Chapter 10: Grocery Lovers

29 4 0
                                    

Chapter 10: Grocery Lovers

Tumatawa lang siya habang nakasandal sa mamahalin niyang motorsiklo. Mahigpit ang pagkakataling ginawa niya sa hood ko kaya hindi ko ito matanggal ng ako lang. Now I look like a stuffed dumpling. I glared at him while trying to untie the hood. Nakakainis. Minsan talaga hindi ko siya maintindihan. Bigla-bigla na lang nagiging gago. Kanina lang ay parang takot na takot siya sa nanay niya, ngayon, parang aso na nakasinghot ng katol. 

"Walang nakakatawa," I said. Muli ko siyang inirapan. He just shrugged and continued to let out his losing-my-breathe type of laugh.

Hindi ko alam, pero, it's amusing to see him smile. His chuckle was light and laced with a hum of amusement at the matter. It's my first time seeing him like this, and I want to see more part of him. Napaiwas na lang ako ng tingin at pinigilang ngumiti. Please. Not now. Sh*t. 

"Tara na?" I heard him asked. Napaigtad ako nang hinawakan niya ang kamay ko at tumingin sa akin. I can feel my heart racing fast. It was almost like I got electrocuted from his touch. Muling namula ang pisngi ko at hindi ko rin mabawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya dahil hinigpitan niya ito. Damn. 

Anong nasa utak mo ngayon, Eros? F*ck you.

"Sakay na, baka mapagsarhan pa tayo ng pamilihan."

***

We arrived to the store he's saying after a few minutes. Hindi ako makapaniwala na may bukas pang ganitong tindahan sa oras na 'to. It's almost 8 o'clock in the evening. Nauna akong bumaba ng motor at hinintay ko siya sa may entrance. The guard greeted us cheerfully and even opened the glass door. Hindi na ganoon karaming tao ang nasa loob. Some of them were adults and elderly, but most of the customers right now are lovers, from the looks of it.

Nagkalat sa paligid ang mga mag-nobyong naghaharutan ng kaunti. May iba pang babae na nakasakay sa shoping trolley habang tinutulak ng kasintahan nila. Ugh. Ang sakit sa mata. Sinipat ko ang katabi kong matangkad na lalaki at tila wala rin siyang pakialam sa nangyayari sa paligid. Yeah, I better not care too.

"Medyo marami-rami tayong bibilhin. Can you get a trolley from there? Mauuna na akong pumunta sa mga shelves," he said. Tumango ako at pumunta sa sinabi niyang direksyon.  

"Yuen!" 

Napalingon ako sa kanya nang tinawag niya ang pangalan ko.

"You're cute."

People around us started to cheer. Napatabon na lang ako ng mukha dahil sa hiya at inis. Tumatawa lang ang naglalakad na mais na parang ini-enjoy pa ang nakukuhang atensyon dahil sa ginawa niyang kabalastugan. Bwisit ka talaga, Eros!

Pero, bakit ako kinikilig? T*ngina.

Sinampal-sampal ko ang sarili ko habang naglalakad papunta sa nakahilerang shopping trolley. Palagi na lang akong nagkakaganito kapag kasama ko siya. But how can I avoid him? Sa iisang bahay kami nakatira at sa iisang kwarto pa natutulog. Argh! Anong bang ginawa kong kasalanan?!

Padabog kong kinuha ang trolley at sumunod sa kanya.

"Oh, eto. Ikaw ang magtulak," sabi ko sa kanya at inunahan siyang maglakad. May kamay at paa naman siya, bahala siya sa buhay niya. Kainis.

"Baby? Really? You won't help me carrying these things? Ugh, damn. Medyo sumasakit pa naman balikat ko dahil sa practice namin kanina."

Bakit? Bakit ganito siya kagago? Kuso!!!

Kinagat ko ang ibabang labi ko at nanggigigil na lumingon sa kanya. "Anong pinagsasabi mo riyan?!"

