CP19:Perfidious Savior

29.9K 1K 222
                                    

Unti-unting minulat ni Lee ang kanyang dalawang mata. Iginila niya ang kanyang paningin sa paligid. Bahagyang ngumiti siya nang makita niya ang kanyang mga kaklase na malapit lang sa kanyang kinatatayuan. Hahakbang na sana siya nang biglang nagsigawan ang kanyang mga kaklase.

Auel:"Huwag mong gagawin yan!" Babala sa kanya ng binata. Napatingin sa kanya si Lee at napaatras muli. Litong-lito ang dalaga kung ano ang mga nangyayari sa kanyang paligid.

Lee:"A-Anong nangyayare?" Mahinang pagkasabi ng dalaga habang nakatingin kay Auel.

Auel:"Kapag natapakan mo ang isang manipis na sinulid sa sahig, maaari mo itong ikamatay." Seryoso niyang pagkasabi. Nanlaki ang mga mata ni Lee nang marinig niya ang sinabi ng binata si Auel. Napayakap siya nang mahigpit sa kanyang alagang pusa na si Keiko. Napasandal muli ang dalaga sa puno, habang pinagmamasdan ang kanyang mga kaklase sa kanilang ginagawa.

Auel:"A-Ako na ang pupunta sa posisyon ni Lee Miww." Pagre-reprisinta niya sa grupo. 

Karmina:"I have a bad feeling about this.." Bulong niya habang nakatingin kay Auel.

Cheska:"Sigurado ka? Baka mapahamak ka?" Tanong ng dalaga. Napangiti naman si Jassie sa kanyang narinig at sinundot sa tagiliran ang kaibigan. Napatingin naman si Cheska kay Jassie at halatang kinikilig ang kanyang kaibigan sa kanilang dalawa.

Jassie:"Ikaw ha?" Natatawa niyang tanong.

Cheska:"What? Ikaw talaga, tumigil ka nga." Naasar niyang pagkasabi, pagkatapos ay bahagya niyang itinulak si Jassie. Dahil medyo napalakas, napaupo sa sahig ang dalaga.

Cheska:"S-Sorry Jas!" Gulat niyang pagkasabi nang makita niyang bumagsak ang dalaga sa lupa. Napakamot sa ulo si Jassie at kinikilig pa rin kina Auel at Cheska.  lalapitan niya sana si Jassie nang inunahan siya ng isang binata. Tatayo na sana siya nang biglang lumapit sa kanya si Hiroshi. Inalok ang kanyang kamay para makatayo ang dalaga.

Jassie:"A-Ahh? H-H-Hir-r-Hiroshi.."  Pautal-utal niyang pagkasabi habang nakatingin sa binata. Nginitian lang siya nito at tumango. Nang maitayo na siya ni Hiro, nagbow sa harapan niya si Jassie bilang sign ng pasasalamat.

Jassie:"Kamsa.." Bulong niyang pagkasabi. Bago umalis si Hiroshi, napansin niyang nadumihan ang damit ni Jassie, lalo na sa bandang pwetan ng kanyang pants. Hinubad ni Hiroshi ang kanyang jacket at ibinigay kay Jassie.

Hiroshi:"Oh, heto, itakip mo sa pants mo para hindi makita yung dumi." Wika niya, agad namang tinanggap ni Jassie ang jacket, pagkatapos, pinulupot niya ito sa kanyang bewang.

Jassie:"Salamat ulit." Wika niya, pagkatapos ay iniwan na siya ni Hiro at tumabi muli sa kanyang bestfriend,

Myler:"Ang landi mo talaga Bes." Cold niyang pagkasabi sa binata.

Hiroshi:"Malandi agad? Hindi ba pwedeng gentleman lang?" Pagpipilosopo ng binata.

Class Picture 2 : Moriendo Renascor (Published under Cloak Pop Ficion)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu