Chapter 16: Huge Underground Cage

0 0 0
                                    

———————————————————————

Matapos akong mapakalma ni Ely ay tinahak na namin ang daan pababa ng bundok. (Sana ay tagumpay na makababa  ang iba at makahingi sila ng tulong) Sa isip-isip ko. Hindi na mas'yadong makirot ang naliay kong paa pero hindi ko pa mai-apak ng maayos. Naka-alalay pa rin sa akin si Ely dahilan din para hindi kami makapag-madali ng kilos.

"Wait Ck. I heard something." mahinang sabi ni Ely sa akin.
"Like what?" Tugon ko sa kanya at luminga-linga sa paligid pero wala naman akong nakita at gayon din si Ely. Dahan-dahan na kaming nagpatuloy sa pagbaba ng bundok, alam namin pareho na delikado pa rin sa bundok kahit wala si Aga, dahil baka may mababangis pa na hayop doon lalo't madilim at parang puro anino lang nasa paligid kaya tahimik pa rin kami sa bawat pag-kilos lalung-lalo na at nakalabas na kami ng right trail na dapat lang na masundan para hindi maligaw at manatiling safe sa lugar, pero kahit naman nasa right trail kami kanina at maging sa camping site ay hindi kami naging ligtas kaya ang dapat nalang naming gawin ay mag-ingat ng mabuti.

Napatigil kami bigla nang may makita kaming tao sa dadaanan namin pababa, tahimik kaming tinitigan iyon at ng makilala ko ang imahe ng taong iyon ay tatawagin ko na sana s'ya pero agad tinakpan ni Ely ang bibig ko mula sa likod, nakahawak ang isang kamay niya sa bibig ako at ang isa naman ay nasa ibaba ng dibdib, hinila niya ako agad papunta sa ibang direksyon, nagmamadali siya at ng alagata niyang hindi na kami makikita ng lalaki ay binitawan na niya ako.
"Ano ka ba Ck? Bakit mo tatawagin si Mang Matt?"  Sabi nito sa akin na sa pakidinig ko ay may ibang tono.
"Hindi mo ba naisip na p'wedeng kasabwat siya ni Aga." dugtong ni Ely na parang pinagagalitan ako.
"Sila lang ang p'wedeng gumawa sa atin ng lahat ng ito." pagbubulyaw pa niya. Natahimik naman ako at naisip ko na tama nga naman siya dahil sila lang din naman ang matagal na raw sa ganitong trabaho.
"S-sorry Ely." Wika ko sa kanya habang nakatungo. Napatingin naman sa akin si Ely at para bang nawala agad ang inis nito nang makita ako sa ganoong hitsura. Mula sa pagkaka-upo ko sa lupa ay hinawakan niya ang ulo ko at lumuhod siya sa tapat ko para yakapin ako.
"Pasensya ka na Ck, dala nalang din siguro ng pagod, hindi ko sinasadya na pagtaasan ka ng boses." paghingi ni Ely ng pasensya sa akin, gumanti naman ako sa yakap nito bilang tugon at para iparamdam sa kanya na wala sa akin iyong pagbubulyaw niya kanina.
"Trust no one Ck, trust no one." habol pang salita ni Ely sa akin habang hinihimas ang buhok ko.

