Chapter 13: Sacred Secret

0 0 0
                                    

"I-Izzy????"  Sambit ni Ram nang makitang nakahiga sa lupa ang kanina pa nawawalang si Izzy, may tama ito ng bala ng baril sa kaliwang mata na tumagos sa ulo, nakadilat ang isang mata at nakanganga, mababakas sa mukha nito ang malaking takot at pangamba.

"Na-napatay ko s'ya, J-jay.."
Nakatulalang sabi ni Ram sa katawan nito.
"Hindi mo sinasadya 'yon pa—" natigilan sa sinasabi si Jay nang itinutok ni Ram ang baril sa may tapat ng ulo n'ya nanglalaki ang mga mata na parang gulat na gulat at nanginginig ang mga kamay nito.
"R-Ram? W-wag—" mahinang sabi ni Jay na kinakabahan dahil sa baril at kinikilos ni Ram.
"Shhh.. W-wag kang maingay." Mahinang sabi ni Ram dito na hindi ibinababa ang baril.
Nakikita ni Ram sa likuran nito ang imahe ng isang tao, ito yung kumuha kay Nathan kani-kanina lang. Nanglaki ang mga mata ni Jay nang marinig ang mahinang parang sitsit sa may punong tainga n'ya at naramdaman init ng hangin na dumampi dito galing sa humihinga ng nilalang sa may likuran n'ya. Hindi siya makagalaw at naistatwa sa pagkakatayo, nakatingin lang s'ya kay Ram na takut na takot din ang hitsura at parehong  nanginginig at hindi alam kung ano ang dapat na gawin.

Kitang-kita ni Ram ang kalahating mukha nito mula sa nakatutok rin na flashlight doon napaurong si Ram nang makita ang matatalim na tingin nito na nakakapanindig ng balahibo, nakakikilabot ang hitsura ng mukha nito maputla na parang walang dugo at may kung anong kumikintab na mga bagay sa balat niya nang natutukan ito ilaw ng flashlight at malikot ang tingin ng mga mata na para bang nasisilaw sa liwanag, hindi iyon mata ng tao, mata iyon ng kung anong hayop maihahalintulad sa mata ng isang galit na ahas o mata ng galit na pusa. Huli na nang pumiglas si Jay, mahigpit na ang pagkakayakap sa kanya ng nilalang at tanging pagsigaw na lang ng pangalang ni Ram ang nagawa nito nang isama s'ya ng nilalang sa madilim at masukal na bahagi ng gubat, nakakikilabot na pag-sigaw nang takot na takot na boses ni Jay kasabay ang nanunuot sa tainga at nakabibinging pag-irit ng nilalang na iniisa-isa silang kinukuha. Nakapagpaputok pa si Ram ng baril at alam n'ya na natamaan sa may balikat ang nilalang na 'yon, tatakbo na sana s'ya palayo sa lugar na iyon ng biglang gumalaw ulit ang mga dahon at sanga sa paligid sinundan n'ya ng tingin iyon gamit ang flashlight para makita n'ya pero napakabilis nito at nang tumahimik ang paligid ay nakita n'ya ang isang babae na dinampot ang walang buhay na si Izzy, itinaas ng babaeng iyon ang katawan ng walang buhay na si Izzy at kinagat ang leeg nito.

Ilang saglit pa ay nakatitig na kay Ram ang babaeng iyon habang kinakagat ang leeg ng kasama, matalim ang mga mata nito, maputla ang balat at may makikintab sa balat na parang mga kaliskis. Hindi makapagsalita si Ram at hindi makatakbo, parang nawawala sa sarili na nakatingin lang sa ginagawa ng babae, sinisipsip ng babaeng iyon ang dugo ni Izzy at binitawan lang iyon ng babae ng tuluyan ng dumikit sa buto ang balat ng dalaga. Bahagya namang nagkakulay ang balat ng babaeng kanina lang ay maputla, maputla pa rin naman iyon pero hindi na kagaya ng una niyang nakita na parang wala siyang dugo, ang sugat mula sa tama ng baril ay unti-unti na ring naghilom.

