Chapter 18: Traitor

0 0 0
                                    

————————————————————

(Three Days later)

"Hindi nga p'wedeng mangyari 'yang sinasabi mo, Ms. Cassandra, ilang ulit ka ng binibigyan ng pagkakataon para isalaysay ang totoong nangyari pero ipinagpipilitan mo pa rin iyang taong-ahas na iyan! Mas mababa pa sana ang sintensya mo kung aaminin mo ang lahat!" Hinampas ng investigator ang mga papel sa mesa matapos ik'wento ni Ck na taong-ahas ang pumatay sa lahat ng kasama niya sa bundok.

"Tingnan mo ha napaka-imposible ng kwento mo at lahat ng evidence ikaw ang tinuturong salarin. Alas-kwatro ng umaga iyon, may nag-report na may sunog sa bundok at nakumpirma na may mga tao pa doon. April 10 iyon nakita ka sa paanan ng bundok na walang malay tao, pangalawang gabi ng bakasyon ninyo, dala mo ang lahat ng importanteng gamit ng mga kasama mo sa camping like Gadgtes, mga ID numbers, may baril ka rin sa bag at nakita sa camp site ang itak na may finger print mo. Base sa  naunang investigation sinunog ang lahat ng tent habang natutulog sa loob ang mga kasama mo pagkatapos ninyong mag-inom ng alak gamit ang apoy mula sa bonfire. Nakilala ng bawat pamilya ang bangkay base sa mga alahas na suot ng mga nasunog na katawan, natupok lahat ng katawan dahil matagal bago naapula ang apoy dahil hindi maka-akyat ang ibang bumbero,  halos buong gabing nasilaban ang mga kasama mo, hindi rin makapaniwala ang mga pulis noong una pero nang nag-imbestiga na ay positibo at malakas ang ebidensya na ikaw ang killer!" Saad pa ng Imbestigador kay Ck sa loob ng interrogation room.

"Taong-ahas nga ang pumatay sa mga kasama ko! Bakit ba hindi n'yo maintindihan!" Sigaw na sabi ni Ck sa kausap na Imbestigador habang umiiyak. Umiling-iling ang Imbestigador at lumabas na. Isa pang pulis ang pumasok sa loob ng silid.
"Umamin ka nalang sa ginawa mong pagpatay sa kanila, baka sakaling bumaba pa ang sintensya sa iyo. Nakuha na rin namin ang panig ng isa sa mga nabuhay na biktima mo at tatayo siyang testigo para sa lahat ng napaslang mo Ms.Cassandra! Kung makikipag-matigasan ka pa rin ay siguradong mabubulok ka sa kulungan habang buhay." Sabi ng bagong pasok na pulis at iniwan din niya si Ck nang paulit-ulit nitong sabihin na ang taong-ahas ang pumatay sa mga kasama n'ya. Paulit-ulit niya lang kinukwento ang buong pangyayari simula noong unang beses silang nagkita-kita sa sasakyan ni Mang Matt hanggang sa unang gabi nila sa bundok bago sila isa-isahin ng taong-ahas.

Ilang minuto siyang iniwan sa Interrogation room na nakatulala habang umiiyak, nang bigla niyang maalala ang sinabi ng pulis na may isa pang nabuhay sa mga kasama niya. Iniisip n'yang mabuti kung sino iyon pero wala talaga siyang maalala na maaaring mabuhay dahil sinigurado ni Mang Matt at ng taong-ahas nitong anak na patay silang lahat sa loob ng isang gabi.

Maya-maya pa ay kinaon na si Ck ng isang pulis para ibalik sa selda, nakaposas ang kamay niya at nakatungo siyang naglalakad nang bigla siyang mapahinto.
"Salamat po sa impormasyon Dr. Eliezar"  Pagpapaalam ng isang pulis ng lumabas sila sa katabing kwarto na pinagdalhan kay Ck para sa interogasyon.
"It's nothing; I really want to help the victims, and I am willing to extend my stay in the Philippines until this case is closed." Sagot ng lalaking tinawag niyang Dr. Eliezar, biglang tumulo ang luha ni Ck at agad na nilingon ang pamilyar na boses na kanyang narinig.
"E-Ely....." umiiyak na tawag ni Ck dito, sigurado siya na si Ely ang lalaking iyon kahit nakatalikod pa ito.
"Elyyyy!"  Muli n'ya itong tinawag mas malakas kaysa sa kanina at kaagad siyang nilingon ng lalaki at kumprimadong si Ely nga iyon, pero sa hindi malamang dahilan ni Ck ay basta nga lang siya tiningnan ng lalaki at para bang magkahalong galit at takot ang itinapon nitong tingin sa kanya.

Lalong lumakas ang kanyang pag-iyak ng sapilitan siyang ipasok ng pulis sa selda habang sinasabi ni Ck na gusto n'yang maka-usap si Ely kahit saglit, nagmamaka-awa si Ck habang umiiyak at nagpupumilit na makausap si Ely. Hanggang mapagod siya at maka-alis si Ely sa presinto, natahimik panandalian si Ck at nakapag-isip kahit paano.

(Paanong nabuhay si Ely, ang alam ko ay inatake siya ng taong-ahas. Kung nabuhay si Ely ay siya ang sinasabi ng pulis na testigong magdidiin sakin sa salang pagpatay sa mga kasama ko sa bakasyong iyon. Paano nagawa sa akin ni Ely ito? Bakit n'ya ginawa sakin ito? Kasabwat siya ni Mang Matt at ng taong ahas? Sino ba s'ya? Bakit??? Akala ko ay pareho kami ng nararamdaman sa isa't-isa? Napaka-sama mo Ely.) Mga salitang gumugulo at paulit-ulit na tanong ni Ck sa isip niya. Tulala siya palagi at bigla nalang lumuluha ang mga mata dahil sa bigat ng mga iniisip niya, walang naniniwala maski isa sa mg k'wento n'ya af ang sinasabi ng mga ito ay gawa-gawa lang niya ang lahat ng iyon, na isa iyong malaking kasinungalingan. Naka-usap na niya ang Ina pero dahil hindi pa ito nakaka-uwi galing ibang bansa ay wala pang nakapupunta sa kanya, lola lamang ang kasama niya sa bahay at matanda na ito hindi na kayang bumyahe ng mahabang oras, wala na rin naman siyang ama simula pagkabata ay ang lola at nanay lang niya ang kinilala niyang pamilya. Awang-awa siya sa sarili bukod pa sa isipin  na walang naniniwala sa kwento niya tungkol sa pagkamatay ng mga kasama n'ya at ang malaking pagbabago kay Ely.

Palagi siyang nahuhulog sa malalim na pag-iisip tungkol sa mga bangungot nangyari ng gabing iyon hanggang maalala niyang sinabi ni Mang Matt na may panganay siyang anak na nasa abroad at isa ng ganap na Doctor. Napagtagni-tagni na niya ang bawat pangyayari,  kaya pala sinabi ni Ely na 'wag nitong sasabihin ang nakita niya sa gubat noong nasiraan sila ng sasakyan sa daan, kaya pala hindi sila ang unang nabiktima ng taong ahas dahil kay Ely, kaya pala sinabi ni Ely na magpa-iwan sila sa camp site, kaya pala agad niyang pinatay si Aga dahil mas'yado na itong maingay at naki-alam na sa mga plano nila ni Mang Matt, kaya pala alam niya ang k'weba, kaya pala alam niya na may daan sa loob ng k'weba na iyon at kaya pala hindi namatay si Ely doon noong naghiwalay sila at kaya siya pinakinggan ng taong-ahas na huwag siya nitong gagalawin, kaya pala siya binuhay ni Ely ay para may maituturo silang salarin at mananatilng lihim ang tungkol aa kapatid niyang si Lora. Planado na ni Ely ang lahat at ginamit lang siya nito para maidiin sa kasong multiple murder.

Labis ang pag-iyak ni Ck sa natuklasan sumisigaw siya sa sobrang galit at nagwawala sa loob ang selda, pinagsusuntok niya ang pader na parang nawawala sa sarili, sinasabunutan niya ang sarili at paulit-ulit na sinasabing (Ang tanga tanga mo ck! napaka-bobo mo! Isa kang malaking utu-uto, wala kang utak! inuna mong intindihan ang puso mo at hindi ka nag-ingat, ipinagsawalang-bahala mo ang mga detalye na napansin mong kakaiba kay Ely dahil pinakinggan mo ang puso mo at hindi ang kutob na sinasabi ng utak mo. Isa kang malaking tanga Ck!) Halos mabaliw na si Ck sa kakaisip pero wala siyang magawa dahil wala na siyang takas sa mga pangyayari naging biktima siya ng isang taong halang ang kaluluwa.

Vacay with a Twist Where stories live. Discover now