Chapter 4: Savior

36 6 9
                                    

Chapter 4: Savior

Para akong lantang gulay na naglalakad palabas ng campus. I've been bumping into a lot of students pero wala man lang akong pakialam. My mind seem to stop from functioning. Literal na system shutdown. Napaupo na lang ako sa sidewalk at bumuntong hininga. Gusto ko lang naman mamuhay ng normal, ba't kasama pa do'n 'yung mga hindi pamilyar na pakiramdam na naramdaman ko kanina? Napabusangot na lang ako. I don't really know what's happening; kung may diperensiya na ba ako sa puso o unti-unti nang nauupos ang brain cells ko sa utak. Palagi na lang akong kinakabahan sa hindi ko malamang dahilan, pinagpapawisan ng malala, nauutal, nalulutang. At ang pinakanakakagimbal pa doon, lahat nang 'yon nangyayari kapag nakikita o malapit siya sa akin. Kuso. Mas mabuti pang mabaliw ako mag-isa sa kakagawa ng thesis at hindi ito. Lord, ano na naman ba 'to?

Muli akong napabuntong hininga at tumayo. Napatakip ako ng ilong dahil sa usok na nanggagaling sa mga streetfood carts. May mangilan-ngilan pang galing sa mga sasakyan na kulang na lang maging pangkulay dahil sa itim. This is why I hate going out of school at the same time all of the students are being freed too. I usually stay at the library until everyone had their leave. This time, kailangan kong makisabay sa kumpulan ng mga tao dahil maghahanap pa ako ng bagong marerentahan, nang mag-isa. 

There's a lot of happening in the road right now. Ito pala 'yung araw-araw na nakikita ng mga normal na estudyanteng hindi gaya ko. May naglalampungan este ipagpalagay na nating nagde-date habang kumakain ng street food. May mga grupo rin ng estudyante na nagtatawanan at may iba namang mag-isa lang, nakasalampak ang mamahaling air pods sa tenga, at naglalakad nang walang pakialam sa nangyayari sa paligid. Okay, that was definitely me. Binuksan ko ang cellphone at in-open ang spotify. I scrolled through my favorite playlist and clicked Love Story. All time fave. Tinaasan ko ang volume hanggang sa hindi ko na marinig ang samu't saring usapan at tunog ng mga sasakyan sa paligid. Isinuot ko rin ang face mask ko para iwas sakit dahil sa mga usok. Ah. Refreshing.

Funny how this one song contains a lot of unspoken feelings we are having every day. But I don't know, I still don't have that love story yet. Or maybe, wala talaga. 

Hindi na nawala ang kaba sa puso ko dahil sa nangyaring 'yon kanina. Napapansin ko rin ang pagtili ng ilan kong kaklaseng mga babae at may iba pang kumukuha ng litrato. Gusto ko silang pigilan, ngunit nanginginig na ang mga tuhod ko dahil sa kaba at halos hindi na ako makatayo nang maayos. 

"Okay. Gano'n lang kasimple ang gagawin ninyo. Now Mr. Tsugeyama, you do the same. At ikaw naman Mr. Valle ang hahawak sa tuhod niya," rinig kong sabi ni Prof. Napatingin si Eos sa akin, napatingin rin ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong pinapakitang emosyon ng mukha ko ngayon at nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya- or that was just me, imagining things again. Napayuko na lang ako at pinagsiklop ang nanlalamig kong mga kamay. Malakas pa rin ang pagtibok ng puso ko. At kapag ako naman ang gumawa no'n, baka mahimatay na ako ng tuluyan.

"Ah, Prof, I think alam naman na nila kung paano. So I suggest not to do it again." Naitaas ko ang ulo ko nang narinig ko siyang magsalita. He's looking at me while smiling. It seems like nabasa niya kung anong nasa utak ko at hindi rin siya pumayag sa ideya ni Prof na ako naman ang gagawa no'n. Napansin niya bang naiilang ako at kinakabahan ng malala? Kung oo, salamat. Maraming salamat. 

"Hmm. Okay. The activity starts now, go with your partners and record each reps." Professor Ersen's voice faded as he started roaming through the gymnasium. Naiwan kaming dalawa sa gitna habang ang ilan naman ay kanya-kanya nang ginawa ang activity.

20000 Milliseconds (BoyxBoy)Where stories live. Discover now