni Maye na nag-aalala na.
"Umakyat kayo dito ng wala talagang ka-alam-alam? Misteryoso ang bundok na ito. Ayon sa ibang balita ay may mga nag-camping na dito at hindi  na nakabalik." Paliwanag ni Aimee. 
"And you're not even sure of it, are you?" Tanong ni Ely kay Aimee.
"That's why I'm here; I need answers. My sister booked a vacation here four years ago, and he has never come home since then." Saad ni Aimee.
"What more do you know?" Tanong ko pa.

Pero naagaw ang atensyon namin ng may kumaluskos sa parteng unahan ng mga tent sa aming harapan.
"Si Emon—" nasambit ko ng maalalang nauna na s'yang natulog kanina.
"Kami na ni Maye ang titingin." Sabi ni Nathan, parang tatanggi pa sana si Maye pero wala na s'yang nagawa kun'di samahan ito."
Naiwan kami ni Eerie, Ely at Josh dito sa may harap ng bonfire.
"Can you walk?!" Tanong ni Ely sa sakin at seryosong nakatingin. Pinakiramdaman ko naman ang aking paa bago sumagot. Alanganin akong tumango, pero kailangan kong makakilos ng maayos lalo't may hindi tamang nangyayari sa paligid.
"Good, just stick with me Ck." Pahabol pa nito, madalang siyang magsalita pero alam ko na totoo ng mga iyon.

Ilang saglit pa ay humahangos at takot na takot na bumalik si Ram, Izzy and Jay.
"Where's Jerry?" agad kong tanong ng makitang wala si Jerry. Iyak lang ng iyak si Izzy at hindi nagsasalita.
"Wala na si Jerry noong nakita namin si Izzy at hindi s'ya nagsasalita iyak lang ng iyak, hindi pa nya sinasabi kung nasaan si Jerry." Paliwanag ni Ram.
"Para s'yang takot na takot kanina." dugtong ni Jay.

"Guys! Emon is not here." sigaw ni Nathan.
"Si Maye nand'yan na ba?" tanong na sigaw ulit ni Nathan.
"Wala pa s'ya." sagot ko dito.
Nakarinig ulit kami ng isang malakas na sigaw ng babae at sigurado ako na si Maye iyon. Lahat kami ay nagpunta sa direksyon ng pinanggagalingan ng sigaw, inalalayan ako ni Ely at si Josh naman ay kasama ni Eerie, si Izzy at Aimee ay kasama nina Ram, Nathan at Jay.
Nauna doon sila Ram at laking gulat namin nang mailawan nila Ram ang katawan ni Maye na nakabitin sa isang malaking puno. Gumapang ang takot sa bawat isa, parang nawala sa sarili Eerie at sigaw s'ya ng sigaw mabuti na nga lang at palagay ang loob n'ya kay Josh kahit nagkainitan sila kanina ay sila ang magkasama ngayon at agad nagka-ayos ng ipinagtanggol ni Josh si Eerie mula kay Nathan kanina, si Izzy ay ganoon din ang reaks'yon at sa isa pang pagkakataon ay dali-dali itong tumakbo papalayo at walang pinupuntiryang direksyon.
"Izzyyyyyy!"  sigaw ni Jay dito ng tumakbo palayo pero lahat kami ay hindi pa makakilos sa tagpong iyon.  Gumapang kilabot sa bawat isa, napakaraming kumalat na dugo sa punong iyon nakasabit si Maye sa sanga ng puno at wala nang buhay, bali-bali ang buto sa katawan at maraming sugat sa katawan na parang kung saan-saan iyon tumama, parang pinaghahampas ito sa katawan ng mga puno sa gubat.

"Tang-ina. Sinong matino ang gagawa nito?!" Tanong ni Ram
"Jay. What do you think?" tanong ni Nathan umiling si Jay bilang tugon.
"Hindi ako sigurado, posibleng hayop pero p'wede ring tao." Parang wala sa sariling sabi n'ya habang nakatingin sa katawan ni Maye. Lahat sila ay binalot ng takot at kilabot sa nakikita.

"Pupuntahan namin si Aga." nagmamadaling saad ni Ely at hinawakan ako sa kamay.
"C-ck." umiiyak na tawag ni Eerie sa akin.
"Halika sumama na kayo ni Josh sa amin." Pag-aaya ko sa kanila ni Josh.
"Aimee?" tawag ko kay Aimee bilang pag-aaya.
"I'm fine, I'll stay here." maiksing sagot nito at tumalikod na kami.

Vacay with a Twist Where stories live. Discover now