Makalipas ang ilang sandali ay lumakad na ulit kami pero natigilan ulit kami ng maramdaman namin na may paparating, mabilis iyon at parang kanina pa nagmamasid sa amin, gumalaw ang mga dahon at sanga ng puno mabilis iyon at malalakas ang pagtunog kahit walang hangin. Nagtaka kami at dala na rin ng takot ay nagmamadali kaming naghanap ng pagtataguan at mabuti nalang dahil nakakita kami ng isang parang k'weba na maluwag lang ng kaunti sa isang tao ang pasukan, kaagad kaming pumasok doon, pababa ito at madilim pero mas pinili na namin doon dahil alam namin na tago iyon at hindi basta-bastang makikita ng kung sino man. Agad may kinapa si Ely sa bulsa ng pantalon na suot niya dahil wala kaming makitang kahit ano sa loob ng k'weba mas madilim ito kaysa sa gubat na kanina ay binabaybay namin, dinukot ni Ely sa bulsa ang isang lighter, mainam na iyon kaysa sa walang ilaw. Naglakad kami ng naglakad papasok sa loob ng k'weba at napagtanto namin na malawak ang loob noon pero habang lumalalim ang naabot namin sa k'weba ay napapansin namin na may kakaiba rito, may mga buto ng iba't-ibang klaseng hayop na nagkalat ang iba durug-durog kaya may mga tila patalim at naalala ko pa ang tumusok sa gulong namin noong papunta kami dito sa lugar, bigla akong kinabahan at kinutuban ng masama, hindi naman nagsasalita si Ely at parang walang napapansin. At nagulat nalang kami ng magkaroon pa ng dalawang daanan sa harapan namin, nailawan iyon ng dalang lighter ni Ely, med'yo malawak sa loob ng k'weba at palalim ito, pababa ang mga daan para siyang minahan, parang underground tunnel.  Natigilan kami at nag-iisip kung saan ang tamang daan na dapat pasukin ng biglang maramdaman namin na may pumasok mula sa butas na pinasukan namin, takut na takot ako at gayon din ang hitsura ni Ely at sobrang kaba at pagmamadali ay bigla akong itinulak ni Ely sa kaliwang bahagi.
"Hide, Ck. Go that way, I'll confuse him!" Mahina pero madiin niyang utos sa akin. Wala akong magawa ng itinulak niya ako papasok sa kaliwang daanan.
"Take this!" Sabi pa ni Ely at iniabot niya sa akin ang lighter at kinuha ko iyon bago tuluyang naglakad papalayo sa kanya at sinabi kong:
"Ely, I'll wait for you here."  Naiiyak sa takot at pag-aalala kong sabi sa kanya.  Tumango lang si Ely at nagtampon ng isang ngiti na madalang niyang gawin, nagmamadali na akong naglakad papasok nang senyasan niya ako na lumakad na. Pilay pa ng konti ang paa ko pero hindi na kasing sakit noong una, nailawan ko ang parang isang sulo sa paglalakad sa madilim na daan na iyon at sinindihan ko iyon gamit ang lighter na binigay sa akin ni Ely, masang-sang at malansa ang amoy ng paligid na parang magkahalong sariwa at nabubulok  na laman at  ng tuluyan ng lumiwanag ay nakita ko ang ibang karne ng hayop na nabubulok at mas marami pang mga buto ng hayop kaysa sa nakita ko kanina sa bukana ng k'weba. Wala akong choice kundi maglakad at magpatuloy doon hindi na maaaring bumalik. (Sana ay makasunod na si Ely sa akin, sana ay makaligtas siya.) Sabi ko sa isip at lumilingun-lingon sa likuran.  Kaya't laking gulat ko ng sa pagharap ko ay tumambad sa akin ang hati-hating mga bahagi ng katawan ng tao, napatakip ako sa aking bibig para hindi makagawa ng kahit anong ingay, sobrang hilakbot ang naramdaman ko, nanginginig ako sa takot at hindi makahakbang lalo na ng makita ko doon ang mga ulo ni Jay, Nathan, Emon at Jerry na nakahalo sa mga putul-putol na bahagi ng katawan nila. Nasusuka ako at nahihilo sa nakita at bigla akong napahawak sa kabilang pader ng k'weba at doon ay nakita ko naman ang mga buto ng mga ilang mga tao. Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pag-sigaw, halu-halong emosyon ang naramdaman ko ng mga oras na iyon takot, awa, lungkot, pagkabahala at ang isipin na dito na rin siguro talaga ako mamamatay sa karumal-dumal na paraan, hindi ko manlang ata makikita ang pag-uwi ng Nanay ko na ngayon ay titigil na sa pag-iibang bansa para magkasama-sama na kaming pamilya. Hindi ko manlang ata mararanasan ang mayakap nya ulit pagkatapos ng ilang mahabang taon.

