CP31:Truth Or Die

22.9K 872 440
                                    

"Ngayong kilala niyo na ko, shall we continue?" Wika ni Mayumi habang may suot-suot na makapanlinlang na ngiti. Muli siyang lumapit sa mesa at inikot ang bote. Bawat isa sa mga studyanteng kasali sa laro ay mayroong kabang nadarama. Lalong-lalo na ang mga kaklase nilang kasama ni Mayumi sa mga oras na 'to.


"H-Hindi pwede. Hindi totoo 'to. Hindi ganyan ang Mayuming nakilala ko." Bulong ni Hiro habang nakatitig kay Mayumi sa TV. Nakayuko't nakangiti lang si Myler kahit na medyo nasaktan sa sinabi ni Hiroshi. Siguro nga'y isang palabas lamang ang ginawa ng binata at kinaawanan lang siya sinabing ng Mahal kita.


"Huwag ka ngang tanga. Killer si Mayumi. Tanggapin mo na Hiro, siya ang papatay sa atin kapag hindi tayo lumaban." Wika ni Myler, pero nagmatigas ang binata.


"H-Hindi. Kailangan ko siyang puntahan, ako lang ang makakapigil sa kanya." Pagmamatigas ng binata.


"Hiro! Ganun ka na lang ba katanga para puntahan siya? We don't have time for your childish spontaneity." Wika ni Karmina. Napailing lang ang binata at pinuntahan si Cj. Bago pa man siya magsalita, kinontra na agad ni Cj ang binata.


"Hindi ang isasagot ko. Paumanhin." Wika ni Cj, kaya naman napaluhod na lang si Hiroshi sa lupa.


"Back in the game. Looks like we have a winner." Excited na wika ni Mayumi. Nakatingin siya kay Astrid dahil sa kanya tumapat ang bote.


"Hi, Astrid." Matipid niyang wika sa dalaga. Hindi naman sumagot si Astrid sa kanya, nanlilisik ang mga mata ng dalaga kay Mayumi. Gusto niyang lumaban pero hindi niya magawa, mahigpit kasing nakatali ang kanilang mga kamay sa upuan.


"Awww, that's funny? You can't fight me, right? Hahahaha." Pang-aasar ng dalaga.


"I would also like to say thank you sa'yo, dahil kung hindi ka ganun katanga, eh sana hindi ko kayo kasama ngayon, right?" Dagdag ng dalaga. Hindi na nakapagpigil ang dalaga at pinagsasagot niya na si Mayumi.


"Pfft.You're welcome, darling." Nakangiting sagot ni Astrid. Tumalikod si Mayumi at kumuha ng isang pistol sa kanyang likuran. Itinutok niya ito sa ulo ni Astrid at nagtanong.


"Truth... or dare?" Seryosong tanong ng dalaga. Tumawa lang si Astrid at napailing.


"Dare." Sagot niya, pagkatapos ay naging seryoso ang kanyang mukha at tono.


"Oooh, that's exciting!" Wika ng dalaga, pagkatapos ay tumingin siya kay Ruel at tinignan, ito ay bilang senyas na ilabas ang isang contraption na gagamitin sa kanilang laro.


-


Saktong kakabalik lang ni Sakura galing sa pagtawag kay Zero nang makita niya ang lalaking nagngangalang Ruel sa TV screen. Hinawi niya ang kanyang buhok at at mariing lumunok bilang bwelo.


"Siya 'yon." Wika ni Sakura habang nakaturo sa TV screen. Napatingin sa kanya ang mga studyante dahil dito. Napakunot ang noo ni Cj kaya agad niyang tinanong ang dalaga.

Class Picture 2 : Moriendo Renascor (Published under Cloak Pop Ficion)Where stories live. Discover now