Chapter 17: Saddest Goodbye

0 0 0
                                    

——————————————————————
(Mang Matt's POV)

Dalawamput-limang taon na ang nakararaan normal kaming namumuhay sa kabayanan kasama rin ng mga taong bayan, nagbuntis ang asawa kong si Maya sa pangalawang anak namin, tuwang-tuwa kami, pero ang ipinagtataka namin ay kung bakit palaging may mga ahas na bumibisita sa kanya sa bahay halos araw-araw ay may mga ahas kaming nakikita sa loob at minsan ay tumatabi pa sa kanyang higaan, hindi sila nanakit hanggang sa nasanay ang asawa ko at naging malapit siya sa mga ahas, nahahawakan niya ang mga ito na parang mga alaga at kinaka-usap niya na parang mga tao, lumipas ang ilang buwan at hindi iyon nagbago sumapit ang araw na nanganak ang asawa ko isang sanggol babae, maganda ito at maputi subalit kawangis ng ahas ang  mata niya at tila may mga kaliskis ang balat pero normal siyang sanggol pinangalanan namin siyang Lisa, ilang saglit pa ay may isa pang sanggol na lumabas sa sinapupunan ng asawa ko, nagulat kaming lahat maging ang kumadrona ay natakot sa isa pang sanggol na lumabas, kalahating ahas siya at kalahating tao siya si Lora, magkamukha silang mag-kakambal tanging katawan lamang nila ang mayroong pagkakaiba. Sa takot ng kumadrona ay dali-dali itong lumabas at hindi na bumalik, anak namin si Lora at kami ang magulang niya, buong puso namin siyang tinanggap at inalagaan pero makalipas ang ilang araw ay mabilis na kumalat ang balita na tungkol sa mga anak namin, iyon ang naging dahilan ng paglipat namin sa paanan ng bundok na ito. Lumayo kami sa mga tao, subalit naging tampulan pa rin ng tukso si Lisa sa t'wing nakikita siya ng mga tao, sinasaktan siya ng mga tao at kinukutya walang naging kaibigan si Lisa, samantalang si Lora ay itinago namin sa lahat pero sinusubaybayan niya ang kanyang kapatid at siya ang naging saksi sa mga pahirap, pananakit at pang-aalispusta ng mga tao kay Lisa. Isang hapon ay hindi napigilan ni Lora na iligtas ang kapatid mula sa pananakit ng mga tao, lumabas siya at ipinakita ang sarili sa lahat ng naandon at ng gabing iyon matapos makita si Lora ng mga tao ay pinuntahan kami ng mga taong bayan, sinunog nila ang aming tahanan walang awa nila kaming sinunog at pinatay, pero nailigtas ko si Lora at ang panganay naming anak ni Maya, sinubukan kong balikan si Maya at si Lisa pero mabilis natupok ang kubo na aming tinitirhan. Nasunog sila ng buhay sa loob, rinig na rinig naming mag-aama ang paghiyaw at pag iyak ng mag-ina ko na naiwan sa nasusunog naming bahay. Wala silang awa, wala kaming ginawang masama sa kanila gusto lang namin na mabuhay ng tahimik at normal, pero hindi nila kami pinabayaan na makamtam 'yon. Simula nang insendenteng iyon ay nagtanim na ng galit ang mga anak ko sa mga tao, lalung-lalo na si Lora nagbago ang kanyang ugali kung dati ay kinagigiliwan niya ang mga normal na taong nakikita niya ngayon ay poot ang nararamdaman niya para sa mga ito. Nagtago kami sa gubat sa loob ng k'webang ito, ginawa namin itong tahanan binuo namin ang bawat sulok nito pero habang lumilipas ang mga taon naawa ako sa panganay kong anak, kaya hinayaan ko siyang gawin ang kanyang gusto hanggang sa namasukan siya sa bayan at inampon ng isang Pilipinong naninirahan sa ibang bansa at doon na siya nanirahan mula noon pero kahit kailan ay hindi niya kami kinalimutan, nagsikap siya at nag-aral ng medisina hanggang sa nakamit niya ang lahat ng iyon. Nabuhay si Lora ng mahabang panahon sa pagtatago sa bundok na ito, inakala ng mga tao na napatay na nila ang buong pamilya namin kaya paglipas ng ilang taon ay kinalimutan na nila kami pero sila ay hindi namin kailanman nalimutan. Naghanap ako ng trabaho hanggang sa makaipon at ang ipinadadalang pera ng anak ko galing sa ibang bansa, at makalipas pa ang ilang taon ay sumikat na ang bundok na ito at ginawang pasyalan at bakasyunan doon ako nagpas'yang magparenta ng sasakyan sa mga nais magbakasyon para maiiwas na din na matuklasan ng mga tao ang lihim namin ng anak ko, noong una ay hindi pa nila kami nagagambala pero lumawak ng lumawak ang naabot ng mga tao hanggang sa isang grupo ang lumabag sa patakaran ng bundok, sinuyod nila ang daan na hindi na dapat puntahan ng mga turista,  nakita nila si Lora at ang lahat ng mga nakakita sa kanya ay pinatay niya dahil sumiklab ang poot sa kanyang dibdib ng makita ang mukha ng mga taong tinitingnan siya ng may takot at pandidiri, tinitingnan siya ng mapanghusgang mga mata, naaalala niya ang lahat ng dinulot ng mga tao sa pamilya namin. Iyon ang unang beses niyang makatikim ng tao, dahil hayop lang naman talaga ang kinakain niya, walang kakuntentuhan ang lahat, kayo ang lumalapit sa anak ko, sa tahanan niya. Hinahanap-hanap na ni Lora ang lasa ng dugo  at laman ng kagaya n'yo at mula sa mahabang pagtulog at pagpapahinga ay pinaghandaan namin ang araw na ito para makakain siya ulit upang makatulog muli ng mahimbing at kung anong s'werte ng anak ko dahil sa grupo ninyo ay siya namang malas ninyo ang inakala ninyong masayang bakasyon ay nauwi lamang sa trahedya." Mahabang k'wento ni Mang Matt sa akin,  hindi ako nakaramdam ng awa para sa anak niyang si Lora mas nakaramdam ako ng galit dahil hindi kami ang mga taong tinutukoy niya sa k'wento ng buhay nila tapos na iyon at hindi na maibabalik pa pero kahit kailan ang mali ay hindi maitatama ng isang pang mali, mali ang ginagawa nila at dapat nilang malaman iyon. Nagpapalaki siya at nag-aalaga ng isang halimaw na wala ng awa kung pumatay.