Iyak ako ng iyak nang biglang marinig ang boses ng isang pamilyar na tao.
"Tingnan mo nga naman kung sinong naligaw sa bahay ng anak ko." Luminga-linga ako sa paligid para hanapin s'ya at laking gulat ko nang binuksan niya ang isang flashlight at tinanglawan ako, nakita ko s'ya sa unahan ko na nakatayo at nakatingin sa akin.
"T-tatay M-Matt.?!" pagkukumpirma ko at tumawa lang s'ya. Ang daming tanong sa isip ko pero ang una kong nasabi sa kanya ay:
"Patay na ang anak mong si Aga! K-kayong dalawa ang may p-pakana nito! Pero b-bakit?!" Umiiyak kong tanong sa kanya at pinipilit itago ang nararamdamang takot.
"(HAHAHA!) Wala kang kaalam-alam Ck? Patay na lahat ng mga kasama mo pero hindi mo pa rin alam!(HAHAHA)Tanga ka!."Tumawa ito nang pagkalakas-lakas at parang iniinsulto ako.
"Si Aga? Anak ko? (HAHAHA) Bagong tourguide s'ya dito! Isang dayo, ilang buwan palang siyang nagtatrabaho dito, binayaran ko s'ya para kayo lang na grupo ang maka-akyat sa bundok kaninang umaga. Sinabi ko na susurpresahin ko ang anak ko at hayaan niya lang ang mga pakulo na gagawin ko, agad naman niyang tinanggap ang alok ko na wala ng maraming tanong, kapalit ang pera dahil kailangan na kailangan niya iyon ngayon para sa pampagamot ng anak niya, hindi ba wala namang hindi kumakapit sa patalim kapag nagigipit na, wala siyang kaalam-alam na mga buhay ninyo ang surpresa ko sa aking anak at lahat nang pinaniniwalaan n'yo kanina tungkol sa akin at sa kanya ay kasinungalingan at ang mas matindi pa doon? Hindi ako o si Aga ang pumatay sa mga kasama mo." Paliwanag nito sa akin na ikinagimbal ko pang lalo. Pinatay ni Tatay Matt ang ilaw ng kanyang flashlight at ilang saglit lang may tinawag siyang pangalan.
"Lora!" sigaw niya nang tatlong ulit at narinig ko na lang na may nilalang na mabilis na kumikilos palapit sa akin galing sa likuran, maingay iyon pero hindi yabag ng isang tao, nakikinita ko na nadadagaanan niya ang mga buto sa lupa at iyon ang maiingay na tumutunog sa aking likuran, nang tumahimik na ay naramdaman ko na lang  na may nakatayo sa aking likuran, dahan-dahan akong lumingon sa kanya at inihaba ang aking kamay para matanglawan siya, laking hilakbot ko ng mailawan ang katawan ng taong may makikintab na kaliskis mula sa balat, igagalaw ko pa sana paitaas ang dala kong sulo nang umirit ang nilalang na iyon at biglang-bigla, pinalis niya ang hawak kong sulo sa aking kamay at dahilan iyon para mahulog sa may kalayuan ang sulo pero nananatili ang apoy at hindi namatay dahilan para magkaroon ng sinag ang k'weba dahil kulung na kulong naman ang lugar ay nakapagbigay ito ng malamlam na ilaw.

Gumapang ang takot sa buong katawan ko, at ang tanging hiniling ko ng mga oras na iyon ay ang kaligtasan ko at kaligtasan ni Ely, nasaan na nga ba s'ya? kanina pa s'yang hindi nakababalik baka patay na din si Ely, baka patay na s'ya. (naluluha na ako sa isiping wala na nga ang lahat, maging si Ely ay wala na pero ayokong malawan ng pag-asa.) Pumunta ang babae kay Tatay Matt na inaari sayang anak at humarap ito sa akin.  Matatalim ang mga mata, mahaba ang pangil at kuko, madilaw ang balat at kumikintab ang mga kaliskis sa katawan, may dila itong kagaya ng dila ng ahas at lumalabas-labas iyon, pinaninindigan ako ng balahibo habang nakikita s'ya na nakatitig sa akin at mas nanghilakbot ako nang makita na wala siyang paa, mahabang buntot na maraming kaliskis ang nakikita ko sa aking harapan, buntot ng ahas mula baiwang pababa ay buntot ng ahas.(Ang anak ni Tatay Matt ay isang taong ahas!)

"I-mposible, p-paanong may g-ganiyang n-nilalang."  napatanong ako sa kawalan habang nakatitig dito na nanginginig at hindi makakilos.

Vacay with a Twist Where stories live. Discover now