CP6:A Deadly Favor

45.2K 1.1K 322
                                    

Malapait nang sumapit ang dilim ng biglang naisipang lumabas ng magkakadorm na sina Astrid, Cheska at Jassie. Naglakad-lakad sila sa Dorm B kung saan puro babae lang ang pwede rito. Agad kumurba ang isang nakalolokong ngiti sa labi ni Cheska. 

Cheska:"Girls, I know what we're going to do." Bulong niya sa dalawang babae. Curious namang napatingin sa kanya si Jassie habang nakataas ang isang kilay.

Jassie:"Oh ano na naman yan Cheska? Baka naman mamaya, kalokohan na naman yan." Natatawa niyang pagkasabi. Nakayuko lang naman si Astrid at tila may iniisip. Waring binangga ni Cheska ang katabing si Astrid at tinanong.

Cheska:"Astrid, mukhang may malalim kang iniisip ah? Sagutin mo na kasi si Emman, aarte ka pa eh, alam naman naming gusto mo siya diba?"  Pangaasar niya sa kaibigan. Sumimangot siya at sinagot si Cheska.

Astrid:"Alam mo kasi hindi ganun kadali yun eh and sino bang nagsabi na si Emman iniisip ko? Huwag nga kayo jan. Puro lovelife na lang iniisip niyo, eh wala ngang forever hindi ba?" Bitter niyang pagkasabi. Napatawa naman ang dalawa ng malakas dahil sa sinabi ng kaibigan.

Cheska:"Hay nako Astrid! Ewan ko sayo, behave na lang kami ni Jassie." 

Jassie:"Oo nga, and kung hindi si Emmanuel Lazaro ang iniisip mo, eh sino?" Tanong niya.

Astrid:"Si Andrew, Si Andrew Leisel." Natigilan sila sa paglalakad dahil sa sinabi ng dalaga. Nagkatinginan din sina Cheska at Jassie sa sinabi ng dalaga. Napalunok si Cheska at pilit na tumawa. Ginawa niya na lang parang biro ang sinabi ng dalaga. Nagpatuloy siya sa paglalakad habang sinasabihan ang kaklase.

Cheska:"Hahaha? Ikaw talaga Astrid kahit kailan, huwag ka ngang gan-" Napatigil siya ng muling nagsalita si Astrid tungkol sa binata.

Astrid:"Si Andrew, nasa likod ko lang siya ng mamatay siya." Napalingon si Cheska habang napaatras naman papalayo si Jassie kay Astrid.

Jassie:"A-A-Astrid? Alam mo ba yang sinasabi mo?" Kinakabahan niyang tanong sa dalaga. Kitang-kita sa mukha ni Jassie ang magkahalong kaba at takot na nadarama. Namumuo rin ang  mga butil ng pawis sa kanyang mukha.

Astrid:"Hindi maganda ang kutob ko sa pinasukan natin. Kailangan nating mag-ingat, kung gusto pa nating mabuhay." Mas lalo silang kinabahan nang sinabi ito ng kaklase. Bahagyang ngumiti si Cheska at inaya ang dalawang kaklase papunta sa room ng Talents Guild. Si Jassie kasi ang tumatayong President ng org na to kaya pwede siyang malabas-pasok sa room na yun ng kahit anong oras niya gusto. Doon sila masayang nagkwe-kwentuhan hanggang sa makarinig sila ng tatlong katok sa labas. Tumaas ang kilay ni Jassie at sumigaw.

Jassie:"Sino yan?" Tanong niya habang nakatingin sa pintuan.

Hannah:"I'm Hannah? From the class of 4-6?" Sagot niya na agad namang narinig ng tatlong magkakaibigan. Nagbuntong-hininga si Cheska at biglang binulungan ang dalawa.

Cheska:"This will be be fun, let's make a play out of her." Malamig niyang pagkasabi, pagkatapos ay bigla siyang sumigaw.

Class Picture 2 : Moriendo Renascor (Published under Cloak Pop Ficion)Where stories live. Discover now