————————————————————————

Saglit kaming binalot ng katahimikan at biglang pumasok sa isip ko na baka takot sa liwanag ang taong-ahas na ito, dahil pinatay ni Mang Matt ang flashlight niya bago ito tawagin at kanina ng lumapit ito sa akin ay tinabig niya nang malakas ang hawak kong sulo nang mapapatapat na ito sa mukha niya. Napatingin ako sa sulo na medyo malayo rin ang agwat sa akin  at nag-isip ng p'wedeng sabihin para malibang ko sila.

"Hindi mo maitatago ang lahat ng ito Mang Matt, mahuhuli at mahuhuli kayo dahil buhay ng mga tao ang kinukuha ninyo, may mga pamilyang naghihintay sa aming pag-uwi at may mga maghahanap sa amin kung kami ay mawawala at sigurado ako na madidiskubre nila ang lahat ng lihim ninyo sa bundok na ito, walang lihim na hindi mabubunyag at walang utang na hindi mababayaran, matakot kayo sa mga ginagawa ninyong pagpaslang sa mga taong walang muwang, wala kaming kasalanan." Sabi ko sa kanila habang dahan-dahang inihahakbang ang mga paa ko paurong upang makarating sa kalapit ng sulo, at napaka-buti pa rin ng tadhana sa akin nakita ko rin doon ang isang itak na may mga bahid pa ng dugo, ito siguro ang ginamit nila para tadtarin ang mga kasama kong magbabakasyon lang sana na ngayon ay magkakahiwalay na ang bawat parte ng katawan.

