Chapter 8: Bonfire

0 0 0
                                    

Kumakalat na ang dilim sa paligid. Alas-syete na iyon ng gabi. May mga huni na rin ng panggabing mga insekto at tanging simoy ng hangin ang maririnig at ang kaluskos ng mga dahon mula sa mga punong isinasayaw ng hangin.
Nakapag-paapoy na ng bonfire sila Aga at naghahanda na ng mga niluto ang iba para makakain na.
"Kumusta ang paa mo." Tanong ni Ely sa akin nang makalapit ito at umupo sa may kalapit ko.
"Medyo maayos na." Maiksi kong tugon sa kanya.
"Salamat kanina." dugtong ko pa dito habang nakatingin s'ya sa taas.
"Ang ganda ng langit mula rito." Malayong tugon n'ya sa sinabi ko at tumango nalang ako.
"What happened in the forest when you're with that girl?" Biglang tanong niya. Napa-isip ako sa tanong niya at napatingin, tumungo naman siya at inilipat ang tingin sa akin mula sa langit.
Sasagutin ko na sana siya ng tawagin kami ni Ram.
"Kayong dalawa d'yan? Kakain na!" (Ram)
"Come on guys, later na iyan." Dugtong pa ni Izzy.
Tumingin rin sina Eerie at sila Josh sa amin na ang ibig sabihin ay nag-aakit na rin sa pagkain.
Tumayo naman si Ely at inaya na rin ako, inalalayan n'ya ako sa paghakbang palapit sa pwesto ng bonfire kung saan kalapit lang din ang p'westo ng mga pagkain.

Nagsalu-salo ang kaming lahat ng masaya at nang matapos kumain ay napagpasyahan muna namin na tumambay sa harapan ng bonfire. Lahat kami ay nakaupo sa palibot noon. Pinakisuyo ko kay Ely yung mga dala kong marshmallow at inilagay namin doon para maiihaw habang nagkukwentuhan.

Napatingin ako sa may parte kung saan nagpunta si Aga, akala ko ay umiihi lamang ito sa madilim na parteng iyon ng gubat pero napansin kong parang may kinakausap s'ya doon. Hindi ko iyon naririnig dahil med'yo malayo sa amin at hindi naman ako makalapit. Hanggang sa nakita kong papalapit si Jay dito at tinapik si Aga sa balikat. Parang med'yo nagulat pa ng kaunti si Aga noon pero agad din naman silang bumalik sa p'westo.

