CP2:Hellcome Back

104K 1.8K 557
                                    

Maaga pa lamang sa St. Venille ay marami na kaagad sasakyang nakahelera sa eskwelahan. May ambulansya, police vehicles, school buses at may ilang private vehicles. Mayroon ring makikitang malaking tarpaulin na nakasabit sa gate at ilang mga poster na nakasabit din sa mga malalaking puno na nakahaligi sa loob at labas ng paaralan. Ang nakalagay dito ay "Welcome to St. Venille!". Maraming estudyante ang nasa quadrangle, nagpapakilala sa isa't-isa at sinusubukan magkaroon ng bagong mga kaibigan. Magara ang magiging celebration ng paaralan dahil bagong bukas lamang ito, ngunit naging madugo rin ito. Habang naglalakad ang isang babae, pumukaw ng atensyon niya ang isang babaeng nakatayo sa gitna. Hindi siya estudyante, may katandaan na at nakauniporme pangsekretarya ang damit. Hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito dahil sa sinag ng araw. Maya-maya ay may narinig siya sa bandang likuran niya na tila ba nagbibilang.

:"One, Two ... " Bilang ng babae sa likuran niya, dahan-dahan niyang nilingon ito at nakita ang babae. Bigla siyang ngumiti at binulong ang kasunod na numero.

:"Three." Bilang niya, biglang may nagpaputok ng baril na ikinagulat niya. Napahawak siya sa kanyang ulo dahil sa sobrang gulat. Ang babaeng pinagmamasdan niya kanina ay nakahiga na sa sahig at naliligo sa sarili niyang dugo. Napalingon ulit siya sa likuran para hanapin ang babaeng nagbibilang pero nawala agad ito na parang bula. Pagtalikod niya ay nakita niya ito muli, nakalagay ang kanyang hintuturo sa labi at nakangiti. Pagkatapos ay umatras ito ng tatlong beses at humalo sa nagkakagulong mga tao. Gulat na gulat siya sa nangyare at tila hindi makapaniwala. Pinikit-pikit niya ang kanyang mga mata at napahawak sa kanyang sling bag ng mahigpit. Dumiretso na lamang siya sa paglalakad habang sinusundan ng tingin ang mga medic na isinasakay ang babaeng duguan. Habang naglalakad sa garden papuntang Academic building, may umakbay sa kanyang dalawang tao. Isang babae sa kaliwa, at lalake naman sa kanyang kanan. Ngumiti ito sa kanya at isa-isang nagpakilala.

Astrid:"Oh? Dito rin pala kayo nagtransfer sa St. Venille." Bati niya sa dalawa, tumawa ito at ginulo-gulo ang buhok niya.

Cynah:"Oo, actually dito talaga dapat ako nung first year pa kaso diba nga biglang nagsarado. Kaya when my mom found out na magbubukas ulit to, nagpareserve kaagad kami ng slot." Wika niya habang hinahawakan ang DSLR na nakasabit sa kanyang leeg.

Hiroshi:"Oo nga, same here! Alam mo ba na isang araw pa lang ang nakalipas, full slot na kaagad ang slots for fourth year. Ewan ko ba, yung class 4-6 ang hindi kaagad napuno at naiwan sa lahat. Doon tuloy ako napunta." Pagkw-kwento ng binata.

Cynah:"Ay weh? Alam mo ba na 4-6 din ang sekyon ko. Hahahaha, ikaw Astrid?" Tanong niya habang nakatingin sa dalaga.

Astrid:"Oo eh, 4-6 din ang nakuha ko." Bulong ng dalaga, hindi parin siya makapaniwala sa kanyang nasaksihan kanina. Nakatingin lang siya sa lupa at parang natutulala dahil sa nangyare. Kumalas si Cynah sa pagkakaakbay sa dalaga. Mabilis na hinawakan ni Cynah ang kanyang DSLR at palihim na kinuhanan ng litrato ang dalaga. Nagulat naman si Astrid sa ginawa niya pero si Hiroshi naman ay tuwang-tuwa pa at nakapogi sign pose pa.

Cynah:"Smile!" Sigaw niya, pagkatapos ay pinindot ang camera.

Astrid:"Cynah naman eh! Humanda ka saking babae ka!" Banta niya at tumakbo na parang hahabulin ang dalaga. Tumakbo siya ng matulin para habulin si Cynah pero bigla nalang tumunog ang bell. Napahinto siya at muling tinawag ang kaibigan.

Astrid:"Hoy Cyril Hannah Wojas!! Malalate na tayo!" Sigaw niya, napalingon naman si Cynah at sumayaw. Nakalagay ang kanyang dalawang kamay sa ulo at gumiling giling. Kilala ang sayaw na ito na CaramellDansen

Cynah:"Nyeh, Nyeh." Asar niya sa kaklase, inantay niyang makalapit sa kanya sina Astrid at Hiroshi, pagkatapos nito, sabay silang tatlo na naglakad papunta sa kanilang classroom. Sa garden naman, isang lalake naman ang naglalakad magisa na may hawak-hawak na libro. Nakita ito ni Louie Venice Ortega o mas kilala sa kanyang stage name na si "Venice". Lumapit siya dito at kinalabit sa likod ang kaklase.

Class Picture 2 : Moriendo Renascor (Published under Cloak Pop Ficion)Where stories live. Discover now