Biglang tumawa si Mang Matt ng malakas nang mapansin niya ang kinikilos ko hindi na s'ya sumagot sa sinabi ko at inuna niyang punahin ang plano ko.
"Hindi mo kami kayang patayin sa sulo na kukunin mo Ck (HAHAHA) Lumalabo lang ang tingin Lora kapag may liwanag pero hindi siya kayang patayin nito." Saad niya sa akin at iyon ang ginamit kong pagkakataon para unahing damputin ang sulo at patagong damputin ang itak na nagawa kong itago sa may likurang bahagi ng hita ko bago tumayo, walang pag-aatubili ay agad akong tumakbo na ang nasa isip lamang ay bahala na, sana ay magtagumpay. Inilagay ko sa unahang parte ang sulo na kapit ng kaliwa kong kamay kung saan din nakapwesto ang taong-ahas at sa kanan naman ay ang itak na nakatago sa tagiliran ng hita ko habang tumatakbo. Si Mang Matt ang uunahin kong paslangin dahil malaki ang pag-asa na magagawa  ko iyon, buong lakas akong humakbang at hindi na ininda pa ang pilay ko sa paa, dahil walang mangyayari sa akin kung uunahin takot at hindi lalaban, lalong mawawala ang pag-asa kong makauwi ng buhay sa amin kung hindi ako lalaban.

Sa isang iglap ng iminulat ko ang mga mata ay natamaan ko si Mang Matt sa kanyang dibdib at parang nagkaroon ng sariling utak ang kamay ko dahil ng makita kong mababaw pa ang pagkakabaon ng itak ay pinilit ko pa iyong itulak para bumaon pa ng maigi. Nakita kong napangiti si Mang Matt na may lungkot sa mga mata at ibinulong niya na: "Ama lang ako, nagpoprotekta at nagmamahal sa aking mga anak." Pagkasambit noon ay nabitawan ko ang itak na kapit ko na nakatarak sa kanyang dibdib at kasabay noon ay ang dahan-dahan niyang pagbagsak sa lupa. Napatingin ako za kaliwa ng biglang umirit ng malakas ang taong-ahas, nanunuot sa tainga iyon, nakabibingi at nakakapanindig balahibo. Binalot ako ng matinding takot ng bigla nalang niyang patamaan ng buntot niya ang aking kamay dahilan para  tumalsik muli sa malayo ang sulo na kapit ko at sa pagkakataong iyon ay tulayan na itong namatay. (Katapusan ko na.) Biglang pumasok sa isip ko na ito na nga ang huli. Inikutan ako ng taong-ahas ramdam ko ang siya sa palibot ko at alam ko ang galit na nararamdaman niya ngayon dahil sa muling pagkakataon ay nasaksihan niya ang pagkamatay ng itinuturing niyang pamilya, nakita niya ng sariling mga mata ang pagpatay ko sa kanyang Ama.

"Nooooo! Stooop!" Isang sigaw ang narinig ko mula sa madilim na parte ng unahan k'weba. Hindi ako maaaring magkamali buhay pa si Ely, buhay pa s'ya. Tumulo nalang bigla ang luha ko sa aking mga pisngi.
"E-ly......" at habang umiiyak ay nasambit ko pa ang kanyang pangalan, wala na akong mahagilap na sasabihin ng mga sandaling iyon hindi ko na alam ang susunod pang mga mangyayari sa amin.
"I told you not to touch her." Wika ni Ely sa mahinang tinig na parang nang aamo ng isang mailap na hayop. Tumigil ang taong ahas at tumingin s'ya kay Ely.
"Take me Instead." Dugtong ni Ely sa kanyang mga sinasabi, napahagulhol ako na parang batang hindi naibili ng gustung-gusto kong laruan. Lumayo ang taong-ahas sa akin at pinuntahan niya si Ely, tumingin ako kay Ely na nakatingin din sa akin umiling ako habang patuloy na umiiyak pero ngumiti siya sa akin ng napakatamis na hindi pa niya ginagawa simula ng magkakilala kami, sobrang sakit ng pakiramdam ng puso ko sa tagpong iyon, sobrang sikip sa dibdib na parang sasabog.

Hanggang sa nakalapit na sa kanya ang taong-ahas at bigla akong nagulat, napatayo at agad na napatakbo nang sumigaw si Ely ng malakas: "Run! CK Run!"

Vacay with a Twist Where stories live. Discover now