"P'wede bang uminom ng alak,Aga?" Biglang tanong ni Ram para kunin din ang atensyon ng iba.
"Sounds fun!" (Izzy kalapit si Jerry)
"May dala ka rin?" Tanong ni Jay
"I brought some too." Saad ni Nathan.
"Magkakautak tayo ah. Hahaha" Sabi naman ni Emon.
"Nako e, baka po mapagalitan ako 'pag pinayagan ko kayo." Nagdadalawang-isip na sagot ni Aga sa kanila.
"Wala naman ibang naandito bukod sa atin Aga, kahit anong gawin natin magdamag ay walang ibang makakakita." Malumanay na sabi ni Aimee. Med'yo sounds weird talaga s'ya kapag nagsalita hehe tahimik lang s'ya pero parang may laman ang mga sinasabi kapag nagsalita na.
"Hindi naman siguro ito ang magiging huling gabi natin dito sa bundok kagaya ng mg biruan kanina sa ilog." Dugtong pa ni Aimee.
"Oo nga naman, Aga haha biruan lang naman iyong kanina depende nalang kung papatayin tayo ni Ram."  Wika ni Emon sabay tingin kay Ram at tumawa ang lahat.
"Hindi ka naman namin ipapahamak Aga at wala namang mapapahamak, tutulog na rin after." Dugtong ni Maye na parang bumalik na rin sa dati at nakalimutan na yung nangyari kanina.
"Hindi nga yata p'wede, huwag n'yo nang kulitin si Aga, baka mawalan pa ng trabaho iyan at sa totoo lang naman ay nakakatakot ang biruan kanina sa ilog." Sagot naman ni Eerie.
"Why so KJ, Eerie naduduwag ka ba? Cool ka pa knin girl." Naka-irap na tanong ni Izzy.
"Hindi naman sa ganoon, ang sinasabi ko lang ay bawal yatang uminom dito at hindi maganda ang epekto ng alak, hindi rin pa rin natin mas'yadong saulo ang lugar." Paliwanag ni Eerie.
"Huwag na! Walang mag-iinom, itago n'yo iyang mga alak ninyo." Med'yo mataas ang tono ni Josh, madalang din s'yang magsalita at patingin-tingin lang.
"Pinapasualan mo ba ako, Josh?!" Parang napipikon na tanong ni Eerie dito.
"Hindi gano'n, kinakampihan ka na nga parang galit ka pa." Sagot nito kay Eerie.
"Stop it, Guys!" Awat ni Izzy at saglit na tumahimik ang lahat.
"Saka muka bang mpanganib dito e, Banal nga yung bundok mga gago!" Saad ni Ram na natatawa at sinegundahan naman ni Emon at Jay.
"Ano kuys, ok lang yan." Singit ni Jerry sa usapan at lumapit dito at parang may inilagay sa palad Aga saka tumango.
"Wala 'yan dagdag lang sa pagiging mabuting tour guide." Dugtong pa ni Jerry bago bumalik sa kalapit ni Izzy. Napangiti naman si Izzy sa ginawa nito dahil parang alam na n'ya kung ano ang inilagay nito palad ni Aga na kasa-kasama niya kanina pa. Tahimik naman ang kami pero gayon din ang iniisip namin, na pera ang ibinigay n'ya dito.

Tuwang-tuwa ang lahat maliban kay Eerie at Josh na parang nagka-initan ng kaunti kanina. Agad na tumayo ang mga nagsabi kanina na may dala silang alak si Jay, Ram, Nathan at Emon kinuha nila ang mga bag na may lamang beer. Hindi pa sila nakababalik ng biglang may sumigaw sa apat na lalaki, gulat na gulat kami dahil napakalakas noon, lumingon agad ang lahat at tumayo samantalang ako ay hindi nakakilos sa aking kinauupuan.
"Tang-ina hoy!" Sigaw rin ni Jerry sa gulat.
"Guys what happened!?" (Izzy)
"Mga baliw. haha" (Aimee)
"Iyan na nga ba ang sinasabi ko, delikado ang gubat lalo kung gabi." Saad ni Eerie.

Humawak sa braso ko si Ely nang walang tumutugon sa apat na lalaki, nakikiramdam lang kami dahil hindi namin sila mas'yadong maaninag. Biglang tumahimik ang buong paligid at nakaramdam ako ng takot gayon din si Eerie at parang napansin iyon ni Josh at nilapitan n'ya si Eerie sa may bandang likuran nito. Si Aimee naman ay nakita kong parang excited pa sa susunod na mangyayari, si Izzy naman ay nakahawak sa likurang damit ni Jerry.

"Ram!" Sigaw ni Aga ng makalipas pa ang ilang sandali. Nang hindi pa rin sila sumagot ay hinanap na ni Aga ang flashlight n'ya na iniligay n'ya sa may punong pinaglagyan niya ng duyan kanina bago magpa-apoy ng bonfire.

"Tang-ina, sinasabi na eh! Napaka-aga pa." Parang galit na bulong ni Aga nang inilawan ang pinuntahan ng apat naming kasamahan. Nagtaka ako sa ibig niyang sabihin. Ano ang gusto n'yang iparating?
Lumakas ang ihip ng hangin at dahil nga nakikiramdam kami sa paligid ay marami kaming kakaibang naririnig, mga kaluskos at huni ng kung anu-ano hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahawak ako sa kamay ni Ely, baka bigla silang magtakbuhan ayokong maiwan na nakaupo lang doon.

Habang naglalakad si Aga nang dahan-dahan papunta sa tent na pinuntahan noong apat ay laking gulat namin nang sa bandang likuran namin ay biglang gumulong sa lupa ang nakahigang katawan ni Emon, nakatalikod ito sa amin kaya hindi kita ang mukha. Umurong ang lahat palayo sa katawan niya at dali-daling tinawag ni Eerie si Aga.
"Aga! May katawang nakahiga dito." Takot na takot na napasigaw si Eeri at hindi na namalayang isinubsob niya ang mukha sa dibdib ni Josh ng bahagya itong bumaba para takpan siya.
"Wait Clumsy, I'll check it." Paalam ni Ely sa akin at pinuntahan ang nakahigang katawan ni Emon dali-dali na ring tumakbo pabalik si Aga.

Sinipa-sipa ni Ely ang binti ni Emon, pero walang tugon kaya't hinawakan na ni Aga ang balikat nito at iniharap sa kanila at sa bonfire.

"It's a Prank!" biglang sigaw ni Emon ng maiharap na s'ya ni Aga parang napikon si Josh sa tagpong iyon.
"Gago, talaga to e." Sabi ni Josh, inalis niya ang mukha ni Eerie sa pagkakasubsob sa kanya at kinuwelyuhan si Emon.
Nakita naman namin na naglabasan na rin sila Ram, Jay, at Nathan sa pinagtataguan nila kung saan lumabas kanina si Emon.
"Mga tanga ba kayo?!"  Baling ni Josh sa tatlo pa habang nakahawak pa rin sa Emon.
"Relax , Par! Prank nga di'ba?! Bobo ka ba?" Sabi ni Ram at natatawa.
"Saka si Emon may idea n'yan hindi kaming lahat, ok?" dugtong pa nito na parang nang-aasar.
"Pasensya na, med'yo gago 'to sila e." Sabi naman ni Nathan at tumingin kay Eerie.
"Tama na Kuys, pagpasensyahan mo na 'yan sila." Awat ni Jerry dito.
"Nice prank, mas ok sana kung nagbaon ka ng fake blood or p'wede rin naman yung real blood." Saad ni Aimee at ngumiti.
"Iwasan n'yo ang mga ganyang biro." Sabi ni Aga.
"At sinabi ko kanina na bawal mag-ingay nang sobra kapag gabi na." dugtong nito.

Nagbabalikan na sa dating pwesto ang lahat at bumaba na rin ang tensyon, nang magtanong si Jay.
"Bakit nga ba bawal mag-ingay sa gabi?" tanong niya kay Aga habang binubuksan ang bote ng mga beer.
"Kala ko ba you're smart? Dapat alam mo na maraming unpredictable animals na p'wede umatake. My God, Jay!" (Si Maye ang sumagot)
Pero parang hindi ito narinig ni Jay at tumingin s'ya kay Aga na parang may gustong kumpirmahin.
"Ha? ah , eh— tama naman ang sinabi ni Maye." Na-uutal na sagot niya kay Aga.
"Is that it?" Maikling tanong ni Jay at kumunot ang mga kilay.
"Mayroon pa bang iba Jay?" Tanong ni Aimee na parang may kahulugan.
"Tigilan n'yo na iyang ganyang usapan." Pag-aawat ni Eerie.
"Duwag!" mahinang sabi ni Ram na narinig din naman naming lahat.
"Kanina pa 'to eh." Inis na wika ni Josh na ang tinutukoy ay si Ram, at hinawakan s'ya ni Eerie para siguro awatin.
"Par, may punto naman kasi." Ani Nathan at uminom na ng beer.
"Tigilan n'yo yung mga ganyang usapan, baka magka-pikunan na. Tayu-tayo lang dito baka magpatayan pa tayo." Saad naman ni Aimee. Para akong pinaninindigan ng balahibo kapag s'ya ang magsasalita, parang laging may pahiwatig sa sinasabi n'ya. Napangiti naman si Jay at Ram sa sinabi nito.

"Let's just enjoy the night!" Masayang wika ni Izzy at kumuha na rin ng beer. Saglit na nagbago ang mood  ng lahat, naandito nga naman kami para mag-enjoy at makalimot sa kung anuman ang dahilan ng pagpunta namin dito.

Vacay with a Twist Where stories live. Discover now