Mula sa kinatatayuan ni Ram ay nakita n'ya ang isang magandang babae na may maamong mukha, ang matatalim na mga mata na parang galit kung tumitig ngayon ay naging kaakit-akit, ang balat nito kaninang may parang mga kaliskis ay naging makinis, ang mga pangil na tumusok sa leeg ni Izzy ngayon ay nawala na sa kanyang paningin tanging magagandang labi at ngiti nalang ang kanyang nakikita at hindi ang nakapanghihilakbot na ngiting nagpanginig sa buong katawan nila kanina. Napasa-ilalim ng hipnotismo si Ram nang tumitig ito sa mata ng nilalang na iyon, isang kaakit-akit na dalaga ang nakikita niya ngayon isang normal na tao, inilahad ng magandang babae ang kanyang kamay kay Ram na parang inaakit ito, at agad naman na sumama si Ram sa dalaga sa gitna ng masukal at madilim na gubat nabitawan na rin niya ang hawak na flashlight at baril at tuluyan na siyang natangay ng babae. Kalahating katawan lang nila ang makikita nang pumasok sila sa masukal na parte ng gubat at tumigil sa isang malalim na parang may hukay sa lupa, mula sa ibabaw ay umirit nang malakas ang babaeng kanina'y maamo ang mukha, bumalik sa ulirat si Ram at gulat na gulat dahil nakita niya na hawak siya sa kamay ng nilalang na iyon , muling tumalim ang tingin ng mga mata nito at nakita ulit ni Ram ang matitilos na pangil sa bibig nito. Nagulat pa s'ya sa paligid nang makitang wala na si Izzy na kanina lang ay tinitingnan niya, ngumiti ang nilalang na kasama ni Ram na talagang nagbigay sa kanya ng matinding takot at panghihilakbot, umiiyak siyang nakiki-usap dito, nagmakaawa sa kabila ng takot:
"H-huwag gusto ko pang m-mabuhay at patunayan ang sarili ko sa aking p-pamilya, g-gusto kong malaman nila na h-hindi ako walang k-kwentang a-anak... P-paki-usap, h-huwag mo akong p-patayin." Takut na takot na sabi ni Ram habang nanginginig ang boses at binabalot ng matinding takot at pag-aalala pero wala s'yang sagot na nakuha mula sa nilalang na kaharap, ilang saglit pa ay ibinuka nito ang bibig dahilan para makita niya ang mga pangil at dinilaan din siya nito sa pisngi, laking panghihilakbot niya ng mapansing hindi iyon kapareho ng dila ng normal na tao, kawangis iyon ng dila ng isang ahas, matapos iyon ay agad siya nitong kinagat leeg na naging dahilan ng mabilisan niyang pagkaparalisa, mula sa kung saan ay hinagilap ng nilalang ang isang matalim na itak na ginamit niya upang putulin sa isang iglap ang ulo ni Ram, isinunod niya ang mga kamay, braso, binti, hita at mga paa, saka tinadtad ang katawan hanggang sa kumalat ang lamang loob nito, matapos ang karumaldumal na pagpatay kay Ram ay ngumiti ang nilalang na iyon at saka itinapon ang hiwa-hiwalay na parte ng katawan ni Ram sa hukay na punong-puno ng iba't-ibang klase ng mga ahas, doon ay pinag-agawan ang sariwa niyang laman na binabalot pa ng sariwang dugo.

Pinanuod munang maubos ng nilalang na iyon ang  si Ram na pinag-pyestahan ng mga ahas, at mula sa madilim at likurang parte ng kasukalan ng gubat ay maririnig ang isang boses ng lalaking nagsabing:
"Apat nalang ang natitira, pagkatapos nila ay makapagtatago kana ulit."
Biglang lumingon ang nilalang at tumingin dito gamit ang nanglilisik at parang galit na galit niyang mga mata, kumintab din ang balat nito na parang may mga kalikis at isang matinis na irit ang binitawan bago muling pumasok ng napakabilis sa napakadilim na gubat, hindi ito naglalakad kundi gumagapang, ang kalahating katawan mula sa baiwang pababa na dapat ay pinaglalagyan ng mga hita, binti at mga paa ay kalahating hayop, kaya tila nakalutang lang sa hangin ang parte ng katawan niya pataas mula baiwang hanggang ulo, kaya maliksi itong kumilos at bigla-bilang nawawala, kaya pala malawak ang ingay na naabot ng pagkilos nito, ay dahil ito ay kalahating tao at kalahating ahas.

——————————————————————————

"Malaki na talaga ang anak ko, napakalaki na n'ya at kamukang-kamuka siya ng kanyang Ina kung nabubuhay pa ito, siguro kasing ganda niya rin ang kanyang kambal kung naandito siya ngayon.— Huwag kang mag-alala anak iingatan ka namin at ibibigay ang pangangailangan mo, malapit ng maging mahusay na Doctor ang kapatid mo kaya mas maaalagaan kana namin." Wika ng lalaking nakatago sa dilim habang parang nagsasalita sa hangin.

Vacay with a Twist Where stories live. Discover now