Chapter 20: Compensation of the innocent

0 0 0
                                    

—————————————————

Matapos mahatulan si Cassandra Kate o Ck ng guilty without unreasonable doubt sa salang first-degree murder, sa tulong ng tumayong testigo na si Dr. Eliezar o Ely ay tuluyan na s'yang nawala sa sariling katinuan at ang pinaka-masakit sa lahat ay ang mismong taong pinagkatiwalaan niya ang siyang nagdiin sa matinding kasalanang hindi niya ginawa at kahit kailan ay hindi niya naiisip na magagawa niya.

Inilipat si Ck sa isang mental institution ng mapatunayan na wala na s'ya sa sarili niyang katinuan at tuluyan ng nabaliw, palaging nakatulala sa kawalan, minsan ay nagwawala at sinasaktan ang sarili o biglang sumisigaw, biglang umiiyak,  at wala siyang ibang bukambibig kung hindi ang taong-ahas, si Tatay Matt at si Ely.  Walang araw at gabi na hindi siya ginagambala ng bangungot na  dinanas, ang dapat na isang masayang bakasyon ay nauwi sa karumal-dumal at hindi kapani-paniwalang pangyayari.

Isang araw ay binisita ni Ely si Ck sa mental hospital, nakaupo si Ely habang iniintay si Ck sa isang upuan sa garden nakatalikod si Ely nang ihatid si Ck ng isang nurse, pinaupo nito si Ck sa katapat ni Ely, nakatungo si Ck at nilalaru-laro ang kanyang mga daliri. Tinitingnan siya ni Ely na walang emosyon na makikita.

"Ck." Mahinang tawag ni Ely sa pangalan ng dalaga pero hindi lumingon si Ck sa kanya at patuloy na nilaro ang mga kamay. Tumayo si Ely at lumapit kay Ck, hinawakan ni Ely ang ulo ni Ck at hinimas iyon ng marahan at muli niyang tinawag ang pangalan ng dalaga, doon ay tumigil si Ck sa paglalaro ng kanyang kamay at biglang napatingala sa tumawag sa kanya. Nanglalaki ang mga mata ni Ck sa gulat at napa-urong sa kinauupuan dahilan para matumba siya kasama ng kanyang bangkuan. Takut na takot at gulat na gulat ang hitsura ni Ck na nakatitig kay Ely, pandalas ang pag-urong niya sa lupa para makalayo dito pero humakbang si Ely papalapit kay Ck nang dahan-dahan, biglang tumulo ang mga luha ni Ck habang nakatitig dito at nanginginig ang buong katawan. Hahakbang pa sana ulit si Ely nang magsisigaw si Ck ng pagkalakas-lakas at magwala sa kinauupuan nitong lupa na agad naka-agaw pansin sa mga nurse na nag-aasikaso ng ibang pasyente, mabilis pinuntahan ng dalawang nurse si Ck, hinawakan nila si Ck at pinakalma, parang batang nagsusumbong si Ck habang itinuturo si Ely na takut na takot, hindi na ito sumisigaw at nakayakap lang sa braso ng isang nurse na parang nagtatago sa isang nakakatakot na nilalang.

"Hey Clumsy Ck. It's me— Ely." Sabi ni Ely dito pero nananatili itong nakatago sa isang nurse at hindi nagsasalita at nakatitig lang sa kanya si Ck at takut na takot ang mukha.
"I'll visit you again when I come back home here in Philippines." dugtong pa ni Ely na nagpapalam dahil babalik muna siya sa ibang bansa, pero sinigurado niya kay Ck na babalikan niya ito, at inilapit niya ang mukha ng kaunti kay Ck. Tinitigan niya itong mabuti at nakatingin din naman si Ck sa kanya na ganoon pa din ang reaks'yon ng mukha.

Ilang saglit pa ay sinabi ni Ely sa mahinang boses na:
"Trust no one Ck, trust no one." Nanglaki ang mga nito na at parang naalala ang lahat ng ipanagdaanan kasama ang kaharap dahilan ng biglang pagtulo ulit ng mga luha n'ya, muling nagsusumigaw si Ck at pinaghahampas ang kamay sa harapan ni Ely pero agad s'yang pinigila ng mga nurse at tuluyan ng lumabas si Ely sa loob ng institusyon.

(The End.)

Vacay with a Twist Where stories live. Discover now