He just tilted his head and smiled like he got no other day to smile again. Nawawala ang mata niya sa paraan nang pagkakangiti niya ngayon sa harap ko. I didn't know he is this stubborn. I wish I can smack him in the head instantly. Bago pa ko mapagsabihan ng mga tao sa paligid ko ay pinuntahan ko na lang siya. Damn, this is stressing me more than my subjects could do.

Nakairap pa rin ako sa kanya nang makalapit ako at tinulak ang trolley. He just smirked at me and even pinched my cheeks. Agad kong naramdaman ang pamumula ng pisngi ko. Kore wa gōmondesu. (This is torture.)

Una naming pinuntahan ang canned goods aisle. Kumuha siya ng iilang delata na sa tingin ko'y tatagal for atleast 3 months. I guess he's really restocking his fridge. I am just watching him habang abala siyang namimili. Well, ano pa bang gagawin ko dito aside sa tingnan siya at magtulak sa trolley? I guess none. 

"It's okay to get what you want. I'll pay for it," rinig kong sabi niya habang abala pa rin sa pamimili ng bibilhin. Nakaramdam ako ng hiya. 

"I should pay the half of this one."

Sinipat niya ko ng tingin at ngumiti sa akin. "Okay. Mutual it is."

I'm glad he agreed, and I'm not going to stop pursuing him to let me pay for our expenses. Besides, my Mom sent me enough money for us to spare. It's better this way. We headed to the dairy section after. Ako na ang kumuha ng dalawang gallons ng gatas. Ah, how I missed this one.

"I didn't know you love milk." Eros looked at me amusingly. Dahil siguro hindi ako nagrereklamo sa kapeng tinitimpla niya tuwing umaga. 

"Your coffee is not that bad."

I saw in my peripheral vision how his lips curved up after I said that. Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon including the sudden beating of my heart right now. I need a doctor.

We proceeded from the dairy section to the personal care and ended up in the meat section. Kulang na lang ay bilhin namin ang buong grocery store sa dami niyang kinukuha. It's not that I'm worried about how much it will cost, but we're using a motorcycle to come here. Paano namin dadalhin ang lahat ng 'to pauwi??

"Are you hungry?" he asked while helping me pushing the trolley towards the counter. Hindi na gaanong crowded sa napili naming pwesto kaya agad ring nasimulan ang paglista sa mga nabili namin.

"Not really. But I could stop by for ice cream."

"Just like what I am thinking."

Pagkatapos malagay sa eco-bags ang lahat ng pinamili namin ay dumiretso siya palabas ng store. Napatingin pa ako sa counter at nagtatakang sumunod sa kanya. Aren't we going to bring our groceries?

"Eros! Hindi ba natin dadalhin ang mga 'yon?"

"The delivery will send it home." He just smirked at me.

Nakakairita talaga 'tong lalaking 'to. Napabuntong hininga na lang ako at sumunod sa kanya. Well, ano pa nga bang magagawa ko?

"Sakay na." Inabot niya sa akin ang helmet na suot-suot ko kanina.

"Saan tayo?"

"You said you want ice cream? I only know one place where they still sell ice cream at this hour."

I got excited when I heard it. Agad kong isinuot ang helmet sa ulo ko at umangkas sa likuran niya. He playfully took my hands and wrapped it around his stomach.

"Baka mahulog ka, kapit nang mabuti."

"Wala ka na bang magawang matino?"

He laughed like crazy.

***

Author's Note:

Short update!! I just wanna show you guys na buhay pa ako! HAHAHAHA. Joke lang. I suddenly had a free time so I think I'll be updating a few. This is just a filler. 😭. Pasensya na kayo tamad ang author ninyo. But I saw your comments on my other stories and it's really motivating me to do more. Thank you for still supporting me at this point! Gagawin ko talaga ang lahat para matapos 'tong story na 'to before the year ends. Hehe. Oh, and by the way, nakikinig ako sa mga romance/cute upbeat Korean music habang sinusulat 'to, nang makaramdam man lang ako ng kilig kahit papaano. Sana lang talaga ay kiligin rin kayo habang binabasa 'to. HAHAHA. Love lots! I'll be back~

20000 Milliseconds (BoyxBoy)Where stories live. Discover now